SIGA TIKLO SA BOGA

kulong

IBINALIBAG sa selda ang isang lalaking umano’y siga makaraang mahulihan ng baril sa Malabon City. Kinilala ang suspek na si Geoffrey Asejo y Caspillo alyas “Jeff”, 46, may asawa, tubong Barangay Diclum, Antique Province at naninirahan sa Barangay 12, Caloocan City. Natiklo ang suspek sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations noong Hulyo 21 bandang 6:30 ng gabi sa Pampano Street, Barangay Longos, Malabon City. Kinumpiska sa suspek ang isang 9mm pistol at magazine nito na may tatlong bala. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions. (ALAIN AJERO) 231

Read More

P4.2-M SHABU KUMPISKADO, 5 SUSPEK ARESTADO

NAGKASA ng anti-illegal drugs operation ang mga pulis ng Makati City na nagresulta sa pagkakadakip sa lima katao at nakumpiska ang tinatayang P4,250,000 halaga ng ilegal na droga noong Biyernes ng gabi sa Amarillo St., Brgy. Rizal, Makati City. Kabilang sa nakumpiska ng SDEU operatives ang apat na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, at boodle money na ginamit sa operasyon. Kinilala ang mga suspek na sina Jebert Baluarte, driver; Leopoldo Montes, driver; Myrafe Montes; Paul Graham Gonzalez, at Reinsher Anne Jamero, online seller. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Police…

Read More

P12-M SMUGGLED NA SIBUYAS NASABAT NG BOC

UMABOT sa P12 milyong halaga ng puslit na mga sibuyas ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Misamis Oriental noong Hulyo 19. Base sa ulat ng BOC, apat na container vans ang kanilang hinarang sa Mindanao Container Terminal Port sa PHIVIDEC Compound sa Tagoloan, Misamis Oriental. Dumating sa bansa ang shipment noong Hulyo 12 mula sa China at naka-consign sa Primex Export and Import Producer. Idineklara na naglalaman ito ng “spring roll patti” base sa Inward Foreign Manifest. Noong Hulyo 13, naglabas si District Collector Elvira Cruz ng Pre-Lodgment Control Order…

Read More

LASING NA CHINESE NANG-ARARO NG MGA SASAKYAN

INARARO ng isang lasing na Chinese national ang ilang sasakyan naging dahilan upang tugisin ito ng mga operatiba ng Manila Police District hanggang sa madakip ang suspek noong Huwebes ng hapon. Nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi bago nakorner sa tulay ng Delpan ang suspek na kinilalang si Clint Xerwin Kho alyas “Errol Fulleros”, 34, residente ng EDSA, Balintawak, Quezon City. Batay sa ulat ng Manila Police District, nagsimula ang habulan sa pagitan ng suspek at ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Claro M. Recto Avenue sakop ng Tondo.…

Read More

3 CHINESE, 2 PINOY TIMBOG SA KIDNAPPING

SINAGIP ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 5 ang tatlong Chinese national habang tatlong kababayan ng mga ito at dalawang Filipino ang nadakip sa operasyon sa panulukan ng Mabini at Pedro Gil streets, Malate, Manila noong Huwebes ng gabi. Kasalukuyang nasa  kustodiya ng MPD-PS 5, ang mga suspek na sina Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan, 30, at Chai Xin Yuan, pawang Chinese national, at sina Kenneth Querubin, 39; Wang  Jie, 28, at Noel Fame. Batay sa ulat ni P/Lt. Col John Guiagui, commander ng MPD-Ermita Police Station 5, ikinasa…

Read More

Bago magsimula pasok sa eskwela 35 BUS ROUTES SA NCR MULING BUBUKSAN

NASA 35 ruta ng mga pumapasadang bus sa Metro Manila ang planong buksan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang bahagi ng isinasagawang paghahanda ng pamahalaan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan pagsapit ng Agosto. “In response dito sa magiging face-to-face classes natin, ang pagbubukas ng mga dating ruta [ng mga bus] ay tinutukan namin ngayon. May mga na-identify na kami [na] at least mga 35 routes na ma-o-open na sana bago mag-start ng face-to-face classes,” ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Garafil. Nakatakda ang pagbubukas…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, 124

Umakyat na sa 124 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Sa ulat ng CESU na may petsang Hulyo 20, hanggang alas-11:59 ng gabi ng nasabing araw, umabot sa 101 sa active cases ang naka-home quarantine, 12 ang nasa isolation facility at 11 ang nakaratay sa ospital. Pumalo na sa 44,518 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 35 ang nagpositibo sa nakamamatay na virus, at dito ay 43,455 na ang gumaling makaraang 10 ang madagdag sa mga…

Read More

1 PATAY, 14 NAOSPITAL SA MAMI SA TONDO

patay

ISASAILALIM sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang sample ng mami na umano’y naging sanhi ng pagkamatay ng isang 43-anyos na ginang at pagkalason ng 14 pang biktima sa Tondo, Manila noong Martes ng umaga. Kapag nagpositibo ang resulta na ang mami ang naging dahilan ng pagkalason ng 15 katao, malamang na makulong at pagbayarin ang may-ari ng karinderya. Ayon sa ulat na natanggap ni P/Lt. Col. Gene Lucud, station commander ng Manila Police District Station 1, nakatanggap sila ng tawag sa kaso ng food poisoning sa Gapan Street…

Read More

PAGLIPOL SA CPP-NPA PATAPOS NA – AFP

TIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patapos na ang panliligalig ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay, base sa kanilang datos, sa sunod-sunod na pagkagapi ng mga nalalabing communist terrorist group at pagsuko ng kanilang mga kasamahan. Sa ulat ni Major General Roberto S Capulong, Acting Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa AFP Headquarters, nasusupil ng kasundaluhan ang mga planong paghahasik ng terorismo ng makakaliwang hanay sa pagkakadiskubre sa taguan nila ng mga armas. Ayon…

Read More