MENSAHE NG PAGKAKAISA, PAGSASAMA-SAMA HATID NG ‘PAGKAKAISA CONCERT’ SA BPSF SA SULTAN KUDARAT

DALA ng ‘Pagkakaisa concert’ ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Sultan Kudarat ang mensahe ng pagkakaisa at pagsasama-sama hindi lamang para sa Mindanao kundi para sa buong bansa. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa mga nagtaguyod ng BPSF, pinalitan ng Pagkakaisa Concert ang nakagawiang “Pasasalamat Concert” upang mabigyan-diin ang pagkakaisa ng mga taga-Mindanao laban sa panukala na ihiwalay ito sa Pilipinas. “Nakakatuwa ang nakita nating pagkakaisa dito sa Sultan Kudarat. May 45 tayong kasama sa Kamara na nakadalo, lagpas 150,000 beneficiaries ang ating nabigyan ng ayuda…

Read More

PANUKALA PARA SA P10K CASH GIFT NG EDAD 80-95 LALAGDAAN NI PBBM

INAASAHAN na pipirmahan na ngayon araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukalang batas na magbibigay ng cash gifts sa senior citizens. Sa House Bill No. 7535 na inakda ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, tatanggap ng P10,000 ang mga aabot sa edad 80, 85, 90 at 95. Layon ng panukala na maamyendahan ang RA 10868 o ang “Centenarians Act of 2016” para sa pagbibigay ng karagdagang benepisyo at pagkilala sa mga octogenarians o ang mga nasa edad 80 hanggang 89 at nonagenarians o ang mga nasa…

Read More

P500 GROCERY DISCOUNTS NG SENIORS, PWDs POSIBLE NA SA MARSO

PINAMAMADALI na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang P500 discount ng senior citizens at mga person with disability (PWDs) sa mga grocery store at supermarkets. Ito ay matapos maghain ng panukala si Ways and Means Chairman at Bicol Representative Joey Salceda na gawing P125 kada linggo o P500 kada buwan ang discount ng nasabing sektor. Sa kasalukuyan ay nasa P65 kada linggo lang ang discount ng seniors at PWDs o P260 sa isang buwan sa grocery items nila. Ayon kay Speaker Romualdez, “kaya itong gawin agad kahit next month…

Read More

“Matapos ang bangungot na dala ni Duterte” MARCOS NAGBIGAY NG ‘DEMOCRATIC SPACE’ SA BANSA – DE LIMA

MATAPOS ang pitong taong bangungot na dulot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, naramdaman ni dating Sen. Leila de Lima ang pagkakaroon ng “democratic space” sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Under BBM, we are given the opportunity to make use of a democratic space in transition from the authoritarian regime that was Duterte’s,” sabi ni De Lima sa kanyang speech sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) na ginanap sa The Manila Hotel noong Huwebes. Si De Lima ay nakulong sa ilalim ng Duterte administration…

Read More

LEGALISASYON NG MOTORCYCLE TAXI IPAPRAYORIDAD NG KAMARA – ROMUALDEZ

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukala kaugnay ng legalisasyon ng motorcycle taxi at ireporma ang kasalukuyang regulasyon ng transportation network vehicle service (TNVS) sa bansa. Nauna nang ipinakita ni Pangulong Marcos ang pagnanais na bigyan ng mas maraming opsyon ang mga komyuter na Pilipino, batay sa kanyang suporta na gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxi at paluwagin ang regulasyon sa TNVS. Ang posisyon ng Pangulo ay kanyang…

Read More

Sen. Imee dapat managot sa pagtapyas ng P13B pondo para sa 4Ps —Acidre

Dapat umanong magpaliwanag at managot si Sen. Imee Marcos sa ginawa nitong pagtapyas ng P13 bilyong pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa taong 2023, ayon kay House Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre. Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos aminin ni Sen. Marcos na inirekomenda nito na bawasan ang pondo ng 4Ps na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya nawalan ng ayuda ang halos 900,000 pamilya o katumbas ng 4.3 milyong indibidwal. “Ang tanong d’yan kung tinanggal ‘yan,…

Read More

2-DAY MEGA JOB FAIR SA MAYNILA

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng dalawang araw na ‘Mega Job Fair’ sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo. Gagawin ang job fair sa Robinsons Manila, Level 1, Midtown Atrium ngayong Huwebes hanggang Biyernes (February 23-24). Libo-libong trabaho ang naghihintay sa mga interesado at ito ay gagawin mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ng DOLE-NCR Manila Field Office. Pinayuhan ni Lacuna ang…

Read More

HIGIT 50 KABAHAYAN DINEMOLIS SA KYUSI

MAHIGIT 50 bahay ng informal settler families ang giniba ng demolition team sa Calamba Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City nitong Huwebes ng umaga. Sinikap ng mga residente na pigilin ang pag-abante ng demolition team na humantong sa sakitan at tulakan na ikinasugat ng mga kabataang residente. Nagapi ang mga nagbarikadang residente habang nakasuporta ang mahigit 50 anti-riot police sa demolition team na umano’y dayo mula sa lalawigan ng Laguna. Nabatid na ang demolition ay ibinatay sa kautusan na ipinalabas ng RTC Branch 101 nitong Pebrero 19. Napilitang mamalagi muna…

Read More

REALIGNMENT NG P13-B PARA SA 4Ps DAPAT IPALIWANAG NI SEN. IMEE – SOLON

MATAPOS aminin ni Sen. Imee Marcos na inilipat nito ang P13 bilyong alokasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong nakaraang taon, humingi ng paliwanag ang isang lider ng Kamara de Representantes sa senadora kung bakit nito nagawang alisan ng ayuda ang halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pilipino. Sinabi ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” C. Suarez na dapat sabihin ni Sen. Marcos kung ginawa rin niya ito sa mga nauna pang taon. “Unang-una, I think the question is, dahil inamin ng ating mahal…

Read More