Hatol sa mga pulis ‘di sapat HUSTISYA IPINAGKAIT KAY JEMBOY – SOLON

PINAGKAITAN ng hustisya si Jemboy Baltazar at ang kanyang pamilya. Ganito inilarawan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang sentensya ng korte sa Navotas City sa mga pulis na nasa likod ng pagpatay umano kay Baltazar na napagkamalang kriminal kaya pinagbabaril. “Justice was brutally denied for Jemboy Baltazar. The alarming leniency towards the officers sends a chilling message that law enforcement can act with impunity, perpetuating a culture of fear in our communities,” ani Brosas. Noong Martes, hinatulan ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286, ng apat hanggang…

Read More

100 KATAO BIKTIMA NG SCAM SA TAYLOR SWIFT CONCERT

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation- Cybercrime Division ang 100 indibidwal na umano’y nabiktima ng scammer na nagbenta ng ticket para sa Taylor Swift concert. Napag-alaman, halos karamihan sa mga biktima ay dumiskarte lamang sa paghahanap ng pambili ng ticket online ngunit noong Hulyo ng nakaraang taon ay sold-out na ang ticket para sa concert ni Swift. Ayon sa isang biktima, may nakapagsabi umano sa kanya na may kakilala ito sa online na may access sa Eras Tour sa Singapore sa Marso. Sa pamamagitan ng online banking, agad itongg nagbayad…

Read More

$1.5-T NAWAWALA SA EKONOMIYA SA KAWALAN NG MARITIME ZONE LAW

UMAABOT sa $1.5 trilyon ang halagang nawawala umano sa ekonomiya ng bansa kada taon dahil sa kawalan ng Philippine maritime zone law. Ito ang nabatid mula kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone chairman, Senator Francis Tolentino sa Kapihan sa Manila Bay forum. Sinabi ni Tolentino, sa pamamagitan ng pag-aruba sa ikatlo at huling pagbasa sa maritime zone law bill ay inaasahang mapalalakas at magpapatatag ang pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo. Sinabi ng senador na bagama’t may international maritime law, ito aniya ay self-executory lang at ipinatutupad sa domestic—…

Read More

BUWANANG GROCERY DISCOUNT LIMIT NG SENIORS, PWDs P500 NA MULA MARSO

SIMULA ngayong Marso ay tataas na sa P500 ang buwanang limit sa diskwento na nakukuha ng senior citizens at persons with disabilities (PWD) sa pagbili ng grocery at iba pang prime commodities katulad ng bigas, itlog, tinapay, at iba pa, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Nakipagpulong nitong Martes ng gabi ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamumuno ni Usec. Carolina Sanchez kay Speaker Romualdez upang ipaalam na sumusuporta sila sa suhestiyon ng lider ng Kongreso na itaas ang limit sa diskuwento ng seniors…

Read More

‘PAPATAY’ SA 5-6 TENGGA SA SENADO

UMAPELA sa Senado ang isang mambabatas sa Kamara na ipasa na ang kanilang bersyon sa panukalang batas na sasagip sa maliliit na negosyante mula sa 5-6 lenders na lalong nagbabaon sa kanila sa kahirapan. Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan, kailangan nang maipasa ang panukalang “Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Act’ (P3) na papatay sa 5-6 na laging kinakapitan ng mga nagigipit na negosyante subalit ang taas ng sinisingil na tubo. Base sa record ng Kamara, pinagtibay ng Kamara ang House Bill (HB) 7363 noong Marso 2023…

Read More

RECLUSION PERPETUA SA MEDIA KILLINGS ISINULONG SA KAMARA

OTOMATIKO ang parusang reclusion perpetua sa sinomang papatay sa mga kagawad ng media kapag naipasa ang isang panukalang batas na nakahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon sa House Bill (HB) 9968 na inakda ni Benguet Rep. Eric Go Yap, pinaamyendahan nito ang Article 248 ng Revised Penal Code para isama ang media killings sa kasong murder na hindi pwedeng makapagpiyansa ang salarin at habambuhay na pagkabilanggo ang magiging parusa. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil ika-132 ang Pilipinas sa 180 bansa sa mundo na itinuring na “most dangerous place”…

Read More

GO UMAYUDA SA MGA NASUNUGAN SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasunugan mula sa iba’t ibang barangay sa Manila. Umabot sa 289 pamilya na biktima ng sunog mula sa Barangays Baseco, 384, 650, 732 at 739 ang nakatanggap ng tulong mula sa senador. May hiwalay ring tulong ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng programang isinulong noon ni Senator Go para may pambili ang mga benepisyaryo ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pagkumpuni sa nasira nilang bahay. (DANNY BACOLOD) 299

Read More

PAGSISIYASAT SA DRILLING OPS SA MASUNGI KASADO NA

NAGKASA na ng imbestigasyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa drilling operation ng Rizal Wind Energy Corporation (REWC) sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal. Sa House Resolution (HR) 1598, hiniling ng mga miyembro ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT party-list Rep. France Castro sa mga kinauukulang komite sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa operasyon ng REWC sa Masungi Georeserve. “The investigation was prompted by RWEC’s apparent disregard for environmental regulations, including Department of…

Read More

CHINA’S FRIENDS FOR HIRE, TROLLS DARAMI SA TRANSPARENCY STRATEGY NG PH

NANINIWALA ang pamahalaan na magsisimula nang magsulputan ang pro-China Trolls at media influencers at mga friend for hire ng China dahil napatunayang epektibo ang transparency strategy ng administrasyon Marcos. Ayon sa Philippine Coast Guard, at National Task Force-West Philippine Sea, inaasahan na ang biglang pagdami ng tinaguriang pro-China trolls at kilalang influencers sa social media dahil sa epektibong paglalahad ng gobyerno ng Pilipinas sa ginagawang illegal actions ng China sa West Philippine Sea at pangha-harass kahit sa maliliit na mga mangingisda. Inihayag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea…

Read More