PAGKUHA NG BREATH ANALYZER SINUSURI NA NG LTO

NAG-UTOS na si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ng masusing imbestigasyon sa pagbili ng 756 units ng breath analyzers noong 2015 at 2017. Sinabi ni Mendoza na ang utos ay isa sa dalawang hakbang na isinasagawa ngayon ng LTO—ang una ay ayusin ang natitira sa 756 breath analyzers matapos ibunyag ng isang imbentaryo na hindi na sila magagamit. Batay sa assessment, 288 lang sa 756 units ang maaaring ayusin at i-recalibrate. Nabatid kay Asec Mendoza na ang unang batch ng 150 units noong…

Read More

PAGBANGGA NG TSINA SA PH VESSEL KINONDENA NG US

KINONDENA ng US National Security Advisor ang “sinadyang pagbangga’ ng People’s Republic of China sa dalawang Philippine Coast Guard vessels na nago-operate ng naaayon sa batas malapit sa Sabina Shoal sa exclusive economic zone ng Pilipinas nitong Agosto 19. Sa isang kalatas, sinabi ni NSA Jake Sullivan na kinausap na niya si Philippine National Security Adviser Eduardo Año para talakayin ang kamakailan lamang na anunsyo na $500 million na U.S. military aid, na makatutulong para gawing modernisado ang Philippine Armed Forces at Coast Guard. “Mr. Sullivan reiterated the ironclad U.S.…

Read More

HAKBANG LABAN SA MPOX PINATITIYAK SA MGA PAARALAN

PINATITIYAK ni Senador Win Gatchalian sa mga paaralan na magpapatupad ng mga hakbang upang itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral laban sa mpox. Ito ay kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na may 33-anyos na tinamaan ng mpox na walang travel history sa labas ng bansa. Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos, binigyang diin ni Gatchalian na dapat magpalaganap ang mga paaralan ng kaalaman at magsulong ng…

Read More

Kinastigo sa Senado BREATHALYZERS NG LTO MAHAL PERO DEPEKTIBO

LABIS na ikinairita ni Senador Raffy Tulfo ang procurement ng Land Transportation Office ng anya’y mamahalin subalit depektibong breathalyzers na gamit sa pagtukoy ng level ng alcohol na nainom ng isang driver. Sa pagdinig sa Senado, lumitaw na bumili ang LTO ng 756 na unit ng breathalyzers sa presyong P68,000 bawat isa o kabuuang halaga na P51.4 million. Hinati-hati ito ng LTO kung saan ang 215 ay ibinigay sa Metropolitan Manila Development Authority, 50 sa Pambansang Pulisya at ang iba ay dinistribute sa LTO Regional Offices. Para kay Tulfo, mataas…

Read More

Madaling sumulat ng maikling kwento KRITIKO SINUPALPAL NI VP INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte matapos mag-viral ang kanyang librong “Isang Kaibigan” na sinasabing kinopya umano mula sa isang English book. Katwiran ni Duterte, hindi niya kailangan mangopya dahil madaling sumulat ng maikling kwento lalo pa kung base sa sariling karanasan. “Napakadaling sumulat ng maikling kwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kwento,” ayon sa pahayag ng bise presidente. Tinawag din niyang…

Read More

VP SARA NANAWAGAN NG MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA NAIA

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte ng ‘mas mahigpit’ na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport matapos na di umano’y may isang miyembro ng media ang kumuha ng footage sa kanya at sa kanyang pamilya habang pasakay ng eroplano patungong Germany noong Hulyo. Kinumpirma rin ng Office of the Vice President na ang kanyang biyahe ay “personal trip with her family overseas” at umapela sa publiko na igalang ang kanyang privacy. Sinabi ni VP Sara na ang source ng video ay “a media person” na naka-assigned na mag-cover sa NAIA.…

Read More

POLITICAL AT ELECTORAL REFORMS HIRIT NG OBRERO

KAILANGAN ng political and electoral reforms sa lehislatura at sa Comelec upang tiyakin ang malinis, maayos, mapayapa, at demokratikong halalan para magkaroon ng tsansang manalo ang mga kinatawan ng masa at ang kanilang mga plataporma ng pagbabago laban sa mga elitistang trapo at kanilang bulok na pulitika. Iginiit ito ni Leody de Guzman, pangulo ng Partido Lakas ng Masa kaugnay sa bangayan ngayon ng mga nasa gobyerno. Nagbigay rin ng kanyang reaksyon si De Guzman sa sagutan nina Senator Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senado…

Read More

GOV. KHO, IBA PANG OPISYAL SA MASBATE INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

NAGSAMPA ang local media sa lalawigan ng Masbate ng mga kaso gaya ng plunder, malversation, falsification of public documents, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at administrative case laban kay Gov. Antonio Kho dahil umano sa mga kwestyunableng proyekto sa lalawigan. Ang kaso ay may kinalaman sa tinaguriang 21 ‘ghost projects’ ng gobernador sa iba’t ibang bayan sa Masbate na hindi makita dahil wala umanong program of works. Ang reklamo ay isinampa sa Office of the Ombudsman ng asosasyon ng mga mamamahayag mula sa Masbate Quad Media Society, Inc.…

Read More

HEALTH PROTOCOLS KONTRA MPOX DAPAT ILATAG SA MGA MANGGAGAWA – TRABAHO PARTY-LIST

NANAWAGAN ang Trabaho Party-list para sa agarang pagbaba ng mga health at safety protocols kontra mpox upang maprotektahan ang kalusugan ng mga Pilipinong manggagawa. Ito ang pahayag ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng unang kaso ng mpox ngayong 2024. Nakababahala aniya ang ulat nito kaakibat ng deklarasyon ng World Health Organization ng isang “global health emergency” dahil sa pagkalat ng mpox sa iba’t ibang bansa. Para sa Trabaho Partylist, hindi na dapat maulit ang mga…

Read More