BIGONG makabalik sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may labing pitong (17) incumbent party-list organization matapos hindi makakuha ng sapat na boto sa nakaraang mid-term elections. Sa pagsusuri ng SAKSI Ngayon, hindi makababalik sa Kamara ang Gabriela party-list dahil ika-55 ito sa ranking ng party-list group. Nasa 54 organisasyon lamang ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nanalo kabilang na ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon (BH) party-list na sinuspinde ang proklamasyon dahil sa mga nakabinbing disqualification case. Kabilang sa mga incumbent party-list na hindi sinuwerte ang Anakalusugan, Barangay…
Read MoreCategory: METRO
POLICE VISIBILITY, SINGLE CRISIS HOTLINE KONTRA KRIMEN
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dagdagan ang police visibility para mapigilan ang krimen at ipatupad ang unified emergency hotline para sa mas mabilis na pagtugon sa krisis. Sa isinagawang maiden episode ng BBM Podcast, araw ng Lunes, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin na ang mga pulis ay malapit sa mga tao. “So ang una naming ginawa, inutusan ko silang – ng DILG at saka Chief PNP – sinabi ko sa kanila, dapat…
Read More3RD DEATH ANNIVERSARY NI SUSAN ROCES GINUNITA
GINUNITA ng pamilya ni Senadora Grace Poe ang ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng inang si Susan Roces kahapon. Kasama ang anak na si FPJ Party-list Rep. Brian Poe Llamanzares dumalo sila sa misa at nag-alay ng bulaklak sa puntod ng beteranang aktres sa Manila North Cemetery sa Maynila. Dumalo rin sa paggunita ang malalapit na kaibigan at tagasuporta ng pamilya upang alalahanin ang iniwang pamana ng minamahal na aktres at personalidad sa sining at kultura ng Pilipinas. (Danny Bacolod) 360
Read MoreDQ NG MANILA BET NA-TRO NG SC
PINIGIL ng Korte Suprema ang implementasyon ng disqualification na iginawad ng Commission on Elections kay Konsehal Darwin Sia na kumandidato sa nabanggit na posisyon sa nakaraang May 12, 2025 local elections. Sa katatapos na session ng Supreme Court en banc, kinatigan ang petition for temporary restraining order o TRO na idinulog ni Sia sa Korte. Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ni Sia at diniskwalipika ang kandidatura nito sa ikalawang distrito ng Lungsod ng Maynila sa May 12, 2025 elections dahil sa conviction sa isang kaso ng electricity pilferage…
Read MoreMAHIGPIT NA MONITORING SA COVID-19 TINIYAK NG DOH
HINIGPITAN ng Department of Health (DOH) ang monitoring sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa ibang bansa. Tiniyak ito ni Health Sec. Teodoro Herbosa na nagsabing bumaba pa nga ng 87% ang kaso ng Covid sa bansa mula Enero hanggang May 03 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024. Mula sa 14,074 noong nakalipas na taon ay bumaba ito sa 1,774 ngayong 2025. Mababa rin ang case fatality rate na 1.13% o isa ang namamatay sa kada 100 tinatamaan ng sakit.…
Read MoreCITY PROPERTIES ALAGAAN – LACUNA
NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng opisyal at kawani ng local government na alagaan ang pag-aari ng lungsod maliit man ito o malaki. Sa kanyang mensahe sa regular flag raising ceremony nitong Lunes, sinabi ni Lacuna na ang lahat ng city properties ay binili gamit ang taxpayer’s money kung kaya dapat itong alagaan na parang sarili nilang pag-aari. “Ito ay responsibilidad ng bawat isang tanggapan dito sa ating pamahalaan. Samakatuwid, sana, ayusin po natin at siguraduhin na lahat ng pag-aari ng ating lungsod ay nagagamit nang wasto…
Read More53 NANALONG PARTY-LISTS NAIPROKLAMA NA
PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections ang 53 nanalong party-lists para sa 63 upuan sa Kongreso sa seremonya sa The Tent Manila Hotel. (Danny Bacolod) KASUNOD ng proklamasyon ng mga nanalong party-list, inihayag ng Comelec ang planong i-overhaul ang batas patungkol sa lalahok na party-list para sa susunod na halalan sa bansa. Kasunod din ito ng target ng komisyon na ipagbawal ang paggamit ng pangalan ng teleserye o ayuda bilang pangalan ng party-list. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala silang napapanahon na para baguhin ang batas patungkol sa…
Read MoreLAPID IPINROKLAMANG PANG-11 SENADOR
PORMAL nang naiproklama ng National Board of Canvassers (NBOC) si Senador Lito Lapid bilang pang-11 nahalal na senador sa katatapos na 2025 elections. Si Lapid, tinaguriang Supremo ng FPJ’s Batang Quiapo ay nakakuha ng 13,394,102 votes. Kasama ni Lapid sa proclamation ang misis na si Marissa, anak na si Mark Lapid (COO, TIEZA) at mga kapatid at mga apo. Ikinagalak ni Lapid ang kanyang panalo sa ika-apat na termino bilang senador. Pinasalamatan niya ang mahigit 13 milyong botante na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng buong suporta sa panibagong mandato.…
Read MorePULIS, SUNDALONG PINOY ITATALAGA SA UN MISSION – DND
BERLIN, Germany — Habang dumadalo sa United Nations (UN) Peacekeeping Ministerial sa Berlin, Germany, kung saan binigyan siya ng pagkakataong ihatid ang mahalagang mensahe, inanunsyo ni defense secretary Gilberto Eduardo Gerardo ‘Gibo’ Teodoro Jr. ang pakikiisa ng mga Pilipinong sundalo at pulis bilang mga field military observer at officers na sumusuporta sa sa mga UN-mandated mission sa iba’t ibang lugar sa Mundo na may kaguluhan o digmaan. Sa kanyang mensahe sa mga dumalong lider sa pledging session ng ministerial, tiniyak ni Teodoro na magbibigay ang Pilipinas ng mga military mobile…
Read More