TINAWAG ng isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na “noisy minority” ang kumokontra at naninira umano sa mga ayuda program ng administrasyon. Ginawa ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez ang pahayag matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 80 hanggang 90% ang kumikilala sa naitutulong ng mga ayuda program ng gobyerno sa mga tao. “The numbers are clear – the vast majority of Filipinos believe that these ayuda programs work. Those who continue to criticize them represent only a small, disconnected group…
Read MoreCategory: METRO
MALABON MAYOR SANDOVAL NANGUNA SA ‘VOTER PREFERENCE’ SA SURVEY
NANGUNA si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueno, batay sa isinagawang komprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation. Si Sandoval ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28%. Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, na ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa naging magandang pamamalakad nito. Ipinaliwanag ni David na 91% ng respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksyon kaya naman…
Read MoreMGA TAGA-PASIG NAGHAHANGAD NG BAGONG LIDERATO
NAIS ng mga residente sa Pasig City na magkaroon ng pagbabago sa liderato sa lungsod kasunod ng kabiguan umano ng kasalukuyang administrasyon na maipatupad ang mga plano nito gaya na lamang ng pagkakaroon ng housing projects, job creation, health facilities at bagong paaralan. Humihiling din ang mga taga-Pasig ng accountability sa infrastructure projects sa lungsod na hindi natapos at kwestyonableng pag-award ng local projects sa mga contractor. “We Want a mayor who will deliver on the promises made, and not merely because of being popular but failed to deliver the…
Read MoreDOJ, UNODC SANIB-PWERSA SA CYBERCRIME
SANIB-PWERSA ang Department of Justice (DOJ), Office of Cybercrime at ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime sa Pilipinas. Kasunod ito ng planong pagpapalawak ng bilang ng digital forensic experts at sanayin ang mga cybercrime investigators at prosecutors. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy na dumarami ang cybercrimes sa bansa kaya kailangang palakasin ang hakbang laban dito. Upang talakayin ang mga detalye ng nasabing pakikipagtulungan, pamumunuan ni Remulla ang isang maliit na delegasyon ng DOJ patungo sa…
Read MoreLENTE AT COMELEC, LUMAGDA SA KASUNDUAN
BILANG bahagi ng patuloy na paghahanda para sa midterm elections, opisyal na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (Comelec) upang matiyak ang kredibilidad ng nalalapit na halalan sa Mayo. Pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset ang paglagda ng memorandum of agreement (MoA) para sa pinaigting na pagtutulungan ng dalawa sa pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa pagboto ng mamamayan sa kanilang napupusuang kandidato. Ang nasabing kasunduan ay alinsunod na…
Read MoreSA DELAY NG IMPEACHMENT, ARAW-ARAW NANGANGANIB BUHAY NI BBM?
NAGBABALA ang isang administration congressman na lalong tumitindi ang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., habang nababalam ang Impeachment trial laban kay Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio. Ginawa ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ang pahayag dahil sa pahayag ng Senado na posibleng pagkatapos na ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 21 masisimulan ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo. “We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent…
Read MorePINOY TUTULUNGANG MAGKABAHAY Hindi lang trabaho pangako ni Camille Villar
CAMILLE Villar vows to focus on helping Filipinos attain their dreams to have their own homes, and improve their lives once she gets the chance to serve as senator this year. “Ano ba ang pangarap ng Pamilyang Pilipino? Iniisip ko, ano ba ang pangarap ko sa aking mga anak? Una, ay bahay at lupa kung saan mapapalaki natin ang ating anak na ligtas,” said Villar, who is running under the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas during the proclamation rally in Laoag on Tuesday. “Sapat na hanapbuhay, trabaho o pangkabuhayan,” she…
Read MoreRAPE SUSPECT NASILO SA BINONDO
BAGSAK sa selda ang isang 39-anyos na lalaking suspek sa kasong rape, makaraang madakip ng mga tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, sa Parola Compound, Binondo, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Dennis”, residente ng nasabing lugar. Samantala, desidido naman ang mga magulang ng 14-anyos na dalagitang biktima, na ituloy ang kaso laban sa suspek. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Vanessa Javier, ng Women and Children Concern Section, kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, station commander, bandang alas-12:45 ng…
Read MoreERWIN TULFO, NANANATILING NUMERO UNO SA MGA BAGONG SENATE SURVEYS
MULING namayagpag si ACT-CIS Representative at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pinakabagong surveys ng Pulse Asia at OCTA Research para sa mga tumatakbong senador sa paparating na May 2025 Elections. Sa Pulse Asia survey noong Enero 18 hanggang 25, numero uno si Tulfo na may 99% sa Awareness at 62.8% sa voting preference. Samantalang sa OCTA Research survey na isinagawa noong Enero 25 hanggang 31, nakakuha siya ng 70% voter preference. Sa parehong survey, double-digit ang lamang ng dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development sa…
Read More