VP SARA NAKALINYA SA CHINA – SOLONS

KAHIT ano pang sabihin ni Vice President Sara Duterte ay hindi mabubura ang katotohanan na siya ay Pro-China dahil maraming pruweba na magpapatunay nito. Ginawa nina La Union Rep. Paolo Ortega V at Zambales Rep. Jay Khonghun ang pahayag matapos batikusin ni Duterte ang pagkampi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa United States (US) na kalaban ng China, lalo na ang pagpayag nito na mag-deploy ng missile sa bansa. Unang sinabi ng Malacañang na hindi na ikinagulat ni Marcos ang pahayag na ito ng Bise Presidente sa Melbourne, Australia…

Read More

ILO PROJECT PARA SA GREEN AT DIGITAL SKILLS NG KABATAANG PINOY INILUNSAD

INILUNSAD kahapon sa Maynila ang bagong proyekto ng International Labour Organization o ILO na “Advancing Digital and Green Skills for Youth in ASEAN” na layong sanayin ang kabataan sa Pilipinas at Thailand para sa makabagong konstruksyon na mas ligtas sa kalikasan at mas epektibo. Sa keynote speech ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Carmela Torres, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsasanay sa kabataan para sa isang makatarungan at mas sustainable na hinaharap sa sektor ng konstruksyon. Sa tulong ng ILO/Korea Partnership Programme, bubuo ng mga industry-led training at…

Read More

PAG-USAD NG KASO VS QUIBOLOY GINUGULO

KINUMPIRMA ni Senador Risa Hontiveros na naghahanda na sila ng legal action laban sa testigong nagsabing binayaran ng P1 milyon upang idiin sa pagdinig sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy. Sinabi ni Hontiveros na maituturing itong harassment at intimidation na hindi dapat palampasin at dapat papanagutin ang nasa likod nito. Binigyang-diin ng senadora na malaking kasinungalingan ang alegasyon ng isang Michael Maurillo dahil sangkaterba ang ebidensiya kaugnay sa mga paratang laban sa Pastor. Lahat anya ng testigo na kanilang iprinisinta sa imbestigasyon ng Senate committee on Women, Children and Family…

Read More

SENIOR CITIZENS BINALAAN SA FAKE NEWS SA UNIVERSAL PENSION

NAGBABALA si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga senior citizen sa bansa ukol sa pagkalat sa social media ng maling impormasyon ukol sa pamamahagi ng universal pension. “Fake news po ang kumakalat na makakatanggap na ng P1,000 monthly universal pension na para daw po sa lahat ng senior citizens,” ani Ordanes. Nilinaw niya na sa ngayon, tanging ang may pensyon ay ang mga kwalipikado sa Social Pension for Indigent Senior Citizens program na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi pa nailipat sa…

Read More

EPEKTO NG MIDDLE EAST TENSION SA EKONOMIYA MINALIIT NG PALASYO

WALANG makabuluhang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang umiiral na tensyon sa Gitnang Silangan. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos niyang makapulong ang kanyang economic team, araw ng Martes. “We looked at it and inanalyze namin paanong mangyayari and nakita natin na the effect on the economy should be manageable,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. “So far there’s no significant effect on the economy,” aniya pa rin. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Energy Usec Sharon Garin na base sa assessment ng economic managers, minimal lamang ang…

Read More

MEDIA GINAWARAN NG PAGKILALA NG AFP

GINAWARAN ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kasapi ng media sa paglalahad sa sakripisyo at mga pangangailangan ng kasundaluhan at maging sa paglalantad ng katotohanan sa gitna ng nararanasang tensyon sa bahagi ng West Philippine. Pinangunahan ni Philippine Air Force commanding general, Lt. Gen. Arthur M. Cordura ang paggawad ng pagkilala at pasasalamat sa ilang radio, television and media network. Bilang bahagi ng nakatakdang pagdiriwang ng kanilang ika-78 anibersaryo, binigyang pagkilala rin ni Lt. Gen. Cordura ang ilang mamamahayag sa kanilang…

Read More

1 PATAY SA SUNOG SA APARTMENT SA QC

PATAY ang isang lalaki at marami ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa dalawang palapag na apartment building sa Zambales Street, Brgy. San Martin de Porres, Quezon City dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles. Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na tinupok ng apoy ang itaas na palapag ng paupahang bahay dahilan upang ilagay sa first alarm ng BFP ang insidente. Ayon sa ulat, hindi bababa sa 13 fire trucks at ilang fire volunteer group ang nagresponde sa insidente. Idineklara ng mga bumbero na kontrolado…

Read More

‘No way’ sa Speakership ni Romualdez BOTO NI FRASCO KAY TOBY O ALBEE

IBOBOTO ni Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco sinoman kina Navotas Rep. Toby Tiangco at Bacolod Rep. Albee Benitez bilang Speaker ng Kamara sa susunod na Kongreso huwag lang si Leyte Rep. Martin Romualdez. Kasabay nito, mistulang nakiliti si Frasco sa espekulasyon na tatakbo ito bilang Speaker sa 20th Congress matapos makasama sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Contrary to recent reports, I have not made any decision-much less offered myself-for the position of Speaker of the House in the 20th Congress,”…

Read More

PHL INALIS NA SA 2025 ‘LIST OF SITUATIONS OF CONCERN’

OPISYAL nang inalis ang Pilipinas mula sa ‘list of situations of concern’ ngayong 2025. Ito ang kinumpirma ng United Nations (UN) Secretary-General’s 2024 Annual Report on Children and Armed Conflict. Ang report ni UN Secretary General Antonio Guterres ay inilabas noong Hunyo 20. “It marked a major milestone in the country’s transition from conflict to peace and its expanding leadership in child protection,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ang Pilipinas ay unang naisama sa listahan ng annual report noong 2003, sa gitna ng documented cases ng recruitment at…

Read More