CHINESE SOCMED WARRIORS NAGPAPAKALAT NG ANTI-PBBM, PRO VP SARA CONTENT

LUMUTANG ang isang network ng Chinese-linked social media accounts na aktibo umanong nagpapakalat ng paninira kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at papuri naman kay Vice President Sara Duterte. Sa pagdinig ng Tri Comm noong Martes, inilahad ni Niceforo Balbedina II, ng PressOnePH ang mga impormasyon kaugnay ng operasyon ng Foreign Influence Operations (FIO) at Foreign Information Manipulation and Interference (FIMI) sa Pilipinas. Sinabi niya na ang Chinese state media ay masigasig na nagkakalat ng mga mapanlinlang na kwento tungkol sa gulo sa West Philippine Sea at kasabay nitong…

Read More

CONG TULFO: PONDO SA PANG-NEGOSYO NG MGA WALANG KITA, PALAWIGIN PA

DAPAT palawigin pa ang pondo na ipinamimigay ng pamahalaan sa mga walang hanapbuhay o trabaho sa bansa. Ito ang ipapanukala ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo. Ayon kay Cong. Tulfo, “may ipinamimigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P15,000 na kapital sa bawat pamilya na mula sa mahirap na komunidad, na walang kinikita para magkaroon ng hanapbuhay.” “Pero kailangan muna nilang sumailalim sa training sa pagnenegosyo para hindi naman masayang ang kapital at…

Read More

REKLAMO SA 2025 BUDGET DIVERSIONARY TACTIC SA SARA IMPEACHMENT

DIVERSIONARY tactic ang tingin ng mga kongresista sa plano ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte na maghain ng reklamo laban sa mga lider ng Kamara de Representantes kaugnay ng 2025 national budget. Ayon kina Deputy Majority Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang planong paghahain ng reklamo kina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at dating pinuno ng Appropriations panel na si Zaldy Co kaugnay ng alegasyon ng budget insertions sa 2025 national budget ay isa lamang pamumulitika…

Read More

TINGOG PARTYLIST SUMMIT 2025: PANIBAGONG PANATA SA PAGLILINGKOD AT PAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN SA MGA PILIPINO

MAHIGIT 500 partners at volunteers mula sa iba’t ibang Tingog Centers sa buong bansa ang nagtipon sa Tingog Summit 2025 noong Pebrero 6, 2025, sa Leyte Academic Center sa Campetic, Palo, Leyte upang muling pagtibayin ang misyon ng Tingog Partylist. Sa ikalawang yugto ng Tingog Summit, kinilala ang kontribusyon ng mga kawani at boluntaryo at binigyang-diin ang mga nagawa ng partido. Ang pagtitipon ay hindi lamang isang pagdiriwang ng paglalakbay nito, kundi isang panibagong panata na ipagpatuloy ang paglilingkod at pagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino saan mang sulok ng bansa.…

Read More

BOSES NG TAUMBAYAN: HALOS 80% MIYEMBRO NG KAMARA PABOR SA SARA IMPEACHMENT

NAGPAPAKITA ng napakalakas at malinaw na mandato mula sa taumbayan ang paglagda ng 215 kongresista, na nadagdagan pa ng 25, sa impeachment complaint ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Surigao Del. Norte 2nd District Congressman Robert ‘Ace’ Barbers. “Halos 80 porsyento ng Kamara ang pumirma sa impeachment, higit sa 3/4 ng buong Malaking Kapulungan ang nagsabing dapat itong ituloy. Higit sa kinakailangang 1/3 para agad itong maisumite sa Senado,” saad pa ni Barbers. Aniya, ito ay hindi lamang mayorya, kundi isang super majority—o higit pa sa requirement ng Konstitusyon…

Read More

Kalinga ng ARTE Partylist para sa cancer patients

NAGBIGAY ng sama-samang suporta ang ARTE Partlyist, Rotary Club Foundation, at si dating Reigning Beauty Queen Shamcey Supsup Lee sa mga pasyenteng may kanser sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila. Ang Rotary Club Foundation ay nagbigay ng 40 infusion pumps sa mga nangangailangan, at si Supsup-Lee, na ikatlong runner-up sa Miss Universe, ay sinamahan ng kanyang asawang si Llyod Lee, ang unang nominado ng ARTE Partylist, sa pagbisita sa ospital na nagdala ng mga food pack at bitamina. “Ang maliliit ngunit makabuluhang mga gawa ng kabaitan ay nag-aalok…

Read More

EDSA PEOPLE POWER PAY RULES INILABAS NG DOLE

NAGLABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pay rules para sa tamang pagpapasahod sa mga manggagawa na papasok sa trabaho sa ika-39th anibersaryo ng EDSA People Power revolution sa Pebrero 25. Ayon sa labor Advisory 2,s.2025, ang pay rule ay alinsunod sa Proclamation 727, s. 2024, na nagdedeklara na ang Martes o Pebrero 25 ngayong taon bilang special working day sa bansa. Nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang labor advisory nitong Biyernes, Pebrero 7. Batay sa advisory, ang mga sumusunod na panuntunan sa pagbabayad ay dapat ilapat:…

Read More

IMPEACHMENT DAPAT LUMARGA NA SA SENADO

ITO ang ipinahiwatig ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party-list sa ilalim ng Makabayan Group, sa “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City, kahapon ng umaga. Sagot ito ng mambabatas sa sinabi ni Senate President Francis Escudero na walang mangyayaring impeachment trial sa panahon na naka-session break ang Senado. “Sa tingin po kasi namin, walang ibang time na pwede. Hindi mo [kasi] pwedeng takdaan ng time yong pagkakaroon ng impeachment court. Pwede [namang] gawin yan ngayon at [pwedeng] magpatuloy sa mga susunod [na…

Read More

50TH ANNIV NG JESUS MIRACLE CRUSADE, ‘DI MAG-EENDORSO NG KANDIDATO

NO way! ang sinomang politiko na gustong magpaendorso sa maimpluwensyang religious group na JESUS Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) sa kanilang 50th Golden Church Anniversary sa Linggo, Pebrero 9, 2025. Ang JMCIM ay isa sa pinakamalaki at matagumpay na Apostolic churches sa Pilipinas na magdiriwang ng 50th Golden Church Anniversary na gaganapin sa Quirino Grandstand s sa Luneta Park. Inaasahang libo-libong miyembro nila ang dadalo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa malaking okasyon na gaganapin sa Maynila. Sinabi ni Beloved Minister Filmore Awas na iginagalang nila ang lahat sa…

Read More