NAGTULONG-TULONG ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa malawakang road clearing operations sa Mabuhay Lanes upang maibalik ang kaayusan, kalinisan at mabigyang buhay ang Bagong Maynila. Pinangunahan ang operasyon nina Usec Felicito Valmocina ng Department of the Interior local Government (DILG); mga opisyal ng Barangay Affairs; John Visca, director ng DILG Manila, at Ret. Col. Bong Nebrija, MMDA head ng Task Force Special Operations, kasama ang mga punong barangay, barangay kagawad at mga barangay tanod. Habang nakaantabay para sa seguridad at pakikipagtulungan sa isinagawang road clearing operation ang mga tauhan ng…
Read MoreCategory: METRO
PARAK TIMBOG SA DRUG BUY-BUST
ARESTADO ang isang 34-anyos na tauhan ng Philippine National Police – Police Drug Enforcement Group, sa inilatag na buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Group ng National Capital Regional Police Office( NCRPO) noong Lunes ng gabi sa Sta. Cruz, Manila. Kinilala ni Police Major General Jonnel Estomo, Regional Director ng NCR, ang suspek na si Police Staff Sergeant Ed Dyson Banaag, may asawa, ng Barangay San Isidro, Pasay City. Base sa ulat ni Police Lieutenant Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station, bandang alas-8:45 ng…
Read MoreDOKTOR PINATAY NG AKYAT-BAHAY
NILOOBAN ng isang hindi kilalang akyat-bahay ang isang 62-anyos na doktor at pinatay sa kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nathaniel Alunan y Aquino, physician, ng Barangay 875, Sta. Ana, Manila. Kasalukuyan pang binubusisi ang pagkakakilanlan ng suspek habang dalawang testigo ang nagbigay ng salaysay sa pulisya. Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-6:45 ng gabi nang madiskubreng patay na ang biktima sa kanyang bahay. Ayon sa imbestigasyon ni Det. Charles…
Read MoreISA PATAY SA SUNOG SA TONDO
KASAMANG natupok ng kanilang bahay ang isa umanong babaeng PWD sa Barangay 197, Matang Tubig Street, Tondo, Manila, madaling araw nitong Lunes. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa dating palengke sa Villarey Building kung saan naroroon ang biktima na sinasabing edad 30. Umabot lamang sa unang alarma bago naapula ang sunog at idineklara itong fire under control dakong 3:00 ng madaling araw. Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog. Patuloy…
Read MoreILANG BAHAGI NG CALOOCAN, WALANG TUBIG
WALANG dadaloy na tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City sa Enero 17 hanggang 23. Inanunsyo ng Maynilad Water Service, Inc. (MWSI) na makararanas ng water interruption ang ilan sa kanilang mga customer sa Caloocan at Quezon City mula Enero 17 hanggang 23. Sinabi ng Maynilad, ang mga pagkaantala ay dahil sa nakatakdang maintenance activities sa iba’t ibang barangay sa lungsod na bahagi ng patuloy na pagsisikap nito na mapabuti ang kanilang mga serbisyo. Ang mga bahagi ng barangay 8,12,14,16, 18, 33, 34, at 151 sa Caloocan City ay walang…
Read More2 LTO FIXERS TIKLO SA PARAÑAQUE CITY
INIHAYAG ni Land Transportation Office-National Capital Region-West (LTO-NCR-West) Regional Director Roque I. Verzosa III ang kanilang isinagawang pinaigting na kampanya at pagsisikap para protektahan ang publiko laban sa fixers kasunod ng positibong resulta ng pagkakaaresto sa dalawang suspek sa Parañaque City noong nakaraang Linggo. Ayon kay Verzosa, ang pinaigting na kampanya ay muling ipinag-utos kamakailan ni LTO Chief Jose Arturo Tugade, sa pamamagitan ng memo circulated agency-wide. Kinilala ni Verzosa ang hinihinalang fixers na sina Oliver Villanueva y Pastoral, 68, at Jarrie Sibug y Aguilar. Sa tulong ng PNP Parañaque Police Intelligence Section,…
Read More19TH CONGRESS TUTUTOK SA MAHIHIRAP
TULONG at pag-ahon ng mahihirap ang prayoridad ng 19th Congress ngayon sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez. Ito ang pagtiyak ni Ako Bicol at House Appropriations Chairman Cong. Elizaldy Co sa isang interview kamakailan. “Pagbukas pa lang ng 19th Congress last July, sinabi na sa akin ni Speaker Romualdez na tutukan ang pag-ahon ng mga mahihirap na kababayan dahil ito nga din ang gusto ng Marcos administration,” ayon kay Cong. Co. “For this reason, ilang bilyon ang ipinalaan ni Speaker Romualdez sa 2023 national budget para sa social services…
Read MoreRPMD: PH’s TOP PERFORMING MAYORS, REPRESENTATIVES, GOVERNORS
MATAGUMPAY na natukoy ng analytics team ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang “top performing officials” sa bansa mula sa 148 City Mayors, 253 District Representatives, at 81 Governors sa pamamagitan ng komprehensibong istatistikal na pananaliksik kasunod ng paglalathala ng top national at cabinet officials. “PH’s Top Performing City Mayors: “Belmonte, Singson, Cortes, Arcillas, Magalong, Mercado, Torres” Si Quezon City Mayor Joy Belmonte, na ang performance rating para sa taong 2022 ay pinakamataas sa 95%, ay ang nangungunang City Mayor sa Pilipinas. Nasa ikalawang puwesto naman sina Candon…
Read MorePISTA NG STO. NIÑO SA TONDO AT PANDACAN, PAYAPA
WALANG naging problema sa pagpapairal ng liquor at gun ban sa kapistahan ng Sto. Nino De Tondo at sa Pandacan, Manila nitong Linggo. Ayon kay Police Major Philip Ines, Manila Police District (MPD) PIO chief, tagumpay ang programa ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon upang matiyak na payapang maidaraos ang selebrasyon kahapon. Kapansin-pansin aniya na sumunod ang mga residente kaya walang nakitang nag-iinuman sa kalye kundi sa loob lang ng kani-kanilang bahay. Naging masaya sa kabuuan ng pista sa magkabilang lugar. Dahil dito, pinasalamatan ni General Dizon ang…
Read More