KATAPATAN SA BANDILA IGINIIT NG ‘ANG BUMBERO’

“IMPORTANTE sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa.” Pahayag ito ni Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI) matapos niyang kondenahin ang patuloy na pangangamkam ng bansang Tsina sa Palawan na itinuturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o ang Law of the Sea. Nanindigan si Goitia na tumatakbo rin…

Read More

REGULAR NA SAHOD SA MGA DRIVER ITUTULAK NG TRABAHO PARTY-LIST

NANAWAGAN ang TRABAHO Party-list para sa makatarungang sahod at regular na employment status sa mga pampasaherong driver sa Pilipinas, upang hindi na kailanganin pang mangibang-bansa ang mga ito para makahanap ng mas maginhawang kabuhayan. Ito ay kasunod ng ulat ng Overseas Labor Market Forum na binibigyan ng pagkakataon ang Filipino drivers na makapagtrabaho sa Japan at Europa sa susunod na apat hanggang limang taon, kung saan inaasahang mangangailangan ang Japan ng mahigit 24,000 taxi drivers at 4,000 train drivers, na may buwanang sahod mula P58,000 hanggang P65,000. Ayon kay Atty.…

Read More

AYUDA SA SENIOR CITIZENS NG MAYNILA GINAWANG 1K

MAGANDANG balita para sa may 200,000 senior citizens sa lungsod ng Maynila dahil mula ngayong Marso ay magiging isang libong piso na ang matatanggap na financial assistance ng mga lolo at lola. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, simula ngayong buwan ay dodoblehin na ang matatanggap na monthly financial assistance na magmumula sa city government kaya bawat isa ay makatatanggap na ng P4,000 kada apat na buwan. “Simula ngayong Marso ay makukuha na po ng ating mga lolo at lola ang kanilang dobladong monthly allowance. Mula P500, ngayon ay P1,000…

Read More

HINDI LANG BIGAS, GULAY DAPAT ABOT-KAYA – ROMUALDEZ

HINDI lang presyo ng bigas ang kailangang bantayan kundi maging ang gulay upang masiguro na abot-kaya ito ng mga mamimili. Kasunod ng kanyang matibay na paninindigan na mapababa ang presyo ng bigas alinsunod sa mga programa ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr., iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na dapat ding maging abot-kaya para sa ordinaryong pamilyang Pilipino ang presyo ng mga gulay at nanawagan ng agarang aksyon kaugnay nito. Sinabi ni Speaker Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines (UP) na ang pagpapababa ng presyo…

Read More

House leader sa mga kandidato: PAGPAPABABA NG PRESYO NG BIGAS IPRAYORIDAD

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kandidato sa paparating na midterm elections 2025 na gawing prayoridad ang mga hakbang na magpapababa sa presyo ng bigas. Iginiit ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na maipagpatuloy ang mga pagsisikap upang makamit ang pangmatagalang solusyon. Kasabay nito ay binigyang pagkilala ng lider ng Kamara ang maagap na hakbang ng gobyerno, kabilang ang pagdeklara ng Department of Agriculture (DA) ng food security emergency, na nagbigay-daan sa pagpapalabas ng buffer stocks ng National Food Authority (NFA) upang patatagin ang presyo ng bigas at…

Read More

KABIGUANG MAIBIGAY BASIC NEEDS NG MGA TAGA-PASIG ISA RING KORUPSYON – DISCAYA

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang maraming residente ng Pasig City dahil sa anila ay kabiguan ng kasalukuyang administrasyon na tuparin ang mga ipinangakong basic needs sa mga residente. Ayon kay Mayoralty candidate Sara Discaya, maituturing ding korupsyon kung ang pamahalaan ay bigong maibigay ang essential services sa mga residente na tahasang pagbalewala sa kanilang pangangailangan. Kabilang dito, ayon kay Discaya ang kabiguang ipatupad ang mga proyekto na pakikinabangan ng mga komunidad kabilang ang pagpapatayo ng ospital, pagkakaroon ng housing program, libreng edukasyon, job creation, at imprastraktura. Sa loob ng 6 na…

Read More

PAGLALAGAY NG SRP SA PAGKAIN SINANG-AYUNAN NI CONG. TULFO

SINANG-AYUNAN ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na lagyan ng suggested retail price o SRP ang mga pagkain na laging tumataas ang presyo para maiwasan ang pagsasamantala ng ilang tusong mga negosyante. “Inaabuso kasi ng ilang mga negosyante tulad ng mga middleman o mga broker ang presyo ng ilang pagkain dahilan para sumirit ang presyo nito sa merkado o mga palengke,” ayon kay Cong. Tulfo. “Kasi kung susuriin ng mabuti, mura ang benta sa farmgate o yung mga producer ng mga bigas, gulay, itlog at karne ng mga manok at baboy…

Read More

PAGPAPATULOY NG ANTI-RED TAPE ACT SUPORTADO NG TRABAHO PARTY-LIST PARA PALAKASIN PAGLAGO NG NEGOSYO AT PAGLIKHA NG TRABAHO

IPINAHAYAG ng TRABAHO Party-list ang matibay na suporta sa patuloy na pagpapatupad at pagpapalawak ng Anti-Red Tape Act (ARTA) sa pamamagitan ng digitalization, na binigyang-diin ang potensyal nitong magsulong ng paglago ng negosyo at lumikha ng mas maraming trabaho sa bansa. Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Party-list, ang patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na bawasan ang burokrasiya sa mga proseso ay mahalaga para sa mas competitive at business-friendly na environment. Binanggit niya ang pangangailangan para sa mas pinadali na proseso sa pagkuha ng mga business permit…

Read More

ABOGADO AT SUPPORTERS NG ATEACHER NOMINEE NAGBABALA NA KAKASUHAN ANG MGA MANINIRA KAY MS. RODRIGUEZ

NAKAHANDA ang ilang abogado at tagasuporta ng ATEACHER nominee na si Virginia Rodriguez na magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal na gagawa ng mga paninira laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat, may ilang grupo ang nagsasagawa ng smear campaign laban kay Ms. Rodriguez matapos na tumaas ang rating ng ATEACHER party list sa numero uno, base sa mga survey na isinagawa kamakailan. Umapela ang mga abogado at tagasuporta ni Ms. Rodriguez sa publiko na i-report ang sinumang indibidwal o grupo ng mga taong sangkot upang…

Read More