LUMALABAS na walang silbi ang batas laban sa illegal gambling dahil mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakukulong na mga gambling lord sa bansa. Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling lords at mga protector ng mga ito sa gobyerno, ay wala pang nakukulong kahit lantad na lantad ang pagpapasugal sa bansa. “Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic…
Read MoreCategory: METRO
APELA NG TAGUIGEÑO SA MAKATI: PARKE IPAGAMIT SA MGA RESIDENTE NG EMBO
NAGKAKAISA ang tinig ng mga taga-Taguig na makabubuting simulan na lamang ang proseso ng pagtanggap at paghariin ang interes ng publiko imbes magmatigas si Mayor Abby Binay at patuloy na angkinin ang dapat ay para sa Taguigeño. Kaugnay ito ng pinag-aagawang Makati Park and Garden. Nararapat anilang buksan ito para sa publiko dahil ito ay para sa mamamayan ng EMBO. Ayon sa mga taga-Taguig, tinuldukan na ng Korte Suprema ang usapin. Walang karapatan ang Makati na akusahan ang Taguig ng pangangamkam ng lupa. Ang Korte Suprema mismo ang nagsabi na…
Read MoreAFP, PNP NAKIISA SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION
KAPWA nakiisa ang mga dating male dominated government security agency, ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police, sa pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration 2024 kasunod ng simultaneous flag-raising and kick-off ceremony kahapon sa kanilang mga punong himpilan. Inihanda ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang serye ng mga aktibidad kaugnay sa Tema ngayong taon na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.” Tampok dito ang inilunsad na exhibit na tinawag na, “HERStory of Women, Peace, and Security in the AFP” na naglalarawan ng iba’t ibang…
Read More2 ‘BUGAW’ NG MINORS TIMBOG SA TARLAC
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal na responsable sa umano’y pambubugaw ng mga menor de edad sa KTV bar sa Concepcion, Tarlac. Base sa ulat ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), inaresto sina Josie Hipolito Quilantang alyas “Mommy Sandra”, at Angelita Quilantang Mallari alyas “Ate Angie”, nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, Qualified Trafficking, at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Napag-alaman, ipinagbigay-alam ng Social Service Department, Sagip Center…
Read MoreMOST WANTED SA BULACAN ARESTADO SA BASECO
ARESTADO ng mga awtoridad sa Baseco Compound sa Port Area, Manila ang isang 20-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na pinaghahanap sa San Jose del Monte, Bulacan, makaraan ang mahigit tatlong taon. Kinilala ang nadakip na si James Maliclic, naninirahan sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Mel Soniega kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-11:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa bisa…
Read MorePCG MAGPAPATRULYA SA BENHAM RISE
NAGPADALA ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya sa loob ng dalawang linggo sa Benham Rise. Simula ngayong araw, magpapatrolya ang BRP Gabriela Silang sa Batanes at Benham Rise batay sa kautusan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gavan. Ang two-week mission ng BRP Gabriela Silang ay matapos mamataan ang ilang Chinese vessel noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad sa naturang karagatan. Ang PCG vessel ay magsasagawa ng maritime domain awareness, paiigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at imo-monitor ang hanapbuhay ng…
Read MoreGO SIGNAL NI BBM HINIHINTAY SA DISMISSAL NG POLICE GENERAL
WALA pang go signal mula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagsibak sa dating director ng Southern Police District (SPD) at isa pang opisyal kaugnay ng kuwestiyonableng raid ng kanilang mga tauhan sa isang condominium sa Paranaque City noong 2023. Sa huling pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety kahapon, tinanong ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kung kasama sina dating SPD Director Gen. Brig. Gen. Roderick Mariano at SPD comptroller Col. Charlie Cabradilla sa mga sinibak sa serbisyo. “Not yet your Honor,…
Read More13 VIETNAMESE INARESTO SA ILLEGAL HEALTH SPAs
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 13 Vietnamese nationals dahil sa pag-o-operate ng illegal health spas at clinic sa Metro Manila. Sinakote ang mga ito sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng mga kawani ng Immigration intelligence agents sa Makati City, Parañaque City, at Pasay City. Batay sa nakalap na impormasyon, walang maipakita ang mga inaresto na working visa at permit galing sa pamahalaan para sa operasyon ng kanilang clinic at spa. Nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of…
Read MoreSolon duda sa kawalan ng aksyon COVER-UP SA PAGKAMATAY NG 90 KATAO SA MACO LANDSLIDE
NAGDUDUDA si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na pinagtatakpan ang nangyari sa Maco landslide noong nakaraang buwan lang. Tila aniya walang ahensya ang nais mag-imbestiga sa pagkamatay ng 90 katao sa Maco, Davao de Oro noong nakaraang buwan dulot ng landslide. Aniya, “parang walang gustong kumilos at parang gustong ibaon na lang natin sa limot ang insidente”. Ayon kay Cong. Tulfo, “okey lang na hindi na imbestigahan kung walang namatay, kaso 90 ang binawian ng buhay doon…ganun-ganun na lang ba”? Dagdag pa ng mambabatas, akala niya ay kikilos agad ang Department…
Read More