‘NAGPATAKAS’ KAY GUO TARGET NG KAMARA

HAHANAPIN umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga nagpatakas o tumulong kay Alice Guo para makaalis sa bansa sa kabila ng kanyang arrest warrant at mga kasong kinakaharap sa Department of Justice (DOJ). Ito ang tiniyak ng liderato ng Kamara kung saan iminungkahi na isama ang usaping ito sa imbestigasyon ng Quad-Committee sa illegal drug trades, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at Extrajudicial killings. “Siyempre hindi makaalis ‘yan kung wala siyang nilangisan sa ating pamahalaan lalong lalo na sa Bureau of Immigration. Hindi puwedeng hindi alam ng BI dahil…

Read More

Sa unang taon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair P10-B AYUDA NAIPAMAHAGI NG GOBYERNO SA 2.5M PAMILYA

UMAABOT sa P10 bilyong halaga ng tulong mula sa gobyerno ang naipamahagi sa 2.5 milyong pamilya sa ilalim ng pambansang inisyatibo na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Ito ang inihayag ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada noong Lunes, kasabay nang inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit sa pagdiriwang ng unang taon ng programa. “In terms of the number of beneficiaries, around 2.5 million families have been able to benefit from this program. Around P10 billion worth of programs, projects and services, including cash assistance were distributed,” ayon kay…

Read More

PAMILYA SA DUMAGUETE SINITA NG NGO SA PAGGAMIT NG GOV’T RESOURCES

SINITA ng Non-Governmental Organization (NGO) na Bantay Balota ng Masa 2025 (BBM 2025), ang mga opisyal ng Dumaguete City na ginagamit umano ang kanilang kapangyarihan upang paboran ang kanilang mga kapamilya. Ayon kay Andrew Santos, tagapagsalita ng BBM 2025, ang ganitong gawain ay nagpapahina sa tiwala ng publiko at sa integridad ng mga institusyon ng gobyerno. Kinukuwestiyon ng BBM 2025 si Dumaguete Mayor Ipe Remollo dahil sa paglahok ng anak na si Dio Remollo sa mga opisyal na gawain ng lungsod, kahit wala itong pormal na posisyon sa gobyerno. Aniya,…

Read More

EMERGENCY RESPONSE DEPARTMENT IPINATATAYO

MULING nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano na magtatag ng isang Emergency Response Department (ERD) upang protektahan ang bansa mula sa mga panganib na dulot ng mga geologic hazard at iba pang banta ng klima. Ito anya ang tugon sa kasalukuyang volcanic smog mula sa Bulkang Taal. Kasunod ito ng ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naglabas ang Bulkang Taal ng 3,355 toneladang sulfur dioxide. Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang may mga posibleng panganib ito tulad ng steam explosions,…

Read More

2 BARKO NG COAST GUARD NASIRA SA PAGBANGGA NG CCG

INAKUSAHAN ng Pilipinas kahapon ang Chinese Coast Guard ng panibagong “labag sa batas at agresibong maniobra” sa West Philippine Sea (WPS), na nagresulta sa mga banggaan na nagdulot ng pinsala sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG). “Kaninang umaga, ang Philippine Coast Guard (PCG) vessels na BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) ay nakaranas ng labag sa batas at agresibong maniobra mula sa Chinese Coast Guard vessels habang papunta sa Patag at Lawak Islands sa West Philippine Sea,” ayon sa National Task Force for the West Philippines…

Read More

BAGONG KASO NG MPOX NAITALA NG DOH

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Health (DOH) ang isang bagong kaso ng mpox o monkeypox kung tawagin sa Pilipinas. Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa, iniulat ito sa ahensya noong Linggo at ito ang ika-10 laboratory confirmed mpox case sa Pilipinas. Ang bagong kaso ay nakita sa pamamagitan ng pinataas na pagbabantay ng gobyerno pagkatapos ng pag-akyat ng mpox outbreak sa bansang Africa at idineklara ng World Health Organization na isang emergency noong nakaraang linggo. Sinabi ng DOH na ang pasyente ay isang 33-anyos na lalaking Pilipino “na walang kasaysayan…

Read More

2024 PARIS OLYMPIC DOUBLE GOLD MEDALIST SA SENADO

NAGTUNGO si Paris Olympic 2024 gymnastic double gold medalist Carlos Yulo sa Senado. Sinalubong siya nina Senate Committee on Sports chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go at Senator Pia Cayetano. Tinanggap ng tinaguriang ‘golden boy’ ng Paris ang resolusyon ng Senado para sa kanyang nakamit na ginto sa nakaraang biennial meet kaya naitala ang bansa bilang kauna-unahan sa Asya na nakakuha ng dalawang ginto. (DANNY BACOLOD) 218

Read More

PENSYON SA MGA MANGINGISDA, MAGSASAKA INIHAIN SA KAMARA

ISINUSULONG ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang panukala na naglalayong bigyan ng agricultural pension ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Sa kanyang House Bill 10740, binigyang-diin ni Ordanes na kahit itinuturing na mahalagang bahagi ang mga magsasaka at mangingisda sa ekonomiya at buhay ng sambayanan, nananatiling isa sila sa mga pinakamahirap na sektor sa Pilipinas. Idinagdag pa ng kongresista na mahalaga ang mga magsasaka at mangingisda sa seguridad sa pagkain sa bansa at sila ang nagpapasigla ng kabuhayan sa mga kanayunan. Ipinaliwanag pa ni Ordanes na…

Read More

KOMPREHENSIBONG PROGRAMA SA MGA ATLETA HIRIT NI ROMUALDEZ

KUMIKILOS na ang Kamara de Representantes para mapalakas ang sistema ng pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino. Sa ibinigay na heroes’ welcome sa mga atletang lumahok sa 2024 Olympic Games sa Paris noong Miyerkoles, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nirerepaso na ang Republic Act (RA) No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act upang malaman ang mga kinakailangang pagbabago. Bukod sa pagkilala sa mga natamong tagumpay ng mga atleta, iginiit ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na pagbutihin ang umiiral na mga batas upang…

Read More