MAYOR HONEY TUMAYONG NINANG NG 93 PARES NA IKINASAL SA “KASALANG BAYAN 25: MANILA JUNE BRIDE”

MAY kabuuang 93 pares ng mga matagal nang magka-live-in ang ikinasal sa huwes at simbahan bilang bahagi ng “Kasalang Bayan ’25: Manila June Bride” sa Maynila. Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang tumayong principal sponsor sa 28 na pares na ikinasal sa St. Vincent de Paul Parish sa Ermita at 65 pares naman na ikinasal sa Adamson Gymnasium kung saan ang alkalde rin ang nag-officiate. Ang “Kasalang Bayan 2025: Manila June Bride” na ginanap noong June 14, 2025 ay bahagi ng mga aktibidad tungo sa ika-454 anibersaryo ng pagkakatatag…

Read More

PANUNUMPA NG TEAM PAG-ASA

NANUMPA na sa kani-kanilang tungkulin ang buong Team Pag-asa sa pangunguna ni Parañaque 2nd District Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan sa harap ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan. Si Cong. Yamsuan ay kasamang nanumpa sina Parañaque City Vice Mayor-elect Benjo Bernabe, 2nd District Councilor-elect Tess De Asis, 2nd District Councilor-elect Binky Favis at 1st District Councilor-elect Shannin Mae Olivarez nitong Miyerkoles, June 18, 2025. Ginanap ang panunumpa sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema sa lungsod ng Maynila. (DANNY BACOLOD) 237

Read More

China nag-fake news na naman AFP ITINANGGI JOINT AIR AND SEA PATROLS SA PHL

MARIING pinabulaanan kahapon ng Armed Forces of the Philippine ang ipinamalita ng China na nagsagawa sila ng joint sea and air patrols sa katubigan ng West Philippine Sea kasabay sa isinasagawang Joint Maritime Activity sa pagitan ng Japan at Pilipinas. “Reports like these are mere attempts at misinformation, disinformation, and malinformation to shape the internal and domestic narrative of the Chinese Communist Party’s illegal claims in our maritime domain,” ani Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad. Pinabulaanan ni RAdm. Trinidad ang ipinakalat na…

Read More

DISMISSED COP VLOGGER INARESTO SA KYUSI

INARESTO ang pulis na nadismiss dahil sa hayagang pagbatikos sa gobyerno at matataas na opisyal ng PNP matapos ang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Hinuli si Francis Steve Fontillas, sa Pacamara Ext. Commonwealth, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Branch 224 Judge Zita Marie Atienza-Fajardo sa kasong Sedition at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act na may piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Matatandaan na nag-ugat ang kaso ni Fontillas makaraan n itong hayagan akusahan ang gobyerno…

Read More

18 OFWs NA BIGONG MAKAPASOK SA DUBAI BALIK-PILIPINAS

NAKAUWI na sa bansa ang labing-walong overseas Filipino workers (OFWs) na patungo sana sa Jordan at Israel ngunit hindi pinayagang mag-transit sa Dubai at sinalubong sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ni Kalihim Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW). Ang mga nagbalik na OFW ay agad binigyan ng tulong, kabilang ang pinansyal na suporta, transportasyon, at pansamantalang tirahan sa Maynila sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pinamumunuan ni Administrator Atty. PY Caunan. Dahil sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan, lalo na sa…

Read More

‘ACCOUNTABLE OFFICIALS’ NG OVP PAHAHARAPIN SA BUDGET HEARING

BAGAMAN posibleng ipagpatuloy ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tradisyon na hindi obligahing humarap ang Bise Presidente sa pagdinig sa budget ng kanyang tanggapan para sa taong 2026 ay kinakailangan pa ring sumipot ang ilan niyang tauhan. Ani Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, obligadong humarap ang mga opisyales ng Office of the Vice President (OVP) para idepensa ang kanilang budget dahil sila ang nagpanukala nito. Ginawa ni Adiong ang pahayag matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na hindi siya haharap sa 2026 budget hearing na magsisimula sa…

Read More

8 ‘MAKUKUPAD’ NA CHIEF OF POLICE SA METRO MANILA SINIBAK

SINIBAK ni PNP chief, General Nicolas Torre III ang walong chief of police sa Metro Manila makaraang mabigong ipatupad ang 5-minute response time. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, hindi nasunod ng mga opisyal ang kanyang direktiba matapos tumawag ang mga nangangailangan ng tulong. Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, ang mga sinibak na chief of police ay mula sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan at Parañaque. Posibleng may susunod pa na masisibak sa pwesto, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa…

Read More

PAGBILI NG HALAGANG P680-M BIGAS, BIGAS SA BARMM PINAIIMBESTIGAHAN

bigas12

HINILING ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang imbestigasyon sa umano’y pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon ng Ministry of the Interior and Local Government noong 2024. Ang kahilingan ay nakasaad sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman-Mindanao, Office of the President, Senado, Office of the Speaker-BARMM at Commission on Audit. Nabatid pa sa mga complainant, na itinago ang pangalan upang maprotektahan ang kanilang sarili, ang mga transaksyon ay labag umano sa procurement laws, transparency standards, at fiscal…

Read More

2 ARESTADO,10 MINORS NASAGIP SA CHILD EXPLOITATION

ARESTADO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang hinihinalang bugaw habang nasagip ang 10 menor de edad sa umano’y child exploitation sa Concepcion, Tarlac. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, noong Hunyo 10 nang maaresto ang dalawang suspek sa kasong child exploitation, at 10 menor de edad ang nasagip. Nauna rito, nadakip ang isang Swedish national na kinilalang si Heinz Henry Andreas Berglund noong Abril 2, 2025, ng mga tauhan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (VAWCD) at ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit…

Read More