NABITAG ng mga operatiba ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District ang isang miyembro umano ng Saluib crime group at Buranday drug group, sa ikinasang operasyon sa San Fabian Street, Tondo, Manila noong Lunes ng gabi Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nass Vargas, station commander, bandang alas-6:45 ng gabi nang maispatan sa nasabing lugar ang suspek na kinilalang si alyas “Bert”, 28, jobless, residente ng Parola Compound, Tondo, Manila. Inaresto ang suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa bisa…
Read MoreCategory: METRO
DRIVERS NA BINANGGA ILILIBRE SA KULONG AT KASO
HINDI dapat makulong ang mga driver at rider na binangga subalit sila pa ang nakakasuhan at nakukulong lalo na kapag namatay ang bumangga sa kanila. Ito ang iginiit ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, vice chairman ng House Committee on Justice, kaya gagawa umano ang mga ito ng batas para baguhin ang kalakaran na ang mga sumusunod sa batas ang nakukulong at nakakasuhan kapag nagkaroon ng aksidente sa lansangan. Inihalimbawa nito ang kaso ng Toyota Innova driver na sinalpok ng lasing, walang helmet, overspeeding, at nag-counterflow na rider sa Skyway…
Read MoreJOB APPLICANTS PINAG-IINGAT SA SCAM
PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Filipino job applicants na maging maingat sa online recruitment scams na pino-post sa iba’t ibang social media platforms. Ayon sa ahensya, maraming mapanlinlang na online recruitment scam ang umaakit sa mga naghahanap ng trabaho o job openings na nangangako ng napakataas na suweldo, kabilang ang mga walang karanasan sa trabaho. Ayon kay Labor OIC-Assistant Secretary Patrick P. Patriwirawan, Jr., ang modus operandi ay maaring makasira sa malaking bilang ng mga tao partikular na ang mga walang trabaho. Batay sa January 2024…
Read MorePPP EXHIBIT: PINOY PHOTOGS PARA SA KAPAYAPAAN
SA gitna ng bantang destabilization plot at patuloy na armadong tunggalian sa kanayunan ay mas nararapat na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Ito ang mensahe ng Press Photographers of the Philippines (PPP) kasama ang imbitasyon sa mga mag-aaral na dumalo sa photo exhibit na gaganapin sa Marso 25, mula 10:00 am hanggang 2:00 pm sa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila. Sa eksibit na ito na pinamagatang “Give Peace A Chance,” matutunghayan ang mga litratong kuha ng mga beteranong photojournalist na nakasaksi ng aktwal na sagupaan…
Read More‘KASUNDUAN’ NG PINAS AT CHINA SA AYUNGIN SHOAL BUBUSISIIN
NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara upang imbestigahan ang umano’y kasunduan ng Pilipinas at China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa House Resolution (HR) 1216 na inakda ng Makabayan bloc, inaatasan ng mga ito ang mga kaukulang komite sa Mababang Kapulungan upang malaman kung totoo o hindi ang kasunduang ito. “On August 7, 2023, China’s Foreign Ministry claimed that the Philippines promised several times to tow away BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal,” ayon sa nasabing resolusyon. Pawang itinanggi nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos…
Read More15 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA TONDO FIRE
SUMIKLAB ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila kung saan 15 pamilya ang naiulat na nawalan ng tirahan kahapon. Halos 10 oras ang tinagal ng sunog na umabot ng ikalawang alarma bago idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kontrolado na sa Benita Street sa Brgy. 186 Tondo, Manila, alas-11:22 ng umaga nitong Martes. Sa ulat ng BFP, 15 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang P20-M ang halaga ng pinsala. Kabilang na rito ang isang gusali na pinag-iimbakan at patahian ng mga tela at damit. Naging…
Read MoreBNG MEMBER TIKLO SA BARIL
ISINELDA ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 3, Plaza Miranda PCP, ang isang 27-anyos na kaanib ng Bahala Na Gang (BNG) makaraang makumpiskahan ng isang improvised na baril sa panulukan ng CM Recto Avenue at Quezon Boulevard, Barangay 308, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng madaling araw Kinilala ang suspek na si John Ver Dela Peña, binata, walang trabaho, residente ng Sta. Cruz, Manila. Ayon kay Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang inguso ang suspek ng isang concerned citizen,…
Read MoreLIBRENG GAMOT SA DIALYSIS AT CHEMO SUNOD NA UTOS NI SPEAKER SA PHILHEALTH
MATAPOS mailibre ang ultrasound at mammogram para sa kababaihan, sunod na pinatututukan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang libreng mga gamot na kailangan sa dialysis at chemotherapy para sa mga may cancer at chronic kidney disease (CKD).Nitong Martes ng hapon, inatasan ni Romualdez si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo para makipagpulong sa mga opisyal ng PhilHealth para pag-aralan ang pagbibigay ng libreng mga gamot sa dialysis at chemotherapy sa mga miyembro ng PhilHealth. “Kung naibigay natin ang libreng mammogram at ultrasound…
Read MorePULIDONG TRABAHO PAALALA SA OP EMPLOYEES
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tauhan ng Office of the President (OP) kaugnay sa kahalagahan ng kanilang trabaho sa ordinaryong mamamayan. Nananawagan ang Pangulo sa mga ito na mas paghusayin pa ang serbisyo sa publiko. “We are reminded of the fact that the Office of the President is a 127-year old institution. And [it] is important to remember this because we have to, once in a while take a step back, take a breath and remember how important the work that we do,” ayon kay Pangulong…
Read More