LUMILINAW na sa imbestigasyon ng Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mula sa kita sa illegal drugs sa bansa ang ginamit sa pagpapatayo ng mga Chinese national ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Isiniwalat ito ni House committee on public order and safety chairman Rep. Dan Fernandez sa ikaapat na pagdinig ng Quad Comm sa pagkakaugnay ng illegal drug trades, POGO at Extrajudicial killings (EJK). “In the course of our inquiry, I believe that one thing will eventually be made clear: that drug money is the source of…
Read MoreCategory: METRO
CHILD HAUS @ 22
IPINAGDIWANG ng The Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) Haus ang ika-22 nitong anibersaryo kamakailan sa main building nito sa Maynila. Pangunahing nakiisa sa selebrasyon ang CHILD Haus founder na si ‘Mader’ Ricky Reyes at SM Prime Holdings Inc. Executive Committee Chairman Hans Sy. Naroon rin ang mga benepisyaryo ng naturang foundation. 221
Read More2 HOLDAPER NASABAT SA OPLAN SITA
HINIHINALANG mga holdaper ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakumpiskahan ng baril ng mga operatiba ng Tactical Motorized Rider Unit (TMRU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, nang sitahin ng mga awtoridad sa isinagawang Oplan Sita sa panulukan ng Tomas Mapua at Ongpin streets nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ang dalawang inaresto na nagpakilalang isang cellphone technician at delivery rider, ay may gulang na 26 at 27-anyos, nakatira sa Sampaloc at Tondo, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-3:25 ng madaling araw nang…
Read MoreDEATH TOLL SA TS ENTENG: 15
UMAKYAT na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng tropical storm Enteng, habang may 21 ang iniulat na nawawala, ayon sa nakalap na ulat ng Office of Civil Defense (OCD). Sa situation briefing sa NDRRMC, inihayag ni OCD Operations Service Director Cesar Idio, kabilang sa mga reported death ang walong naitala sa Rizal; dalawa sa Cebu City; dalawa sa Northern Samar; dalawa rin sa Naga City; at isa sa Negros Occidental. Karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod at landslides. Samantala, dalawa ang iniulat na nawawala sa…
Read MoreBIDDING DOCUMENTS NG DEPED BUBUSISIIN NG KAMARA
MAGSASAGAWA ng hiwalay na imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng proyekto na ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong panahon ni Vice President Sara Duterte. Sa mosyon ni Batangas Rep. Gerville “Jinky” Luistro at hindi tinutulan ng sinumang miyembro ng House committee on appropriations, inaprubahan ang kahilingan na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon kung paano na-bid ang mga proyekto sa DepEd tulad ng mga laptop. Ginawa ng mambabatas ang mosyon dahil sa paniniwala ni AKO Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na nagkaroong ng ‘rigged bidding” sa laptop…
Read MoreEBIDENSYA SA QUOTA SYSTEM SA WAR ON DRUGS MALAKAS
MALAKAS ang ebidensya na kinotahan (quota) ang mga pulis para pumatay ng 50 hanggang 200 drug suspect araw-araw noong kasagsagan ng war on drugs ng nakaraang administrasyon kapalit ang money reward. Ito ang kinumpirma ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na co-chairman din ng quad committee na nag-iimbestiga sa pagkakaugnay ng Philippine offshore gaming operators (POGO), illegal drug smuggling at extra-judicial killings (EJK). “In just three hearings, the quad comm inquiry has exposed an intricate and expansive network of smuggling and trafficking in…
Read More200 BARKO NG CHINA NAGLIPANA SA WPS
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Setyembre 3, na naglipana ang kabuuang 203 barko ng China sa West Philippine Sea (WPS) nitong nakalipas na linggo. Bagama’t hindi nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, ito umano ang pinakamataas na bilang ng mga barko ng China na naitala ngayong taon. Samantala, mas pinaigting pa ang air at naval patrols sa Escoda Shoal bilang suporta sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Teresa Magbanua na paulit-ulit na binangga ng mga China Coast Guard vessel noong…
Read MoreMORE TRAINING PROGRAMS HIRIT NI REP. NOGRALES SA MARCOS ADMIN
(JOEL O. AMONGO) HINIKAYAT ni House labor and employment committee chairman, Rizal 4TH District Representative Fidel Nograles ang gobyerno na gumawa ng mga programa sa pagsasanay at upskilling na mas madaling ma-access bilang panlaban sa underemployment. Ito ay matapos maitala ang pinakamababang antas ng unemployment mula Abril 2005 o sa nakalipas na dalawang dekada. “Nagagalak tayo na mas maraming kababayan natin ang nakapaghanap ng kabuhayan. But the increase in underemployment is perhaps a clue that our fellow Filipinos need more training to improve their viability for higher quality jobs,” ani…
Read MoreDEPED SA ILALIM NI VP SARA, SABLAY BASE SA COA 2023 AUDIT
HINDI lang umano mga estudyante ang bagsak sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) noong 2023. Ayon sa Commission on Audit (COA), bagsak din ang ahensya sa pagtupad sa mga pangunahing target nito tulad ng pamamahagi ng mga gamit pang-edukasyon, pagbili ng libro, pagkuha ng mga guro, pagpapatayo ng silid-aralan, at maging sa school-based feeding program. Sa COA report noong Hulyo, nakasaad na nasayang ang pera ng bayan. Nagbabala rin ito ng mga Notice of Disallowance laban sa mga transaksyong sangkot sa mga…
Read More