400 KG NG SHABU NASABAT NG PDEA-LED MULTI-AGENCY FORCES

UMABOT 400 kilo ng methamphetamine hydrochloride na mas kilala bilang shabu ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng government security forces sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa ikinasang bigtime buy-bust operation noong Biyernes ng hapon sa Pangasinan at La Union. Ininspeksyon ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva ang nasabat na mga droga na pake-pakete at may tatak na Chinese Tea, na tinatayang umabot sa P 2.72 billion ang street value. Ayon kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, matapos ang ilang linggo ng paniniktik at pagpaplano…

Read More

74-ANYOS NAGTAPOS NG ELEMENTARYA SA NAVOTAS

DUMALO si Congressman Toby Tiangco sa isinagawang graduation ceremony ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa Lungsod ng Navotas. Binati ni Cong. Tiangco ang mga nagsipagtapos kabilang ang 74-anyos na si Urbana Señal Navarrete na nagtapos sa elementarya. “Saludo tayo kay Nanay Urbana at sa mga kasama niyang ALS graduates dahil hindi naging hadlang ang edad, katayuan sa buhay, o iba pang hamon at pagsubok para sila ay magsikap na makapagtapos sa pag-aaral at ikinararangal namin ang inyong pagpupursigi,” pahayag ni Cong. Tiangco. Samantala, nakiisa si Mayor John…

Read More

1 PATAY, 4 SUGATAN SA 6 WHEELER TRUCK VS CARGO E-TRIKE

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 17-anyos na binatilyo habang sugatan ang apat na iba pang mga biktima nang magsalpukan ang isang 6 wheeler truck at cargo e-trike sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Dead on the spot si Marlon Acqueen, helper, habang nasugatan sina Antoinette I. Asim, 23; Jefferson M. Vilog, 23; driver ng cargo e-trike na si Edzel Canatuan, 23, at Thomas Padreque, 38, driver ng Mitsubishi 6 wheeler truck na naka-hospital arrest sa Saint Dominic Hospital. Ayon sa ulat ni Corporal Kevin…

Read More

BABAE PATAY SA SALPOK NG VAN

QUEZON – Namatay ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng highway nang masagasaan ng van na nasabugan ng gulong habang tumatakbo sa Quirino Highway, Brgy. Tabason, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Teresita Batin, 62-anyos. Batay sa report ng Tagkawayan Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang sumabog ang hulihang kanang gulong ng L300 van na minamaneho ng 26-anyos na si Chris Gunay habang binabagtas ang highway patungong north direction. Nawalan ito ng kontrol sa manibela at lumihis ang sasakyan patungo sa shoulder at nasagasaan ang…

Read More

Diplomatic dialogue sa Russia ikakasa P1.9-B DEPOSITO SA SOVIET CHOPPERS MALABONG MABAWI

POSIBLENG tuluyan nang malugi ng tumataginting na P1.9 bilyon ang pamahalaan makaraang talikuran ng nakalipas na administrasyon ang nilagdaang kontrata para sa pagbili ng 16 na helicopters mula sa bansang Russia.’ Taliwas naman ang paniwala ni Director Arsenio Andolong na tumatayong tagapagsalita ng Department of National Defense (DND). Aniya, masusing pinag-aaralan ng binuong Contract Termination and Review Committee ang proseso sa pagsasapinal ng kanselasyon ng kontrata gayundin sa pagbawi ng P1.9 paunang bayad ng pamahalaan sa Sov Technoexport ng Russia. Una nang sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na…

Read More

SUSPENSYON NG NCAP KINONTRA SA QC AT VALENZUELA

MARIING tiniyak ng Quezon City Government na tuloy ang implementasyon at hindi sinususpinde ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) ng lokal na pamahalaan. Ito ang nabatid sa press statement ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ng Quezon City bagamat nakikipag-usap ang QC government sa Land Transportation Office (LTO) para resolbahin ang mga isyu hinggil sa hinihiling ng ilang stakeholders na suspension sa No Contact Apprehension Program (NCAP). Sinabi ng QC government, nakikipag-usap din ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga yunit ng lokal na pamahalaan na may…

Read More

HR ni Rep. Valeriano ‘di umubra sa sigasig ni Atty. Lopez AYUDA DUMALOY NA SA MANILENYO

MISTULANG sampal sa House Resolution ni Congressman Rolando Valeriano ang pagbuhay sa ayuda sa mga maralitang Manilenyo matapos kumilos si Atty. Alex Lopez at idinulog ito sa mga opisyal ng pamahalaan. Dumaloy ang DSWD-AICS at DOLE-TUPAD nitong linggo para ituloy ang layunin ng political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisalba ang programang pangmahirap na gustong ‘barilin’ ng kongresista sa Kamara. Magugunitang galit ang sumalubong kay Cong. Valeriano mula sa mga benepisyaryo makaraan nitong umepal at magsampa ng House Resolution No. 84 sa Kongreso na humihiling na imbestigahan ang…

Read More

INVESTORS MEET STARTUPS AT RISE PITCH NIGHT

AYON sa mga pag-aaral, halos 90 porsyento ng startups ay bumabagsak, natitira lang ang 10 porsyento upang ituloy ang nasimulan. Ang tagumpay ng startups ay nakasalalay sa kanilang abilidad na baguhin at bigyan ng bagong porma ang kanilang mga ideya at palakasin ang operasyon hindi lang sa swerte kundi sa tamang mentoring at akmang network. Walong startups ang tumanggap ng P500,000 equity-free grant mula sa Makati City matapos ang qualifying pitching competition noong Abril 8 upang alalayan ang kanilang pag-unlad, habang ang founders ay dumalo sa 12-week training program na…

Read More

COVID-19 CASES MARAMI HINDI NABIBILANG – OCTA

SINABI ng OCTA Research na mas mataas ang tunay na datos kumpara sa bilang na naiuulat na mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa araw- araw. Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mas mataas ang tunay na bilang lalo’t marami ang nagpapa-antigen test. Aniya, hindi counted sa opisyal na bilangan ang resulta ng antigen test kaya’t paniguradong mas mataas ang tunay na datos kumpara sa nailalabas na data araw- araw. Sinabi ni David, ang itinatala lamang kasi ay ang mga nagpositibo sa RT- PCR test. “So ito…

Read More