BINATA ARESTADO SA MURDER

ARESTADO ang isang 31-anyos na suspek sa kasong murder sa lungsod ng Makati, makaraang matunton sa pinagtataguan nito sa Tanza, Cavite. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division ng Manila Police District, ang suspek na si Jimwell Bondoc, residente ng Sampaloc, Manila. Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), bandang alas-10:06 ng umaga noong Miyerkoles nang arestuhin ang suspek sa Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite. Inaresto ang suspek ng tauhan ng DPIOU, kasama ang grupo ng MDIT…

Read More

PEKENG FRENCH HINARANG SA NAIA

HINDI nakapasok sa bansa ang isang Cameroon national nang harangin ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos magpakita ng isang ninakaw na French passport. Kinilala ng BI Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang pasahero na si Valentine Forkwa Mbanwei, 31, dumating sa MCIA sakay ng Singapore Airlines flight galing Singapore. Ayon sa BCIU, ang suspek ay nagpakita ng French passport na iba ang pangalan. Gayunman, hindi umubra ang kanyang panloloko dahil rumehistro sa Interpol hit na ang kanyang ginamit na pasaporte ay isang nawawalang passport. Dahil…

Read More

40 YRS DAGDAG KULONG SA PDL NA MAHUHULIHAN NG KONTRABANDO

WALA nang pag-asang makalabas sa kulungan ang persons deprived of liberty (PDLs) na mahuhulihan ng kontrabando dahil daragdagan ng 40 taong pagkakakulong ang kanilang parusa. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 9153 o “Contraband Detection and Control System Act,” na pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara sa botong 208 pabor at walang tumutol. “This will have a chilling effect on our PDLs (persons deprived of liberty). At the same time, we’re telling them that we’re sincere and serious in giving them a new life away from danger,…

Read More

GAWIN ANG LAHAT PARA MAPALAYA ANG BIHAG NA 17 SEAFARERS – ROMUALDEZ

NAKIKIPAGTULUNGAN ang Kamara sa Marcos administration para sa agarang pagpapalaya sa 17 Filipino seafarers na bihag ngayon ng Houthi rebels sa Yemen. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “suportado ng Kamara ang mga hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa agarang pagpapalaya sa mga seaman natin”. “Panay ang pag-uusap namin ng Pangulong Marcos hinggil sa nasabing problema, at sinabi ko na narito ang Kamara kung kailangan ng ehekutibo ng suporta para mapalaya na agad itong labingpitong kababayan natin,” ayon pa kay Speaker Romualdez. Aniya, “nananawagan din tayo…

Read More

KILLER NI JUMALON, GUN FOR HIRE

POSIBLE umanong hired killer ang bumaril at nakapatay kay Misamis Occidental radio anchor Juan Jumalon alyas “Johnny Walker”, ayon sa mga imbestigador. Nabatid na inihahanda na ang isasagawang preliminary investigation sa posibleng mga suspek. Lumilitaw umano na ang nadakip na isa sa tatlong itinuturing na suspek ay itinuturong sangkot din sa pamamaril sa isang municipal engineer sa naturang lalawigan. Una nang sinabi ng PNP na lumabas sa kanilang isinagawang ballistic examination na iisa lamang ang baril na ginamit sa pananambang sa engineer ng munisipyo at sa pagpatay sa radio broadcaster.…

Read More

BOC AT BI NAGSANIB SA E-TRAVEL SYSTEM

INIHAYAG ng Bureau of Customs ang pagsasama ng E-Travel System ng Bureau of Immigration at ng kanilang E-Travel Customs System. Paliwanag ng BOC, ang integrasyon ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at ng Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa E-Travel System ng BI ay magpapadali sa data collection processes para sa mga pasahero at crew members na dumarating sa Pilipinas. Higit dito ay mapadadali na rin ang pagtanggap ng Customs sa mga impormasyon para sa risk profiling ng paparating na mga pasahero. “This enhances the overall passenger experience and…

Read More

LALAKI TODAS SA KAPWA HELPER

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na binata makaraang saksakin sa tagiliran ng kapwa nito helper sa Sto. Cristo Street, Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Elorde Alcazaren, tubong Capiz, at stay-in sa trabaho sa Sto. Cristo Street, Tondo. Samantala, agad namang naaresto ng mga barangay tanod na sina Christopher Peralta, 40, at Nedi Sablayan, 58, ang suspek na si Jason Macahilig, stay-in din sa nabanggit na lugar. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:30 ng…

Read More

TAIWANESE TIMBOG SA TELCO FRAUD

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa kanilang lugar dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang puganteng Taiwanese na si Shan Yu-Hsuan, 40, nadakip sa F.B. Harrison St., Pasay City, ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Naaresto si Shan sa pamamagitan ng mission order dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Taiwanese na humingi ng deportation order para maparusahan ang suspek sa kanilang lugar. Ayon sa rekord, Oktubre 10, 2019 nang dumating sa…

Read More

57K KATAO APEKTADO NG BAHA SA SAMAR

NAKAALERTO ang mga tauhan Office of Civil Defense matapos na umabot na sa lagpas-tao ang baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, nitong Martes, bunsod ng halos walang tigil na pag-ulan na dala ng shear line na nakakaapekto sa Visayas. Umabot na sa 57,606 katao at patuloy na madagdagan pa ang bilang ng mga apektado ng masamang panahon dala ng low pressure area at shearline sa Eastern Visayas. Sinasabing may mga residenteng walang bangka ang lumangoy na lang para makatawid papunta sa mas mataas na bahay o lugar. Ayon sa…

Read More