PAGBILI NG PALAY AT PAGBEBENTA NG MURANG BIGAS IBALIK NA SA NFA – CONG. TULFO

PARA matiyak na may murang bigas na mabibili ang tao sa buong taon, ipinanukala ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na ibalik sa National Food Authority (NFA) ang pagbili ng mga palay sa mga magsasaka.

Ayon kay Cong. Tulfo, “Wala kasing kakumpitensya ang mga rice traders sa pagbili ng mga palay sa mga farmers kaya binabarat nila ang presyo”. ”

Kontrolado aniya ng mga ito ang presyo sa farmgate na nagreresulta sa halos ginto na presyo pagpasa nila sa merkado.

“Ngayon kung nariyan ang NFA, e di may murang bigas lagi sa merkado”, ani Tulfo.

Idinagdag ng mambabatas na napapanahon na rebisahin ng Kongreso ang Rice Tariffication Law dahil ito ang nag-alis sa NFA na makapagbenta ng murang bigas.

Sa ngayon kasi tanging pag-iimbak na lang ng bigas para sa buffer stock ng bansa ang trabaho ng NFA.

“Few years ago lang bawat palengke may mga pwesto na may tinda ng NFA rice. May napagpipilian ang tao na murang bigas,” dagdag ni Tulfo.

“Ngayon kasi ang traders at retailers ang nagpepresyo ng bigas. Walang kakumpitensya na NFA kaya sobrang mahal ng presyo ng bigas sa merkado ngayon,” paliwanag ni Cong. Tulfo.

Dapat din aniyang ibalik ang may 20,000 na authorize rice retailers sa buong bansa para muling makapagtinda ng NFA rice. Nangako itong agad rerebisahin ang RTL kapag pinalad na mahalal bilang senador sa darating na Mayo.

58

Related posts

Leave a Comment