ISANG security screener ng Office of Transportation Security (OTS) ang nagsauli ng P40,000 halaga ng pera na kanyang natagpuan sa loob ng belt conveyor ng X-ray machine, habang ino-operate niya ito sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 4. Ayon kay Undersecretary and OTS Chief Ma. O Aplasca, ang screening security officer ay isang nagngangalang Dian Mahinay, na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Terminal 4. Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, pauwi sa kanilang probinsiya si Andres Laforteza Gutierrez ,73, para sa paggunita sa Araw ng mga…
Read MoreCategory: METRO
‘OPLAN BIYAHENG AYOS’ INILUNSAD NG PCG
INILUNSAD ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “Oplan Biyaheng Ayos” sa iba’t ibang pantalan upang makarating sa kani-kanilang destinasyon nang ligtas ang mga uuwi sa kanilang mga lalawigan para sa Undas 2022. Batay sa ulat ng PCG, 1,895 personnel ang idineploy nitong Martes, Oktubre 25, na mag-iinspeksyon sa 72 vessels at 1,686 motorbancas. Nakapag-monitor na rin ng 7,416 outbound passengers at 6,880 inbound passengers sa lahat ng daungan at daluyan sa buong bansa. Bukod sa pagtataguyod ng maritime security at maritime safety, tumutulong din ang mga tauhan ng PCG sa pagpapatupad ng…
Read MoreLGUs KINALABIT SA 1.4M BACKLOG SA VAXX RECORDS
HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr. ang Local Government Units (LGUs) na kaagad tugunan ang 1.4 million backlog sa registration ng vaccination records sa Vaccination Information Management System (VIMS) na kailangan para sa pagpapalabas ng VaxCertPH. Ang VaxCertPH ay official digital vaccination certificate program ng gobyerno base sa centralized data sa VIMS. “This has long been an issue in our LGUs as we try to improve the inventory of Filipino citizens who have registered for VaxCertPH. We implore our LGUs to…
Read MorePAGLILIPAT SA LGUs NG FEEDING PROGRAM PINABORAN
PABOR si Senador Grace Poe sa planong ilipat sa Local Government Units (LGUs) ang feeding program ng pamahalaan na kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa pahayag, sinabi ni Poe, pangunahing awtor ng Republic Act No. 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, na kapado ng LGUs partikular ang barangay workers sa kanilang komunidad na malaki ang maitutulong sa pagtukoy ng benepisyaryo. “Ikinagagalak natin ang isinasawang pag-aaral ng Department of Education (depEd) sa implementasyon ng feeding program…
Read More2 BATA PATAY SA SUNOG SA VALENZUELA
PATAY ang dalawang batang magkapatid sa insidente ng sunog sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang magkapatid na sina Linea Deocacion, 9, at Leana Casey Deocacion, 3-anyos. Ayon sa ulat, kalahating oras lamang tumagal ang sunog sa Urrutia St., Brgy. Gen. T. De Leon, ng lungsod, na kumitil sa buhay ng mga batang nakulong sa banyo ng kanilang nasusunog na bahay. Faulty electrical wiring ang sinasabing ugat ng sunog na umabot sa ikalawang alarma. Lumabas umano ang ina ng mga bata na si Leny Rose Deocacion upang patayin ang…
Read MoreBusinesswoman nakipagbarilan sa mga pulis KASAMBAHAY PATAY SA CROSSFIRE
HINIHINALANG namatay ang isang 20-anyos na kasambahay nang maipit sa pakikipagpalitan ng putok ng kanyang among 35-anyos na negosyante habang lulan ng Ford Ranger pick-up, sa nagrespondeng mga pulis sa Mindanao Avenue malapit sa Mindoro St. sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng pulisya, pinagbabaril umano ni alyas “Kirstie”, dalaga, ng San Carlos Heights, Irisan, Baguio City, ang bahay ni P/Major Rommel Purisima ng Manila Police District. Bunsod nito, nagresponde ang mga tauhan ng Station Tactical Motorized Riding Unit (STMRU) ng Sampaloc Police Station ngunit…
Read MoreP15M BENTA TARGET NG 24TH LIKHA NG CENTRAL LUZON
ANG Likha ng Central Luzon trade fair ngayong taon ay nagnanais ng P15-milyon na benta ng produkto mula sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Ang ika-24 na edisyon ng Likha ay nakatakda sa Oktubre 26-30 sa MegaTrade Hall B ng SM Megamall kung saan inaasahang lalahok ang hindi bababa sa 143 MSMEs. Sinabi ni DTI Small and Medium Enterprise Development Division chief Warren Serrano na ang aktibidad ngayong taon ay magkakaroon ng mas maraming non-food na kalahok sa Rehiyon 3.…
Read MoreLAPID CASE CLOSED PERO IMBESTIGASYON TULOY PA – POLICE
NALUTAS na para sa Southern Police District (SPD) ang kaso ng brutal na pagpatay sa veteran broadcaster na si Percy Lapid. Sa radio interview kahapon, sinabi ni SPD director Police Brigadier General Kirby John Kraft na nalutas na nila ang kaso dahil natukoy, nahuli at nakasuhan na ang mga suspek sa krimen. Sa kabila nito aniya, ipinagpapatuloy pa nila ang imbestigasyon sa kaso para matukoy ang mastermind. Bahagi ng imbestigasyon ng mga awtoridad ang pag-review sa radio program ni Lapid mula 2021 hanggang 2022. Nakipag-ugnayan na rin umano sila sa…
Read MoreDahil sa sirang RFID readers EXPRESSWAY MANAGEMENT IPATATAWAG NI REP. YAP
DAHIL sa sunod-sunod na reklamo hinggil sa hindi gumaganang RFID readers sa mga expressway tulad ng NLEX, SLEX, SCTEX, TPLEX at Skyway, ipatatawag ni Benguet Congressman Eric Yap ang pamunuan ng mga naturang expressway company sa Kongreso. “We will simply ask them, kailan ninyo mape-perfect yang RFID na yan?” ani Cong. Yap. “Sa halip na ginhawa ang dulot, aba’y perwisyo dahil marami na namang toll booths nila ang hindi gumagana ang RFID kaya pila ang mga sasakyan,” ayon kay Yap. Ayon sa mambabatas, pati siya ay biktima ng problema dahil…
Read More