KASAMA ang ilang heneral, nagbalik-tanaw si Senadora Imee R. Marcos sa ika-51 taon ng deklarasyon ng Martial Law. Nakasama niya sa isang dayalogo sina Gen. Hermogenes “June” Esperon, Jr., Gen. Thompson “Tom” Lantion, Gen. Jaime “Jimmy” Delos Santos, Gen. Melchor “Mel” Rosales, Gen. Everlino Nartatez at Col. Arthur Balmaceda kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga personal na karanasan noong Martial Law. Ayon kay Senadora Imee, “Hindi rin ako narito para ipagtanggol ang aking ama. Tulad na lang ng paulit-ulit niyang sinasabi, “Ang kasaysayan na lamang ang maghahatol sa akin.”…
Read MoreCategory: METRO
KALIWA’T KANANG PROTESTA SA IKA-51 ANIBERSARYO NG MARTIAL LAW
NAGPROTESTA ang iba’t ibang grupo sa paggunita sa ika-51 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa bansa kahapon (Setyembre 21). Nagdaos naman ng misa sa labas ng tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila ang grupo ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Eliseo Rio kasama ang mga IT expert na tinaguriang Truth and Transparency Trio (TNTrio) at mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mula sa Philippine Military Academy. Kaugnay ito ng 9th Day…
Read MorePaniwala ng publiko sa ginagawa ng gobyerno kay Teves: PERSEKUSYON HINDI PROSEKUSYO
(JOEL O. AMONGO) KUNG pagbabasehan ang reaksyon ng publiko, persekusyon at hindi prosekusyon ang ginagawa ng gobyerno, partikular ng Department of Justice (DOJ) laban kay Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., kinatawan ng ika-3 distrito ng Negros Oriental. Dismayado ang mga sumusuporta sa mambabatas dahil kahit wala pa itong kaso ay inuunahan na ng pagsisiwalat ng DOJ. Matatandaan na bago pa mangyari ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay nagpatawag na si Cong. Teves ng press conference sa Valle Verde Clubhouse sa Pasig City kasama si Atty. Ferdinand Topacio dahil…
Read MoreMga baril at droga nakumpiska 123 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP
UMABOT sa 123 biktima ng trafficking-in-persons ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Navy at nakakumpiska ng high powered firearms at shabu sa Tubalubac Island, Barangay Aluh Bunah, Pangutaran, Sulu. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr., isang surprise law enforcement operation ang inilunsad ng Naval Task Force-61 na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM). Ayon sa ulat ng NFWM, isinasailalim sa forced labor, partikular sa spearfishing, ang nasagip na mga biktima na karamihan ay…
Read MoreRIDING IN TANDEM TIKLO SA BARIL
MASUSING iniimbestigahan ng mga operatiba ng Manila Police District ang riding in tandem upang mabatid kung may kinalaman ang mga ito sa holdapan sa lugar makaraang makumpiskahan ng dalawang .45 kalibreng baril noong Miyerkoles ng umaga sa panulukan ng Vazquez at J. Nakpil Streets, Malate, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to BP 88, at Omnibus Election Code of the Philippines, si Chris Jefferson Sevilla, 24, at isang 17-anyos na estudyanteng binatilyo. Base sa ulat ng mga tauhan ng…
Read More3 SELLERS NG REGISTERED SIM CARDS, NABITAG
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal dahil sa umano’y pagbebenta ng registered SIM cards sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Pasay. Ayon sa ulat na isinumite ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) kay Director Medardo De Lemos, kinilala ang mga suspek na sina Beverly Cruz, Keone Lebumfacil, at Aljon Reyes. Nagbunsod ang operasyon mula sa impormasyon na ilang indibidwal ang umano’y nagbebenta ng registered SIM cards sa Facebook, na ginagamit naman umano sa masamang layunin. Isang account na may pangalang “Nopce Naldz” ang…
Read MoreP16-M SHABU NABUKING SA TAPE DISPENSER
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), ang isang lalaki matapos mahulihan ng 2.454 kilo ng umano’y shabu na nakasilid sa tape dispenser, sa lungsod ng Pasay Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Raymond Darag Dulla, alyas “Babe” at “Boy”. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs) ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ikinasa ang operasyon mula sa impormasyong natanggap ng ahensya noong Setyembre 14 na may ibibiyaheng shabu ang…
Read MoreSHABU, MARIJUANA NAKUMPISKA SA MANILA CITY JAIL ANNEX
ITO ang ibinahaging ulat kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency kasunod ng inilunsad na “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, nagkasa ng “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa pangunguna ng mga operatiba ng PDEA Regional Office – National Capital Region K9 Unit, at PDEA RO NCR Seaport Interdiction Unit, katuwang ang mga tauhan ng BJMP Manila City Jail Annex, na nagresulta sa…
Read MoreENTERTAINMENT CLUB SA MAYNILA, NASUNOG
TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng isang entertainment club sa Remedios Street malapit sa Adriatico Street, Malate, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander ng Manila Police District Station 5, bandang alas-11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Matenrou Entertainment Club sa nasabing lugar. Agad namang ini-report ni Police Staff Sergeant Jodel Jovero kay Major Fuggan ang insidente. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad upang mapigilan…
Read More