NANINIWALA ang Trabaho Party-list na dapat panatilihin ang mga kasalukuyang non-working holiday ng bansa bilang pagkilala sa mga manggagawang Pilipino o tinatawag na rank-and-file employees. Lubusang maaapektuhan ang kalagayan ng mga manggagawa kung babawasan ang mga non-working holiday, kaya’t iginiit ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list na ‘di sila pabor sa maaaring panukala rito. Ayon kay Atty. Javier, ang pagtamasa ng holiday o pagkakaroon ng premium pay kung papasok nang holiday ay benepisyo na nakareserba para sa mga ordinaryong manggagawa o rank-and-file employees. Giit niya, nagsisilbing…
Read MoreCategory: METRO
100 CATCH BASIN ILALATAG NG QC LGU KONTRA BAHA — DRRMMO
PARA labanan ang baha, aabot sa 100 catch basin ang ilalagay ng Quezon City government sa iba’t ibang binabahang lugar sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha sa panahon na may nararanasang bagyo ang bansa, partikular na ang Metro Manila. Sa ginanap na QC Journalist Forum, sinabi ni Peachy de Leon spokesperson ng Department of Risk Reduction Management Office (DRMMO) ng Quezon City, nasa planning stage na sila ngayon sa pagsasagawa ng drainage masterplan kasama ang mga barangay, homeowners association at iba pang stakeholders upang matiyak na mareresolba nito ang mga…
Read MorePARADA NG PINOY OLYMPIANS DINUMOG
DINAGSA ng mga taga-Maynila at non-Manilenos ang buong kahabaan ng ruta ng Victory Parade ng 2 times gold medalist na si Carlos Yulo at iba pang Pinoy athlete sa katatapos lamang na Paris 2024 Olympics. Mula sa Aliw Theater, binaybay ng victory parade ang Roxas Boulevard, P. Burgos, Finance Road, Taft Avenue, Quirino hanggang sa Rizal Memorial Coliseum. Lahat ng nag-aabang sa kalsada ay may hawak ding mga tarpaulin ng pagbati sa tagumpay ni Yulo at watawat ng Pilipinas habang iwinawagayway at sinasabayan ng dagundong ng tambol. *Rizal Memorial Coliseum…
Read MoreAUG. 4 IDEDEKLARANG ‘CARLOS YULO DAY’ SA MAYNILA
IDEDEKLARA ng lungsod ng Maynila ang Agosto 4 bilang “Carlos Yulo Day”, ang double gold Olympic medalist na residente ng Leveriza sa Malate, Manila, na nakatakdang parangalan sa Manila City Hall sa Lunes, Agosto 19. Ito ang napag-alaman mula kay Mayor Honey Lacuna na nagsabi na sila ni Vice Mayor Yul Servo ay nasa proseso na ng paghahanda para sa dalawang mahalagang pagtitipon para bigyan ng pagkilala ang true-blue Manileño na nagdala ng karangalan hindi lamang sa mga kapwa Manileños kundi sa buong bansa. Ayon kay Lacuna, ang Manila City…
Read MoreMGA PANUKALA PARA SA PANGANGALAGA SA SENIOR CITIZEN, ISINUSULONG SA KAMARA
ISINUSULONG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ilan pang panukala na naglalayong mapaigting ang pangangalaga sa mga senior citizen. Inihain nina Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes at Laguna 3rd District Rep. Loreto Amante ang House Bill 10739 o ang proposed Magna Carta of Senior Citizens. Paliwanag ng dalawang mambabatas, layon ng kanilang panukala na mas maging malinaw ang mga karapatan, pribilehiyo at pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino na nasa edad 60 pataas. Ayon kay Ordanes, mangangahulugan ito ng mas magandang serbisyong pangkalusugan, karagdagang social protection benefits at ibayong suporta…
Read MoreSOLON WALANG BILIB SA BOLANG KRISTAL NI ROQUE
MISTULANG walang bilib ang isang administration congresswoman sa crystal ball ni dating Presidential spokesman Harry Roque na humulang i-impeach umano sa Kamara si Vice President Sara Duterte. Sa press conference kahapon, binuska ni Taguig Rep. Amparo Maria Zamora si Roque dahil nahuhulaan ng kanyang crystal ball na mai-impeach si Duterte subalit hindi nito nahulaan na madadawit siya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). “Secretary Roque napakalabo po ng crystal ball ninyo dahil wala po kahit sino man dito kami po ay were into were in the daily briefings from Congress,…
Read MoreSENATOR BATO BUTATA SA KAMARA
BINUTATA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang panawagan sa Kongreso na magpasa ng panukalang batas na ipagbawal sa gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC). “Truly serf-serving and a mark of a coward,” reaksyon ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. France Castro kaugnay ng apela ni Dela Rosa sa Kongreso na idinaan sa privilege speech. Naniniwala si Castro na hindi magpapasa ng panukala ang Kamara katulad ng isinusulong ni Dela Rosa dahil noong nakaraang taon aniya…
Read MoreYOUTH, IP AT TRADE MEET
DUMALO si Senador Cynthia Villar kasama sina German Ambassador Andreas Michael Pfaffenoschke at Consul General Fernando Peña ng Estonia sa Triangular Conference on Youth, Indigenous Peoples and Trade na ginanap sa Senado noong Agosto 12. Ang kaganapan ay inorganisa ng UNESCO Dream Ensemble at ng UN Association of the Philippines (UNAP) sa pagdiriwang ng International Youth Day, International Day of the World’s Indigenous Peoples, at ang ika-60 Anibersaryo ng UN Convention on Trade and Development. (DANNY BACOLOD) 292
Read MoreBUCOR OFFICER, 2 PA HULI SA P68-M SHABU
ARESTADO ang isang Bureau of Corrections (BuCor) officer at dalawa pang kasama nito sa ikinasang bigtime anti-narcotics operation noong Linggo sa Parañaque City. Ayon sa ulat, tinatayang nasa sampung kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu, na may street value na umabot sa P68 milyon, ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation matapos ang ilang araw na case build-up at surveillance operation. Inihayag ng PDEA noong Linggo, naaresto ang 27-anyos na si Correction Officer 1 Paul Patrick Toledo, ang 34-anyos na truck driver na si Romeo Guerrero, at Reynold Teodoro, 27-anyos…
Read More