2 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO

PATAY ang dalawang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo noong Miyerkoles dakong alas-6:10 ng gabi.

Pagsapit sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia ay pinagbabaril ang mga biktima ng riding in tandem na sakay ng puting motorsiklo.

Kaagad silang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

Ang mga biktima ay may ranggong Private First Class at kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Nakuha naman sa crime scene ang tatlong basyo ng bala na pinaniniwalaang galing sa kalibre .45.

Patuloy ang follow-up investigation at intelligence gathering ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaril.

(TOTO NABAJA)

162

Related posts

Leave a Comment