SUMADSAD NA CHINESE VESSEL ISA-SALVAGE NG PCG

DUMULOG sa local court ang Philippine Coast Guard (PCG) para humingi ng awtorisasyon para sa salvage operations sa sumadsad na barko sa San Felipe, Zambales. Ang nasabing barko ay minamando ng pitong Chinese nationals na nakulong noong Mayo dahil sa paglabag sa ilang batas. Sa tatlong pahinang urgent motion na inihain ng PCG Substation San Felipe sa Municipal Trial Court (MTC) noong Agosto 6, sinabi na nagpatuloy ang presensya ng Hyperline 988 sa Barangay Maloma sa panahon ng bagyo na “hindi maikakaila na panganib sa buhay, ari-arian, at kaligtasan ng…

Read More

3 ARESTADO SA SUGAL, BARIL

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan, kabilang ang isang armado ng .38 kalibreng baril, habang nagsusugal ng cara y cruz, sa Malate, Manila noong Sabado ng gabi. Masusing sinisiyasat ng mga operatiba ng Manila Police District – Malate Police Station 9, kung may record ang mga suspek, kabilang ang isang kinilalang si alyas “Allan”, 43-anyos, jobless, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Pasay City, nakumpiskahan ng .38 kalibreng baril. Si Allan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), bukod sa…

Read More

HELPER PATAY SA BF NG ANAK NA DALAGITA

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang 42-anyos na security guard na bumaril at nakapatay sa 57-anyos na helper makaraan ang mainitang pagtatalo hinggil sa relasyon ng suspek sa anak na dalagita ng biktima, sa Del Pan St., Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Isidro Jr.”, residente ng Delpan, Tondo, Manila. Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na kinilalang si Manny Fred Macawile, security guard, at residente ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila…

Read More

LUISTRO KINUWESTYON SA LOHIKA SA EO 13

KINUWESTYON ng mga nanonood sa mga pagdinig sa Kamara ang lohika sa paliwanag ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang mga usapin hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Inilabas ang E.O. No. 13 noong 2017 ni dating Pangulong Duterte, na naglinaw sa mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas. Ayon sa legal experts, malinaw na hindi ito lumikha ng bagong batas kundi sinigurado lang…

Read More

PALUSOT NG KONGRESISTA HINDI NAKALUSOT SA MGA OFW

HINDI kinagat ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang depensa ng isang kongresista kaugnay sa pahiwatig na legalisasyon ng e-sabong. Sa pagdinig ng House committee on Appropriations tungkol sa budget ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa 2025, tinanong ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino si PAGCOR Chair Alejandro Tengco kung posible bang gawing legal muli ang kasalukuyang ipinagbabawal na “e-sabong” upang matulungan ang ahensya na patuloy na makalikom ng kita sa gitna ng pagbabawal sa POGO. Matapos nito ay mabilis na nag-viral ang panawagan ng mga OFW…

Read More

TRABAHO NG KAMARA APRUBADO NG PUBLIKO Sa 16% pagtaas sa performance rating ni Speaker Romualdez

ANG malaking pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara de Representantes. “Ako po ay nagpapasalamat una sa Poong Maykapal dahil sa latest Social Weather Stations (SWS) survey, na nagsasabing tumaas po ang kumpiyansa ng publiko sa ating ginagawa bilang Speaker ng Kongreso,” ani Speaker Romualdez. “Nariyan din po ang taos-pusong pasasalamat ko sa aking mga kasamahan sa Kongreso kung hindi sa kanila, marahil marami pa tayong mga pending bills na nakatiwangwang lang dyan,”…

Read More

TULFO: DAANG LIBONG PINOY MAWAWALAN NG TRABAHO Kapag hindi napigilan mga peke, substandard Chinese products online

DAAN-DAANG libong manggagawa sa bansa ang maaapektuhan at mawawalan ng hanapbuhay kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga substandard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang online deliveries. Ibinunyag ito ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo kaya maghahain aniya siya ngayong Lunes, kasama ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS party-list na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ng isang resolusyon para paimbestigahan sa Kongreso ang “unfair online…

Read More

Shutdown Order ng Duterte Admin laban sa Rappler, Laglag sa Court of Appeals

Pinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) ang 2018 shutdown order ng Duterte administration laban sa Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation. Base sa ilang pahinang desisyon na nilabas ng CA, inatasan nito ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ibalik bilang isang kompanya ang Rappler. Pinabalik ng CA sa SEC ang certificate of incorporation nito at muling pinabuksan ang mga pinasarang opisina. “Inutusan ang Securities and Exchange Commission na ibalik ang Certificate of Incorporation ng Rappler, Inc. at Rappler Holdings Corporation sa mga rekord at sistema nito at bawiin ang…

Read More

Mga OFW, tutol sa e-sabong — AkoOFW

MADIIN ang pagtutol ng AkoOFW sa mungkahi na gawing legal ang e-sabong. Bagamat aminado ang AkoOFW na kailangan dagdagan ang pondo para sa patuloy na pagbibigay ng social services sa mamamayan, hindi solusyon ang panukalang payagan ang muling pagbubukas ng e-sabong. “In my humble opinion, there are other ways where we can generate revenue, and definitely legalization of e-sabong is not one of them,” sinabi ni AkoOFW Chairman Dr Chie Umandap. Dinagdag pa ni Umandap na may ilang nagsabi sa kanya na ang ilang dambuhalang operator ng e-sabong ay naglaan…

Read More