INIHAING KASO NG CALOOCAN PNP VS ‘PEKENG’ KIDNAPPING IBINASURA

IBINASURA ng Office of City Prosecutor ng Caloocan City ang mga kasong isinampa ng Caloocan City Police Station (CCPS) laban sa isang babaeng inakusahan ng pulisya na pineke ang tangkang pagdukot sa kanya noong nakaraang buwan. Dinispatsa ni Assistant City Prosecutor Marni Rose D. Zatarain ang habla ng CCPS laban kay Samantha Pargad dahil sa kakulangan ng probable cause. Noong Setyembre, kinasuhan ng CCPS si Pargad ng ‘unlawful means of publication and unlawful utterances’ sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code (RPC), at libel sa ilalim ng Art.…

Read More

DRUG SYNDICATE MEMBER TIKLO SA P1-M DROGA, BOGA

ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng sindikato sa ilegal na droga makaraang inguso at mahulihan ng baril at mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu at marijuana sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Eduardo Monroy, 32, umano’y kasapi ng Saragoza drug group, na dinaluhong ng mga parak sa kanyang bahay sa Barangay Tangos North, ng lungsod dakong alas-11:50 ng umaga noong Miyerkoles, Oktubre 26. Hinalughog ang bahay ng suspek sa…

Read More

5 TIMBOG SA DRUG DEN SA STA. ANA, MANILA

LIMANG indibidwal ang binitbit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District, kaagapay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isinagawang pagsalakay sa umano’y drug den sa Punta, Sta. Ana, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ni P/Brigadier General Andre Perez Dizon, Director ng MPD, ang target ng operasyon na si Arnold Tana, 45, ducting installer, residente ng Barangay 900, Punta, Sta. Ana. Habang arestado rin ang dalawang umano’y kasabwat nito na sina Benjamin, 63, kapatid, at Christopher, 44, pinsan, Natimbog din…

Read More

BUMBERO SUGATAN SA SUNOG SA QC

LIGTAS na mailabas ng mga bumbero ang 49 kataong naipit sa naglalagablab na gusali sa Quezon City kahapon ng umaga. Gayunpaman, isang miyembro ng QC Fire Department ang nasugatan habang binubutas ang isang bahagi ng gusali kung saan padadaanin ang mga nakulong na indibidwal. Kinilala ang biktimang si Fire Officer 2 Joselito Cabote na magtamo ng pinsala sa kamay sa pagresponde sa  nasusunog na Alphabase Bldg. sa panulukan ng Scout Rallos at Tuazon St. sa Barangay Laging Handa sa nabanggit na lungsod. Ayon kay QC Fire Marshal Sr. Supt. Gary…

Read More

Pasahero nagsimula nang dumagsa TRANSPORT TERMINALS ININSPEKSYON

ININSPEKSYON na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga transport terminal bilang bahagi ng kanilang “Oplan Undas.” Kasabay nito ang random drug test sa mga terminal. Ayon kay Atty. Alex Abaton ng LTO – Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary, layon nitong matiyak ang roadworthiness ng mga pampublikong sasakyan para sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero. Bukod sa pagsuri sa kondisyon ng mga PUV, mahigpit ding babantayan ng LTO ang posibleng paglabag sa overloading at overcharging. Pinayuhan naman ni Abaton ang mga pasahero na iwasang…

Read More

4 TIMBOG SA P224K SHABU

UMABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa arestadong apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Valenzuela at Navotas. Ayon kay Valenzuela City Police chief, Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo, ng buy-bust operation sa Santolan Service Road, Brgy. Gen T. De Leon sa lungsod. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Jun-jun Setazate…

Read More

2 PULIS-PASIG TIMBOG SA EXTORTION

SA halip na baril, malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos dakpin ng mga kabaro makaraang kikilan ang isang ginang na inakusahang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa Pasig City. Ayon sa ulat ng mga operatiba mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Action Team (IMEAT) ng PNP, arestado ang dalawang pulis-Pasig na kinilalang sina Sgt. Michael Familara ng Pasig PNP Station 7, at Cpl. Nathaniel San Buenaventura ng Pasig PNP Station 2. Timbog din sa nasabing operasyon sa Barangay San…

Read More

ABOGADO, 9 PANG WANTED TIKLO SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang pagkakaaresto ng isang abogado at siyam na iba pa sa operasyon laban sa wanted persons na isinagawa ng iba’t ibang tracker teams ng QCPD. Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Rene Balmaceda, ang nadakip na abogado na si Atty. Constantino Reyes, 60, residente ng Brgy. Lourdes, Quezon City, noong Oktubre 25, 2022 sa Sta. Mesa Heights, Brgy. Lourdes, Quezon City, dahil sa kasong falsification of public documents. Habang dalawang station level…

Read More

Pagtunton sa mastermind nagkakalinaw KAPATID NG MIDDLEMAN SA LAPID CASE ‘KUMANTA’

NAKAKITA ng pag-asa sa kaso ng pamamaslang sa hard-hitting journalist na si Percy Lapid matapos magbigay ng ilang impormasyon ang kapatid at pinsan ng namatay na middleman. Kabilang umano sa mga ibinahagi ng kapatid ng nasawing si Jun Globa Villamor ang mga pangalan na makatutulong sa kaso. Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano bineberipika na nila ang mga ibinigay na impormasyon ng kapatid ni Villamor. Isinailalim na sa Witness Protection Program ng ahensya ang kapatid ng nasabing middleman para matiyak ang kaligtasan nito. Bukod dito, may ibinunyag…

Read More