PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na gumawa ng tulay na mag-uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila. Bunsod ito ng patuloy na nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region. Sa Post SONA Economic briefing, tinuran ni Bonoan na balak nilang itayo ang mga tulay sa Marikina at Pasig river at mula duon ay mapabilis ang mobility ng mga taga Kalakhang Maynila mula North hanggang South. Aniya, kaunti lamang ang connectors dito sa NCR kayat kailangang maipagpatuloy ang construction development. Tinatayang lima hanggang anim na tulay ang target…
Read MoreCategory: METRO
HEALTH REFORM LAW ITUTULOY SA KONGRESO
HANGAD ni Quezon 4th District Representative Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan na tuparin ang mga repormang pangkalusugan na hindi natapos ng kanyang ina, na kabilang sa mga nakalinya sa mga nabanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang sa landmark health reform na ito ang pagtatatag ng “Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act” (House Bill No. 281); “Virology Institute of the Philippines (VIP) Act (HB 282); at “Medical Reserve Corps Act” (HB 285) na pawang inaprubahan na ng…
Read MoreSONA HINDI BORING
HINDI nakakainip ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pinalakpakan ng 85 beses at ilan sa mga isyung inilatag nito ay tumanggap pa ng standing ovation. “It was a data-driven SONA. Others before him had used words to conjure the future. He painted it using numbers. And that makes his SONA brave, not boring,” pahayag ni Batangas Rep. Ralph Recto. “May resibo ang mga pangako. Hindi motherhood statements, but calculable key result areas,” dagdag pa ni Recto lalo na sa larangan ng…
Read MorePAGPASLANG SA LAMITAN EX-MAYOR KINONDENA
KINONDENA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamaril sa harapan ng Gate 3 ng Ateneo de Manila University sa Quezon City habang nagdaraos ng College of Law commencement exercise na ikinamatay ng tatlo katao kabilang ang dating lady mayor ng Lamitan City, Basilan. “The DILG sincerely sympathizes with the family of the victims of this unfortunate incident as we assure them that we will strengthen the case against the suspect, file the necessary charges, and ensure that the suspect will languish behind bars,” ayon sa inilabas na…
Read MoreMANILA MAYOR SINOPLA NG DATING KONSEHAL
PINANINDIGAN ng kampo ni dating Councilor Pablo “Chikee” Ocampo na naka-move on na sila taliwas sa pinangalandakan ni Manila Mayor Honey Lacuna na ayaw pang tanggapin ng konsehal at ng Team Pagbabago ang kanilang pagkatalo sa nakalipas na eleksyon. Sa isang mini presscon sa San Miguel, Manila, hindi na napigilan ni Ocampo ang bugso ng galit sa nakaupong alkalde. Hindi rin nito napigilang maglabas ng sama ng loob sa aniya’y malawakang dayaan at vote-buying sa nakalipas na halalan. Nagbanta pa si Ocampo na kung hindi titigil sa mga patutsada ang…
Read MoreDND OFFICIAL NAGBABALA SA PAGHAHATI-HATI NG BANSA
ISANG mataas na opisyal ng Department of National Defense (DND) ang nanawagan sa sambayanang Pilipino na manatiling buo at nagkakaisa sa gitna ng naglalabasang ulat na may ilang grupo ang nagpaplano ngayon upang hatiin ang pamahalaan bilang isang bansa. Ayon kay DND Undersecretary Jose Faustino Jr., ngayon ang panahon upang maipakita ang pagkakaisa ng bawat isa. Inilabas ang pahayag na ito ni Faustino nang lumutang na naman ang isang ‘fake news’ na nagsasabing nag-resign na bilang executive secretary si Atty. Vic Rodriguez. Ang ‘fake news’ na ito ay kaagad pinabulaanan…
Read MoreGMA NAGPOSITIBO SA COVID, ‘DI MAKADADALO SA SONA
HINDI makadadalo sa pagbubukas ng Kongreso at maging sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos magpositibo sa COVID-19. Sa statement ng tanggapan ni Arroyo, sa pamamagitan ng kanyang chief of staff na si Erwin Krishmas Santos, nagpositibo ang dating pangulo sa antigen test noong July 15. Agad umano itong isinailalim sa self-quarantine at nasa pangangalaga ng kanyang doctor na si Dra. Martha Nucum. Muling isinailalim sa RT-CPR test si Arroyo noong July 22, para…
Read MoreEX-MAYOR, 2 PA PATAY SA ATENEO SHOOTING
PATAY ang dating alkalde ng Basilan, bodyguard nito at isang security guard sa pamamaril bago ang graduation ceremony sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, Linggo ng hapon. Sa isang mensahe ni Ateneo VP for Admin Rudy Ang: “3 confirmed deaths: mayor of Basilan, her bodyguard, and one of the Ateneo security guards at Gate 3, who tried to stop the shooter. Mayor’s daughter, who was one of the graduates, is in the hospital in critical condition. Shooter has been captured.” Kinilala ang nasawing dating alkalde na si Rose Furigay…
Read MoreBARANGAY UGNAYAN IDINAOS NG MPD- STATION 3
NAGLUNSAD ng diyalogo at ugnayan sa nakasasakop na mga barangay sa area ng Sta. Cruz na may temang may kaugnayan sa kriminalidad lalo na sa ipinagbabawal na droga, sa pangunguna ng bagong station commander ng Manila Police District – Station 3 noong Sabado ng hapon. Pinangunahan ni P/Lt. Col. Jonathan “Jojo” Villamor, station commander, ang Ugnayan sa Barangay na pinamunuan ni Zone Chairman Irene Benito at ang lahat ng mga punong barangay na sumasakop sa Sta. Cruz, Manila. Napuno ang buong kalye ng Zone 35 sa nasabing lugar bandang alas-5:00 ng…
Read More