HIGIT 100 DRIVING SCHOOL SINUSPINDE

MAHIGIT 100 driving schools ang sinuspinde sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa iba’t ibang paglabag, ayon sa Land Transportation Office (LTO). “We have already suspended around 107 driving schools just in the last two weeks. Nahuhuli, na-audit trail namin ‘yan sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa,” sabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa press conference. “Wala nang takas ngayon. Malinaw ang instruction sa amin ng ating (transportation secretary Vince Dizon) at (President Ferdinand Marcos Jr.). Hinihigpitan po ‘yan. Wala nang lulusot,” idinagdag pa ni Mendoza.…

Read More

DEFENSE SECRETARY TEODORO UNANG NAGHAIN NG RESIGNATION

NAUNA nang naghain ng kanyang courtesy resignation kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. nitong Huwebes ng umaga kasunod ng kahilingan ng Pangulo na magsumite ng kanilang courtesy resignation ang 30 miyembro ng kanyang gabinete. Tiniyak naman ni Sec. Teodoro sa sambayanang Pilipino na patuloy na tutupad sa kanilang mandato ang lahat ng kawanihang nasa ilalim ng defense department lalo na ang Armed Forces of the Philippines na siyang responsable sa pangangalaga sa soberanya at territorial integrity ng bansa. Tuloy-tuloy rin…

Read More

‘Drayberks: Ready 4 Safety’ Kampanya ng MPT South sa Buwan ng Kaligtasan sa Kalsada

SA layuning bumuo ng mas ligtas na kinabukasan sa mga kalsada sa Pilipinas, minarkahan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South) ang Road Safety Month sa pamamagitan ng paglalahad ng pinakabagong tema para sa kanilang road safety advocacy campaign na “Drayberks: Ready 4 Safety,” sa isang ceremonial launching na ginanap sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City. Mahigit 100 stakeholders mula sa pampubliko at pribadong sektor ang dumalo sa pagdiriwang, katuwang ang mga pambansang ahensya kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office (LTO), Land…

Read More

Brian Poe: Tuloy ang legasiya! FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST PORMAL NANG NAIPROKLAMA

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang isang makasaysayang tagumpay matapos makakuha ng 533,953 boto ayon sa PPCRV at ngayon ay may kinatawan na sa Kongreso. Ang pangunahing nominado na si Brian Poe ay handa nang ipaglaban ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pagpapatuloy ng misyon ng partido na pagandahin ang buhay ng maraming Pilipino, kundi isang hakbang para sa makabuluhang pagbabago at kaunlaran sa hinaharap. Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Congressman Brian Poe sa kanyang victory speech: “Unang-una, maraming salamat sa aking pamilya!…

Read More

HONTIVEROS BUKAS MAGING OPPOSITION FRONTRUNNER SA 2028

BUKAS si Senador Risa Hontiveros na maging frontrunner ng oposisyon pagdating ng 2028 Presidential Elections. Sinabi ni Hontiveros na handa siya sa anomang posibilidad kaya’t ganito rin ang kanyang panawagan sa iba pa nilang kasamahan. Pero sa ngayon anya ang pagkakaabalahan niya ay ang buuin o pagsama-samahin ang kanilang grupo lalo na sa susunod na siyam na buwan upang makabalangkas ng strongest slate nila para sa 2028. Ipinaliwanag ng senador na sa ngayon ang tiyak niya ay magkakaroon ng alternatibong kandidato sa 2028 bukod sa grupo ng mga Duterte at…

Read More

PIPITSUGING TULAK TARGET NA RIN NG ANTI-DRUG OPS

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugisin ng mga nagpapatupad ng batas ang mga small-scale drug dealers habang mahigpit na pinagtitibay ang due process sa anti-drug operations nito. Sinabi ng Pangulo na magsasagawa ang kanyang administrasyon ng anti-drug campaign nang hindi gumagamit ng pagpatay o hindi pumapatay. “So ngayon, in the same vein, part of the lesson of this election, let’s go back to ‘yung sa grassroots level. Kung inaalala ng tao, sinasabi, nagbabalikan (ang drugs) dito, sige, tuloy natin ‘yung malalaking drug bust,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.…

Read More

Mas mataas sa P14.3-B sa ilalim ng Duterte admin P43.8-B HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG MARCOS JR.

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa P43.8 billion na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa bloodless anti-drug campaign simula nang mag-umpisa ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 2022. Ang nasabing datos ay tatlong beses na mas mataas kumpara sa P14.3 billion na halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa ilalim ng termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang war on drugs ng Duterte admin ay nabahiran din ng kontrobersiya dahil sa mga ulat hinggil sa umano ay extrajudicial killings ng mga…

Read More

DAGDAG NA NON-TEACHING PERSONNEL HIRIT SA DEPED

BAGAMA’T malaking bagay ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na pagkuha ng libo-libong dagdag na mga guro, inihirit ng mga manggagawa ng ahensya ang dagdag din na non-teaching personnel. Ayon kay Atty. Domingo Alidon, presidente ng Department of Education-National Employees Union, kapuri-puri aniya ang inaprubahang dagdag na 16,000 bagong posisyon sa darating na pasukan. Ngunit ayon pa kay Alidon, dapat din aniyang matugunan ng DepEd ang lumulobong kakulangan para sa mga support staff sa mga paaralan sa buong bansa. “Binibigyan namin ng komendasyon ang ahensya sa mga bagong guro-atnasa…

Read More

MAYOR-ELECT ISKO, NANUMPA NA BILANG BAGONG ALKALDE NG LUNGSOD NG MAYNILA

HUMARAP sa Korte Suprema si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso para manumpa sa kanyang gagampanang tungkulin bilang bagong halal na lider ng lungsod bago ang kanyang ‘transition’ sa Hunyo 30. Ayon sa Transition Team ni Domagoso, nanumpa ito kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr. nitong Mayo 19, 2025, ng alas-2:00 ng hapon sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila. Kumpleto ang pamilya ng nagbabalik na alkalde ng Maynila sa pangunguna ng maybahay na si Dynee; mga anak na sina Patrick, Frances, at Franco gayundin…

Read More