IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na paigtingin ang kanilang inilatag na security blanket kaugnay sa pag-arangkada ng kampanyahan para mga local position sa Biyernes. Kasabay nito ipinag-utos din ni PNP chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil, na mas palakasin ang pagbabantay sa mga lugar na itinuturing na ‘hot spots or areas of immediate concern’ sa pagsisimula ng kampanyahan para sa local elective post mula sa pagka-gobernador, district representatives hanggang pagka-alkalde at konsehal. Una nang pinaghandaan ng PNP ang ipatutupad na security measures sa mga lugar na itinuturing na…
Read MoreCategory: METRO
‘PEOPLE POWER’ NI ROQUE SINUPALPAL NG PALASYO
SINUPALPAL ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque matapos idaan ng huli sa kanyang Facebook Live ang muling panawagan nito na people power revolution. Para kay Roque, walang masama sa people power revolution dahil ‘mapayapang pagtitipon’ lamang naman ito. “Peaceful gathering for what? For what? Anong purpose? Well, they can discuss this over YouTube channel nila, over social media accounts nila, and for what is that gathering? If they’re for peace, why are they asking for the resignation of…
Read MoreSOLONS KAY VP SARA: MAHIYA KA NAMAN
“MAHIYA naman sila!” Reaksyon ito ng isang militanteng mambabatas kay Vice President Sara Duterte-Carpio nang ikumpara nito ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte kay dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. “Si Ninoy ay nakipaglaban sa diktadura ni (Ferdinand) Marcos Sr. noon na pumatay ng napakaraming Pilipino at si Digong naman ay nagpapatay din ng napakarami nating mamamayan,” pinunto ni House Deputy Minority Leader France Castro. Una rito, sinabi ng panganay na anak na babae ni Duterte na posibleng magaya kay Ninoy ang kanyang ama kapag umuwi ito sa Pilipinas…
Read MoreVIRGINIA RODRIGUEZ NAGPASALAMAT SA 38th PMPC star awards at FAMAS SA IGINAWAD NA AWARD
TAOS-PUSONG pasasalamat ang ipinaabot ni Ms. Virginia Rodriguez sa natanggap na pagkilala mula sa 38th PMPC Star Awards at sa FAMAS Prestige Awards bilang Philanthropist of the Year at Outstanding Entrepreneur in Agribusiness. “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ng parangal na ito lalo na sa mga kinatawan ng PMPC at FAMAS. Malaki ang naging tulong ng inyong suporta sa aking mga adhikain, at tinitiyak ko na ipagpapatuloy ko ang aking misyon na tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Rodriguez sa kanyang pagtanggap ng…
Read MorePAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE ‘DI DAPAT MABALAM SA TRANSPORT STRIKE AT IBA PANG MGA PROBLEMA SA BANSA
PINATITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na palakasin pa ang kakayahan ng sektor ng edukasyon upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral tuwing may krisis o aberya, tulad ng suspensyon ng face-to-face classes bunsod ng tatlong araw na transport strike. Ayon kay Gatchalian, bagamat naiwasan ng mga mag-aaral at guro ang abala dulot ng tigil-pasada, ipinakita rin nito ang matagal nang kahinaan ng sistemang pang-edukasyon sa gitna ng krisis. Iginiit ng senador na hindi dapat natitigil ang pag-aaral sa tuwing may ganitong mga hamon,…
Read MoreHINDI PWEDENG SORRY LANG SA ‘FAKE NEWS’ VLOGGERS
BAGAMA’T tinanggap ang apology ng mga vloggers na inimbestigahan NG House Tri-Committee, sinabi ng isang mambabatas na hindi ito sapat kung hindi titigil ang mga ito sa pagpapakalat ng kasinungalingan. Ito ang iginiit ni Manila representative Bienvenido Abante Jr., na isa sa mga pumilit sa ilang vloggers na mag-sorry dahil sa kanilang post tulad ng ‘mass resignation’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP) noong hulihin si dating pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa The Hague sa Netherlands. “These apologies are a start, but they are not enough. If these…
Read MoreANGKOP NA KABUHAYAN PARA SA SENIORS HIRIT NG TRABAHO PARTY-LIST
NAIS ni TRABAHO Party-list nominee Nelson “Kagawad Nelson” de Vega na magkaroon ng angkop na kabuhayan para sa mga nakatatanda sa ginanap na “Ugnayan sa Barangay” sa Lungsod ng Kalookan noong ika-17 ng Marso, 2025. Ayon sa kagawad, mas magiging epektibo ang mga ipapanukalang batas para sa senior citizens kung ang mga ito ay naaangkop sa kanilang mga kakayahan. Sang-ayon dito, ipinagmalaki ni de Vega ang masigasig na pagbisita ng mga TRABAHO nominee sa iba’t ibang barangay sa buong Pilipinas upang personal na makipag-ugnayan sa senior citizens at talakayin ang…
Read MorePAGKUMPUNI SA SIRANG TULAY SA MARILAO INTERCHANGE, PINAMAMADALI
NAGBABALA si Senador Sherwin Gatchalian na lalong magiging malaking problema sa daloy ng trapiko kung hindi pa matatapos ang pagkumpuni sa tulay sa Marilao Interchange bago ang Semana Santa. Umapela si Gatchalian sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na agarang tapusin ang pagkukumpuni ng nasirang tulay na ilang araw nang nagdudulot ng matinding trapiko, lalo na tuwing rush hour. Iginiit ng senador na hindi dapat abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pagkukumpuni. Binigyang-diin ng senador na lalong magiging problema ang sitwasyon sa nalalapit na Semana Santa, kung kailan…
Read MorePAGDAKIP KAY DUTERTE LEGAL – LAW EXPERTS
“LEGAL at warranted.” Ganito inilarawan ng apat na Filipino legal experts ang utos ng International Criminal Court (ICC) na arestuhin si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa crimes against humanity. Para kina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ICT Senior Associate Ruben Carranza, dating ICC judge Raul Pangalangan, at rights lawyer Ted Te, ang gobyerno ng Pilipinas ay sumunod lamang sa proseso sa ilalim ng Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes…
Read More