‘CHRISTMAS CONVOY’ SA AYUNGIN SHOAL TINABLA NG NSC

BAKA lalo lamang tumindi ang tensyon at malagay rin sa peligro ang buhay ng ilang sibilyan kaya tinutulan ng National Security Council (NSC) ang planong Christmas convoy sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal at iba pang katulad na aksyon. Ayon sa mensaheng inilabas ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea, sinabi nito na bagama’t suportado ng NSC ang adhikain at intensyon ng “Atin Ito” coalition na maghatid ng kasiyahan sa mga sundalo ngayong Kapaskuhan, hindi magiging maganda…

Read More

MGA EMPLEYADO, OPISYAL AT YUNIT NA MAY OUTSTANDING PERFORMANCES KINILALA NG LAS PINAS LGU

BINIGYANG PAGKILALA nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar ang mga empleyado, opisyal at operating units na nagpamalas ng pinakamahusay na pagganap sa paghahatid ng mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa ginanap na 2023 Local Governance Exemplar Awards kasabay ng inspiradong pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Las Piñas City Hall ngayong November 20. Sinabi ni Mayor Aguilar na nilikha ang Las Piñas City Local Governance Exemplar Award (LPCLGEA) upang itatag ang mekanismo sa pagtukoy, pagpili at…

Read More

APPROVAL NG PANUKALANG BUDGET SA SENADO, POSIBLENG MAISAGAWA SA SUSUNOD NA LINGGO

POSIBLENG sa susunod na linggo ay maaprubahan na ng Senado sa ikalawa, ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang 2024 General Appropriations Bill o ang national budget. Sinabi ni Angara na target nilang tapusin ngayong araw ang deliberasyon sa panukalang budget ng labing-anim na natitira pang ahensya ng gobyerno. Tumatanggap na rin anya sila ng mga amendments mula sa mga senador upang matapos na nila ang approval ng budget sa Lunes. Ipinaalala ng senador na urgent bill ang panukalang pondo kaya’t maaari nila itong aprubahan sa 2nd at 3rd and…

Read More

NOGRALES KATUWANG NG DOLE SA PAGPROTEKTA SA LABOR RIGHTS

(JOEL O. AMONGO) KATUWANG si Rizal, 4th District Cong. Fidel Nograles ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa pagsusulong at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa. Kamakailan, binisita nila ang Palo, Leyte upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang Public Employment Service Offices o PESO ng bansa. Ayon sa batang mambabatas, “Layunin po natin na isulong at ilapit ang mga programa at serbisyo ng ating pamahalaan sa mga bayan, lungsod, at lalawigan ng ating bansa sa pamamagitan ng PESO”. “Sa House committee on labor and employment, pinag-aaralan naman…

Read More

PHLPOST NAGBABALA SA ‘PHISHING SCAM’

BINALAAN ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang publiko laban sa mapanlinlang na tawag o mensahe sa cellphone at online. Napag-alaman na may ilang indibidwal ang nakatatanggap ng “Phishing messages” na kunwari ay magbibigay ng mensahe na meron kang natanggap na parcel at hindi ito maidedeliver, at kinakailangan na meron kang i-click na link na magdadala sa iyo upang makuha ang mga personal na impormasyon. “Pinapaalalahanan po natin ang publiko na mag-ingat sa mga click bait na modus ng mga scammers,” pagbibigay diin ni Postmaster General (PMG) Luis Carlos. Binanggit ng…

Read More

PAGTATAYO NG DEPT. OF DISASTER RESILIENCE BINUHAY

BINUHAY ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience matapos ang malakas na lindol sa General Santos City at iba pang lugar sa Mindanao. Ayon kay Go, panahon nang magkaroon ng hiwalay na departamentong tututok sa mga kalamidad upang maging mabilis ang pagresponde at paghahatid ng mga pangangailangan. Sa pamamagitan din anya ng itatayong DDR ay matitiyak ang agad na pagbabalik sa normal sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo at pagputok ng bulkan. Isang cabinet secretary level anya ang dapat…

Read More

Solon kay Duterte AFP, PNP ‘WAG KALADKARIN SA PULITIKA

PINAGSABIHAN ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kaladkarin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pulitika. Noong Sabado, sinabi ni Duterte na mag-ingat ang Kongreso sa AFP at PNP kaugnay ng pagsasanib puwersa umano nina House Speaker Martin Romualdez at ACT Party-list Rep. France Castro na umano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines. “I respectfully appeal to former President Rodrigo Duterte to recognize the paramount importance of keeping our Armed Forces and National Police…

Read More

MGA NAMATAYAN SA LINDOL INAYUDAHAN NI ACT-CIS REP. TULFO

INAYUDAHAN ni House Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo ang pamilya ng pitong katao na namatay sa lindol sa General Santos City at sa bayan ng Glan, Sarangani kamakailan. Nabatid na personal na iniabot ni Cong. Tulfo, na siyang kinatawan ng ACT-CIS partylist, sa pamilya ng mga biktima ang tulong nang bumisita siya doon nitong Linggo ng umaga. Si Cong. Tulfo ay inatasan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng General Santos City, Saranggani at Davao Occidental hinggil sa mga nasirang imprastraktura sa…

Read More

ROMUALDEZ TINIYAK PONDO SA REHABILITASYON AT KABUHAYAN NG MGA TINAMAAN NG LINDOL

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hahanapan ng pondo ng administrasyong Marcos ang ilang daang milyong pisong kakailanganin para sa rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, fish port, at ibang imprastrakturang nasira ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao nitong nakalipas na Biyernes. Ito ang paniniyak ni House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo matapos personal na magtungo sa General Santos City at Sarangani kahapon alinsunod sa direktiba ni Speaker Romualdez na alamin ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol. “Ang instruction…

Read More