6 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS

ANIM na kasapi ng isang pamilya ang namatay sa sunog sa Navotas City nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga namatay na sina Donsito Boiser, 41, ama; Reynosa Moscoso, 41, ina; mga anak na sina Raymond Boiser, 10; Arriana Boiser, 3, at Reinna Boiser, 2, at pamangkin ng mag-asawa na si Natalia Boiser, 14-anyos. Ayon sa BFP, nangyari ang sunog na umabot sa first alarm, sa Dalagang Bukid St., Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City. Nagsimulang masunog ang bahay ng mga biktima dakong 5:21 ng…

Read More

GINANG ISINELDA SA DROGA

BUNSOD nang hindi pagsipot sa pagdinig sa korte, inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng bench warrant ang isang 43-anyos na ginang sa Malate, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Mary Joyce Bautista, may asawa, ng Albatros St., Molino, Bacoor Cavite, City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District- Malate Police Station, bandang 5:15 ng hapon nang arestuhin ang ginang sa Mabini Street, malapit sa panulukan ng Quirino  Avenue, Malate. Ayon sa mga awtoridad, matagal nilang sinubaybayan ang ginang mula…

Read More

2 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST

ARESTADO ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Mark Bryan B. Pascual, 20, ng Barangay Tangos South, Navotas City, at Angelo Domingo, 20, ng Barangay San Roque, ng lungsod. Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Judge Roldan St., Barangay San Roque, Navotas City, dakong 9:00 ng gabi noong Nobyembre 2. Nasamsam sa mga suspek ang 8.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P57,800 ang halaga,…

Read More

2 RAPE SUSPECTS NASILAT

NATIMBOG ang dalawang lalaking may kasong rape sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela. Kapwa dinakip noong Nobyembre 2 ang mga suspek na sina  Evegar R. Garcia, binata, 31, ng Brgy. Tanza 1, Navotas City, at Wendell B. Colao, 22, istambay, ng Brgy. Gen T. Deleon, Valenzuela City. Sinakote si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 169, Malabon City, na may petsang Abril 18, 2016 para sa kasong rape. Samantala, dinamba si Colao sa bisa…

Read More

PILIPINAS IKA-7 PA RIN SA GLOBAL IMPUNITY INDEX

NANATILI ang Pilipinas sa ikapitong puwesto sa loob ng labinlimang taon sa worst country for journalists’, ayon sa ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ). Ayon sa nasabing journalist watchdog, nasa ika-pitong pwesto pa rin ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang bigong mapanagot ang mga suspek sa pagpatay sa mga journalist. Batay sa 2022 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ), 15 taon nang nasa kanilang index ang Pilipinas kasama ang mga bansang Somalia, Syria, South Sudan, Afghanistan, Iraq, Mexico, Brazil, Pakistan, at India. Ngayong taon ay…

Read More

REKLAMO NG CAVITE MAYOR INIIMBESTIGAHAN NA NG DSWD

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang reklamo ni Noveleta, Cavite Mayor Dino Chua hinggil sa marami umanong requirements na hiningi ang DSWD personnel bago ibigay ang ayuda sa kanyang constituents noong Lunes, Oktubre 31. Kasabay nito, pansamantalang inilipat ni Sec. Tulfo si Region 4A Director Barry Chua at Assistant Regional Director Mylah Gatchalian sa Central Office habang isinasagawa ng Office of the Secretary ang imbestigasyon. Pansamantalang hahalili si Assistant Secretary Maritess Maristela ng Special Concerns Division kay Director Chua. Base sa reklamo…

Read More

QC CARES, TFD SANIB-PWERSA VS PASAWAY NA PARKING ATTENDANTS

TUTULONG ang QC Cares at ang Task Force Disiplina (TFD)  para disiplinahin ang mga pasaway na “unauthorized parking attendant” sa Timog, Morato Sts., at Mabuhay Lane sa nasabing siyudad. Sa phone interview kay Task Force Disiplina Head at 2nd District Councilor Rannie Ludovica, may natatanggap siyang mga reklamo laban sa nabanggit na mga parking attendant. Ayon sa kanya, naniningil ang mga “unauthorized parking attendant” ng P50 hanggang P100 sa bawat sasakyan na pumaparada sa naturang mga lugar. Kung hindi nagbabayad ang mga ito sa parking attendant dahil sa mahal na…

Read More

WALANG TIGIL NA TULONG PARA SA PAENG VICTIMS- ROMUALDEZ

KARAGDAGANG P26 Million ang nakalap na pondo ng tanggapan ni House Speaker, Martin Romualdez para sa mga biktima ng bagyong Paeng na binayo ang halos buong bansa at nag iwan ng pagkasalanta ng pananim ng mga magsasaka, kabuhayan at ilang naitalang nasawi dahil sa landslide. Sinabi ni Romualdez na simula noong nanawagan ito sa social media ay walang patid ang pagdating ng tulong ng kanyang tanggapan bukod sa cash ay nagpa abot din ng relief goods gaya ng pagkain,kumot at iba pang magagamit ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.…

Read More

8 TONELADANG RELIEF GOODS NAIPAMAHAGI NG PCG

AGAD ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” ang nakalap na mahigit walong toneladang relief goods mula sa donation drive ng pamahalaan. Nasa 3,600 family packs buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ibiniyahe nitong Martes ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) mula Maynila papuntang Iloilo. Kasabay nito ang BRP Romblon (SARV-3503) na may sakay namang 50 sako ng tig-50 kilo ng bigas. Tatanggapin ito ng DSWD Region VI para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng sa rehiyon. Sa…

Read More