DAPAT ideklara ng lahat ng opisyal ng gobyerno, appointed man o elected, ang lahat ng kayamanan nila at mga negosyo ng kanyang pamilya para maging “transparent” ang kanilang pagseserbisyo sa pamahalaan at mga Pilipino. Ito ang pahayag ni ACT-CIS Party-list Representative at kandidato ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” sa pagka-Senador Erwin Tulfo, nang tanungin sa isang press conference hinggil sa kung papaano matitiyak ng taumbayan na malinis at walang bahid ng korupsyon ang isang nakaupong opisyal. “Dapat ideklara ng bawat opisyal sa gobyerno kung saan nanggaling ang kanilang yaman…
Read MoreCategory: METRO
PEKENG SURVEY NG ‘SOCIAL PULSE PHILIPPINES’ INIIMBESTIGAHAN – PRAMA
IBINUNYAG ng Philippine Research and Marketing Association Inc. (PRAMA) ang operasyon ng isang survey group na Social Pulse Philippines, na kasalukuyang iniimbestigahan sa mga huwad na survey results para sa darating na halalan. Ayon kay Anton Salvador, kinatawan ng PRAMA, nagpakilala ang naturang grupo bilang isang lehitimong survey firm at ginamit ang social media upang impluwensyahan ang opinyon ng publiko. Gayunman, nabunyag na wala silang rehistradong negosyo at ang kanilang Facebook page ay nilikha lamang noong Enero 2025—isang malinaw na indikasyon ng kanilang kahina-hinalang operasyon. Sa masusing pagsisiyasat, nadiskubreng walang…
Read MoreBOC PINURI, HINAMON NI ROMUALDEZ PALAKASIN KAMPANYA VS AGRI SMUGGLING
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng P85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024. Habang kinikilala ang mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang pangangailangan na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa agricultural smuggling, na patuloy na banta sa mga lokal na magsasaka at sa seguridad sa pagkain. “Maganda ang ginagawa ng Customs sa paglaban sa smuggling,…
Read More73% PINOY NANINIWALANG DAPAT HUMARAP SI VP SARA SA IMPEACHMENT COURT
PARA sa 73% o halos tatlo sa bawat apat na Pilipino, dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial upang sagutin ang mga alegasyon sa kanya kasama na ang kanyang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez, ayon sa survey ng Tangere. Ang survey ay ginawa mula Pebrero 10 hanggang 12 at kinuha ang opinyon ng 2,400 respondents gamit ang mobile-based platform upang makuha ang sentimyento ng publiko kaugnay ng impeachment case na kinakaharap ni Duterte. Ayon sa survey, 51%…
Read MoreTessa Prieto sinupalpal ng gag order ng Makati court
Inisyuhan ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si Tessa Prieto Valdes upang mapigilan ito sa pagpapahayag ng mapanirang statements laban sa ex-girlfriend na si Angel Chua na una na niyang kinasuhan sa Makati Prosecutor’s Office. Sa isang pahinang order, inutusan ng korte si Prieto na huwag magbigay ng anumang komento sa anumang public fora na may kaugnayan sa nakabinbin na kaso. Una nang nagpasaklolo ang kampo ni Chua sa korte at inaprubahan ang inihaing mosyon ni Atty Alexander Llanes Acain Jr. na humihiling na magpalabas ng…
Read MoreBALASAHAN SA GABINETE NI MARCOS, ITINANGGI NG MALAKANYANG
MARIING itinanggi at itinuring ng Malakanyang na espekulasyon lamang ang di umano’y nagbabadyang ‘reorganization’ sa gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siyang ideya ukol sa posibleng reorganization ng gabinete at binigyang diin na ayaw niyang patulan ang haka-haka lamang. “Well, I do not know yet how true they are or is there any basis but usually speculations are always there. Hindi naman namin pwedeng sabihin sa inyo until nangyari na iyan because you know, we do not have compelling reasons,” ang…
Read MoreMAY-ARI NG SINALAKAY NA BODEGA NG BIGAS TUGISIN, PAPANAGUTIN – AGAP
IKINALUGOD ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist ang pagkakahuli at pagsasampa ng reklamo sa apat na indibidwal nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan noong Lunes, Pebrero 10. Iginiit ni AGAP Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones na dapat masampulan din ang mga may-ari ng bigas at warehouse sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12022 o mas kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na may parusang lifetime imprisonment…
Read MoreANG BUMBERO NG PILIPINAS NAGLUNSAD NG MOTORCADE PARA SA MGA VOLUNTEER FIREFIGHTER AT RESCUER
(TRACY CABRERA) INTRAMUROS, Maynila — Nagsagawa ng makasaysayang kick-off motorcade rally ang grupong kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros Maynila bilang hudyat ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan sa Mayo 12. Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire at rescue volunteer ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000, taga suporta mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng pakikiisa sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list group. Ang Bumbero ng Pilipinas…
Read MorePAGPAPALAKAS NG HUKBO TINALAKAY NG USAF, PAF
MULING tinalakay ng United States Armed Forces at ng Philippine Armed Forces ang pagpapalakas sa hukbo, military modernization initiatives, Enhanced Defense Cooperation Agreement sites at pagdaragdag sa lawak ng kapasidad ng joint exercises sa Pilipinas. Nabatid na tumawag noong Martes si Chairman of the Joint Chiefs of Staff Gen. CQ Brown, Jr., kay Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines Gen. Romeo Brawner, Jr. at kanilang tinalakay ang pagpapalakas ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Sa ibinahaging read out ng US Embassy in Manila hinggil sa naging phone…
Read More