MGA NEGOSYANTE OOBLIGAHIN SA CCTV

DAHIL napatunayan na mabisang panlaban sa kriminalidad, gagawa ng batas ang Kongreso para obligahin ang lahat ng establisimyento na maglagay ng mga closed-circuit television (CCTV), hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ayon kay Parañaque City Representative-elect Brian Yamsuan, kailangang obligahin na ang lahat ng negosyo na may 20 tauhan at hindi bababa sa P50,000 ang transaksyon araw-araw na maglagay ng CCTV sa loob at labas ng kanilang establishment. “The private sector can play a pivotal role in further strengthening the President’s intensified anti-crime campaign. Installing CCTVs in…

Read More

2 SA 6 NA SUSPEK SA PAGPATAY SA OFFICIAL NG KAMARA, HAWAK NA NG PULISYA

NASA kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpatay sa Technical Staff Chief ng House committee on ways and means na si Dir. Mauricio ‘Morrie’ Pulhin nitong Hunyo 15. Inihayag ni PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, na naaresto ang dalawang suspek nitong Lunes at sinampahan na rin ng kasong Murder kabilang ang apat na “at large”. Aniya, nasa kustodiya na ng Quezon City Police District ang dalawa kung saan nagbahagi rin ng extra judicial confession ang isa sa nahuli na si alyas ‘Balong’. Batay sa kanyang salaysay, inupahan sila…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA AI-GENERATED SCAM

SUMASABAY na ang mga scammer sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ginagamit na ng mga ito ang Artificial Intelligence (AI) technology para makapanloko. Dahil dito, umapela si House committee on information communication technology chairman Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay upang hindi mabiktima ng scammers na gumagamit na rin anya ng AI technology. “Nakakalungkot dahil habang umaangat ang ating teknolohiya, nagiging high tech na rin ang mga scammers,” ayon sa mambabatas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos makarating sa kanyang kaalaman na ginagamit na ang AI para sa mga…

Read More

PNP WALANG KINUHANG FITNESS INSTRUCTOR

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala itong kinunang fitness instructor para sa physical fitness program ng kanilang hanay. Matatandaan na inimbitahan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) si fitness vlogger Rendon Labador para pangunahan nito ang 93-araw na weight loss challenge para sa kanilang unit. Batay sa memorandum ng PNP Directorate for Police Community Relations, ang naturang aktibidad ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng PCADG at hindi para sa buong PNP. Sinabi naman ni Labador na boluntaryo nitong tinanggap ang hamon ng PCADG bilang pagtanaw…

Read More

DOJ ‘DI DAPAT BARA-BARA SA KASO NG MISSING SABUNGEROS

HINDI maaaring madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa ambush interview sa DOJ, nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangang dumaan sa proseso ang bawat kaso. Kinakailangan din aniya ang matibay na ebidensiya na mag-corroborate sa mga testimonya ng iba pang saksi. Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa paglantad ng isa sa mga akusado sa pagkawala ng 34 na sabungero na nagtuturo kung saan inilibing ang mga biktima. Binanggit ng kalihim na may affidavit na si alyas Totoy, hindi lang niya matiyak kung pinanumpaan…

Read More

ERWIN TULFO IGINIIT PANANAGUTAN NI JJ JAVIER; MAY SUPORTA NG PNP SA PAGWASAK NG BARIKADA SA BULACAN FOREST LANDS

IGINIIT ni incoming Senator Erwin Tulfo na dapat manatili sa kulungan si JJ Javier, ang umano’y land grabber na kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame, sa kabila ng mga alegasyong suhulan, illegal possession of firearms and explosives, at large-scale o syndicated estafa. Ibinunyag ni Tulfo na may mga nakarating sa kanya na sinusubukan umanong suhulan ni Javier ang mga awtoridad para mapalaya at mabasura na ang mga kaso nito. Ani Tulfo, “Hindi ito katanggap-tanggap. Nahuli siya dahil sa simpleng traffic violation, kung saan natagpuan ng pulisya ang isang C4 bomb at…

Read More

BB BAHAGHARI 2025

PINARARANGALAN at pinangangalagaan ng Villar Foundation ang dignidad ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng pagdiriwang ng iba’t ibang sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlang pangkasarian, at mga pagpapahayag ng sarili—isang pagtataguyod ng inklusibidad, paggalang, at pagtanggap. Kabilang diyan ang idinaos kamakailan na BB Bahaghari 2025 na dinaluhan kamakailan ni Senator-elect Camille Villar. Kasama niya sa larawan (L-R) sina 2024 BB. Bahaghari Gretess Cunanan; 1st Runner-up Seike Mitch Fernando (Brgy. Manuyo 2); Bb. Bahaghari 2025 Zhoey Arana (Brgy. Pulang Lupa 1); 2nd Runner-up Sam Cabasag (Brgy.Talon 5); at Senator Cynthia Villar. (DANNY BACOLOD)…

Read More

MAGSASAKANG REPORTER, GLOBAL FILIPINO AWARDEE

KINILALA ng pamunuan ng Global Filipino Achievers Awards ang Magsasakang Reporter sa Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment dahil sa kanyang adbokasiya na palaganapin sa buong bansa ang pagtatanim ng sariling pagkain. Ang Magsasakang Reporter na si Gadmer “Mer” Layson ay host ng Masaganang Buhay na napapanood sa OnePh, Cignal TV, Channel 1 at RPTV ng TV-5. Reporter at Columnist din siya sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication. Vlogger at Youtuber din si Layson at marami sa kanyang mga video tutorial ay umaani ng milyon-milyung…

Read More

FRASCO KASAMA NI PBBM SA WORLD EXPO 2025; TINIYAK SUPORTA SA PANGULO

KASAMA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbisita sa Philippine Pavilion sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan, si Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco na isa sa maugong na papalit bilang House Speaker sa susunod na Kongreso. Bukod sa Expo, naging katuwang din ng Pangulo si Frasco kasama ang iba pang lider ng Malacanang sa pagdalo sa ilang business meeting na naglalayong palakasin ang diplomatic, cultural, at economic ties sa global partners. Ang pagsama ni Frasco kay Pangulong Marcos ay patunay ng pagkakaroon ng dalawa ng malakas…

Read More