HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang motorcycle rider makaraang makasagian ang isang BMW na minamaneho ng isang US diplomat sa Roxas Boulevard, sa harap ng US Embassy, nitong Lunes ng umaga. Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng BMW na si Searight Lauren Kari. Base sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bandang alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, magkasabay na tinatahak ng biktimang si Ralph Lauren Doble ng Navotas City, at ng nasabing US diplomat,…
Read MoreCategory: METRO
KASUNDUAN SA TURNOVER NG EMBO HEALTH FACILITIES TINALIKURAN NG MAKATI
PUMALAG ang lungsod ng Taguig sa pagpapakalat umano ng mga maling impormasyon ng Makati City at ang pagtalikod nito sa naunang kasunduan kaugnay ng turnover ng mga health facility ng 10 EMBO barangays. Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, nilabag ng Makati City ang kanilang kasunduan kasama ang Department of Health (DOH). Ayon sa Taguig City, base sa kasunduan ay hindi na muna babanggitin ang pagmamay-ari ng mga pasilidad at lupa habang isinasagawa ang “transition period.” Ngunit, kamakailan ay muli umanong nagpahayag ang Makati City LGU na sila ang may-ari…
Read More205 ARESTADO SA QCPD WEEKLONG ANTI-CRIME DRIVE
UMABOT sa 205 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa pinaigting na isang linggong anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City mula Setyembre 15 hanggang 21. Nabatid sa pahayag nitong Lunes, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief, Brig. Gen. Redrico Maranan, kabilang sa mga nadakip ang 18 drug users at 30 drug pushers na nakumpiskahan ng kabuuang P1.9 milyong halaga ng ilegal na droga sa 32 operasyon. Ayon sa pulisya, sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga…
Read MoreIbinida ni Magalong PATULOY NA PAGGAMIT NG ‘ROCK NETTING AT STUDS’ FAKE NEWS – SOLON
WALANG katotohanan ang isinisiwalat sa media ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa paggamit sa government projects ng mga “rock netting at studs” bilang slope protection sa gilid ng mga bundok para maiwasan ang mga landslide. Ayon kay Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, pag-upo ng Marcos Administration ay ipinagbawal na ang paggamit ng “rock netting at studs” sa mga gilid ng bundok. “Ang Congress nga ang nag-initiate para ipagbawal na ang paggamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga “rock netting at studs” dahil hindi matibay…
Read MoreBFP TUMANGGAP NG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA
SINABI ng Commission on Audit (COA) na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay tumanggap ng isang unmodified opinion sa kauna-unahang pagkakataon sa fiscal year ng 2022 at nakakuha ito ng perfect score na 20. Ayon sa COA, ang report ay batay sa Financial Management Performance Rating based on the financial audit performed nitong period na 2022 ni Michael R. Bacani, Director Cluster 4, Defense and Security. Batay sa report ng COA, tumanggap ang BFP ng 93 percent score na may equivalent rating ng excellent score sa kauna-unahang pagkakataon ng…
Read More‘ESTAPADOR’ INARESTO SA LOOB NG MCJ
NADISKUBRENG may nakabinbing arrest warrant sa isang 38-anyos na inmate, dahil sa kasong estafa kaya sinilbihan ng warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Old Bilibid Compound, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng Umaga. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division ( DID) ng Manila Police District, ang suspek na si Warren Ivan Quirino, ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Investigation Operation Unit, (DPIOU), bandang alas-10:30 ng umaga nang magtungo ang…
Read MoreTOYS SECTION NG DFPC SA PARAÑAQUE MALL PINALAKI
BILANG paghahanda sa darating na kapaskuhan, inanunsyo ng state -owned Duty-Free Philippines Corporation (DFPC) ang mas pinalaking Toys Section sa downtown Fiestamall store sa Parañaque City. Ang mas pinalaking Toys Section ay nagtatampok ngayon ng mas marami, kakaiba at kapana-panabik na uri ng mga panregalo, na tiyak namang magdudulot ng nakatutuwa at hassle-free shopping experience sa mga customer. Ang DFPC ay may mga bagong brand at mas pinalawig na inventory kung saan matatagpuan ang maraming klase ng dolls, action figures, cars, playsets, games, at maging educational toys, na angkop para…
Read MorePULIS NA NAKAPATAY NG TINEDYER, SINIBAK NA SA SERBISYO
TULUYAN nang inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na sibakin sa serbisyo ang pulis na sangkot sa pagkamatay ng isang menor de edad sa Rodriguez, Rizal. Inihayag ni IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, naisumite na ng kanilang tanggapan sa Police Regional Office 4-A ang rekomendasyon na sibakin sa serbisyo si Police Corporal Arnulfo Sabillo. Sinasabing lumitaw sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa nakahaing administrative case laban kay Sabillo, na guilty ito sa 2 counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer. Si Sabillo ang itinuturong…
Read MoreSECURITY PREPARATION PARA SA UNDAS 2023, INILATAG NG PPA
SINIMULAN nang maglatag ng kanilang security preparation ang Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan kaugnay sa paggunita ng Todos Los Santos o All Saints Day. Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, binuksan na nila ang iba’t ibang pantalan sa bansa, kasama na ang pagpapalawak sa mga ito, para ma-accomodate ang lahat ng magdadagsaang mga pasahero bago pa sumapit ang Undas. Inihayag ni Samonte, puspusan ang ginawang paghahanda ng PPA para sa UNDAS 2023 bukod pa sa pagpapaigting sa kanilang seguridad upang makatulong…
Read More