SA gitna ng ugong na isang opisyal ng ahensyang walang kinalaman sa industriya ng enerhiya ang ipapalit sa sinuspindeng chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC), nagpahayag ng pagkabahala ang ilang stakeholder. Naniniwala ang mga ito na mas makabubuting eksperto sa industriya ang dapat mamuno sa ERC. Laman ng balita nitong nakaraang linggo ang pagkakasuspinde kay ERC Chairman Monalisa Dimalanta. Ayon sa Ombudsman na naglabas ng kautusan, nagmula ito sa kasong sinampa ng grupong NASECORE na nagsabing hindi tinupad ni Dimalanta ang tungkulin nito. Dahil ito sa patung-patong na mga petisyon…
Read MoreCategory: METRO
PAGBABALIK NI ALICE GUO TAGUMPAY NG JUSTICE SYSTEM – BI
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na ang pagbabalik sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay maliwanag na maituturing na malaking tagumpay sa justice system ng bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, patunay lamang ito na epektibo ang pagtutulungan o kooperasyon ng international counterparts at ng law enforcement agencies ng Pilipinas Bukod dito, sinabi pa ng komisyuner na nagpapakita rin ito na hindi natitinag ang commitment o mandato ng bansa, para manaig ang hustisya kahit ano pa man ang kinakaharap na balakid. Magandang senyales din aniya…
Read MoreGAS STATION IPINADLAK SA P3.1-M UNMARKED FUEL
PANSAMANTALANG ipinasara ng Bureau of Customs (BOC) ang isang gas station sa Valenzuela City matapos matuklasan na ilan sa mga tangke nito ay naglalaman ng unmarked fuel na aabot sa halagang P3.1 milyon. Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang tatlo sa apat nitong tangke sa Roden Refilling Fas Station sa Barangay Ugong ay nabigo sa fuel mark test na isinagawan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at Enforcement Group-Fuel Marking agents noong Huwebes. Samantala, iniulat ni BOC-CIIS Director Verne Enciso, nagtungo ang mga ahente sa…
Read MoreMANGANGALAKAL NAGKALAT NG BASURA, BINARIL NG SEKYU
NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang mangangalakal ng basura makaraang barilin ng security guard ng isang restaurant makaraang magkalat umano ng basura sa paligid ng binabantayang establisyemento ng suspek sa Quezon City noong Huwebes ng umaga. Sinabi ni Quezon City Police District Director, PBGen. Redrico Maranan, kinilala ang nadakip na suspek na si Remwil Garcera, 58, security guard, at residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City. Nasugatan naman ang biktima na isang mangangalakal na hindi pa nakikilala, nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC). Ayon sa ulat…
Read MorePAGBABAGONG PULITIKAL ITINUTULAK NG POLPHIL
NAIS isulong ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), isang organisasyon ng pinagsama-samang mga dating aktibista, development worker at sectoral leaders ang pakikipag-alyansa at suporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist upang isulong ang batayan kahilingan ng mamamayan. Sinabi ni Rico Cajife, lider ng PolPhil-Sogod, Southern Leyte province na ang kanilang grupo ay nakahandang sumuporta sa FPJ Panday Bayanihan dahil sa magkatugma ang hangarin na magkaroon ng seguridad sa pagkain, pantay na hustisya at kaunlaran na pakikinabangan ng lahat ng mamamayan. Sa ginanap na press conference, binanggit ni Cajife na…
Read MoreItinakbo sa ospital CASSANDRA LI ONG NO SHOW SA SENADO
HINDI nakadalo sa pagdinig sa Senado kahapon ang executive ng Whirlwind Corporation na si Cassandra Li Ong dahil isinugod ito noong Miyerkoles ng gabi sa St. Luke’s Medical Center. Bumagsak umano ang blood pressure ni Ong habang ginigisa ng mga mambabatas sa Kamara sa papel nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga. Hindi naitago ng mga mambabatas ang pagkapikon kay Ong dahil sa pagsisinungaling umano nito sa ugnayan ng Whirlwind at Lucky South 99 gayung maraming ebidensiya na kapwa may papel ito sa nasabing kumpanya. Dahil dito,…
Read MoreDIGITAL HOTLINE PARA SA WORK, CLASS SUSPENSIONS
LUMIKHA ng ‘digital hotline’ ang gobyerno kasama ang Office of the Executive Secretary, Office of Civil Defense, Presidential Management Staff (PMS), Pag-asa, Office of the Presidential Communications Office, Appointment Secretary, Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase at trabaho, pampubliko man o pribado. Sinabi ni PCO Sec. Cesar Chavez, tungkulin nito na bago mag-alas-4 ng umaga ay dapat may-anunsyo. Iyon ay kung kinakailangang magbigay ng anunsyo ang Office of the President (OP) bunsod na rin ng paminsan-minsang…
Read MoreBAGONG PAMUNUAN NG MULTINATIONAL VILLAGE HANDA SA RECONCILIATION
HANDA ang kampo ni Arnel Gacutan na makipag-usap sa kampo ni Julio Templonuevo para plantsahin ang problema sa Multinational Village sa lungsod ng Parañaque. Giit ni Gacutan, dapat magkaroon sila ng reconciliation para magtulungan sa halip na magbangayan. Dapat maayos anya ang gulo sa Multinational Village kung saan apektado ang mga miyembro ng homeowners association. Dagdag pa ni Gacutan, una niyang gagawin ang rehabilitation sa Multinational Village na para bang napabayaan anya ng dating pamunuan. Una nang nagkaroon ng tensyon, Huwebes ng umaga kung saan sampung pulis ang nasaktan matapos…
Read MoreGSIS MAGBIBIGAY NG LOAN SA MIYEMBRONG BIKTIMA NI ‘ENTENG’
INANUNSYO ng state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) na magbibigay ito ng emergency loans sa mga miyembro at pensioners nito sa mga lugar na apektado ng Bagyong Enteng. Sa isang kalatas sinabi ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-hit members at pensioners ay kagyat na sisimulan sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng kamakailan lamang na weather disturbance. Sinabi pa rin ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-affected members at pensioners ay ikakasa sa nagpapatuloy na emergency…
Read More