DISMAYADO ang isang person with disability (PWD) matapos umano siyang i-harass at pagbantaang hihilahin ng chief security ng Supreme Court nitong Martes ng umaga. Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali ng SC kaugnay ng kanyang pina-follow-up na dokumento. Ayon kay Dizon, nag-follow-up siya sa 3rd Division ng petisyon sa kaso na kanilang hawak subalit sinabihan siya ng isang alyas Tintin na wala pang resolution sa kanilang…
Read MoreCategory: METRO
PANGAKO NG JAPAN SA DELEGASYON NI ROMUALDEZ: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA MGA PINOY
NAKASUNGKIT ng pangako ang congressional delegation ng Pilipinas na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez mula sa mga opisyal ng Japanese parliament na kukuha ang Japan ng dagdag na mga Pilipinong manggagawa sa mga kritikal na sektor gaya ng elderly care. Kasunod ito ng high-level discussions kasama si National Diet of Japan Speaker Fukushiro Nukaga at Vice-Speaker Banri Kaieda na ginanap sa Tokyo parliamentary building nitong Martes. Sa naturang pagpupulong, kinilala ni Vice Speaker Kaieda ang mga hamon na kinakaharap ng Japan at ang mahalagang kontribusyon ng mga Pilipino.…
Read MoreACT AGRI-KAAGAPAY, NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA TONDO
PINANGUNAHAN ng Act Agri- Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Manila kamakailan. Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa Act Agri- Kaagapay sa pagkakaloob ng relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo nito lamang Hunyo 17. Nabatid na bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng groceries, bottled water, pagkain at mga gamot. Sa naturang distribusyon ng relief goods,…
Read MoreSa imbestigasyon sa Bamban POGO PAOCC HINILING MAGING PATAS
UMAPELA ng patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay na rin sa mga bintang laban sa kanya na pagkakasangkot sa POGO operations, money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na kinasasangkutan ng Baofu Land Development Inc. Sa 7 pahinang liham na ipinadala ni Guo kay PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na sina Atty. Yvette Gianan at Atty. Lorelie Santos ay ipinahayag nito ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa imbestigasyon subalit umapela…
Read MorePCG NAG-DEPLOY NG 2 BARKO SA WPS
IPINAG-UTOS ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Javan ang deployment ng BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Scarborough Shoal, o Panatag Shoal o Bajo de Masinloc. Nitong Lunes, sinabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armando Balilo, ang deployment ay upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar. Sinabi ni Balilo, nakausap ng PCG personnel ang dalawang lokal na mangingisda sa bisinidad ng shoal, at sinuri ang kalusugan at fishing operations ng FBCA Princess Yhan Yhan, sakay ang 12 crew, at FBCA Rundel -1 na…
Read MoreAFP, US, JAPAN AT CANADA MULING NAGSAGAWA NG MARITIME ACTIVITY
MULING nagsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity ang Armed Forces of the Philippines kasama ang United States, Japan at Canada, isang araw bago naganap ang pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa isang resupply ship ng Philippine Navy. Sa inilabas na pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, ang AFP Public Information Office chief, ang Hukbong Sandatahan sa pamamagitan ng Philippine Navy at pakikipag-ugnayan sa U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy, ay nagsagawa ng 2nd multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine in the West Philippine Sea…
Read MoreISSUANCE NG RETIREMENT, INVESTOR’S VISA PINASISIYASAT SA PAGDAGSA NG CHINESE SA PINAS
MAGHAHAIN ngayong Martes (Hunyo 18) si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ng resolusyon para paimbestigahan sa Kongreso ang pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang late registration of birth na siya umanong posibleng ginagamit sa pagdagsa ng Chinese nationals sa Pilipinas. “Nakababahala ang patuloy na pagdagsa ng mga Chinese nationals sa ating bansa at ang mas nakababahala ay kung paano sila nakapasok sa atin? Ano ang mga pinanghahawakan nilang dokumento bakit sila nakapagtrabaho ng legal sa ating bansa,”…
Read MoreMANGINGISDA SA WPS PINAPOPROTEKTAHAN
MULING nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philippine Sea ng Filipino fishermen. Ginawa ng lider ng Kongreso ang panawagan sa Navy at Coast Guard noong Sabado matapos sabihin ng China na huhulihin na nila ang papasok sa kanilang teritoryo simula Hunyo 15. Ayon kay Speaker Romualdez, “gawin sana ng ating Navy at Coast Guard ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin.” Inaangkin ng China ang…
Read More60 KABAHAYAN SA TONDO, NATUPOK
TINATAYANG umabot sa 60 kabahayan ang natupok habang 180 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Coral at Juan Luna Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang alas-10:30 ng gabi sa mga kabahayan na yari sa light materials. Ayon kay Fire Inspector Lim, ground commander, dakong alas-1:52 ng madaling araw nitong Lunes nang ideklarang fire-out ang nasabing sunog. Nabatid mula kay Fire Officer III Cabase ng Arson Division, nagsimula ang sunog sa isang eskinita sa…
Read More