MALAKING palaisipan sa mga imbestigador ng Quezon City Police District ang pagkamatay ng isang hindi pa kilalang babae na umano’y nahulog o tumalon mula sa Manhattan Heights Tower D sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa sketchy report ng Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-7:00 ng umaga noong Hulyo 17 nang mangyari ang insidente sa Jogging Path sa 4th floor ng Manhattan Heights Tower D sa Gen. Romulo Ave., Araneta City, Brgy. Socorro, Cubao. Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Lemuel Escleto, isang…
Read MoreCategory: METRO
GUN BAN SA NCR IPATUTUPAD PARA SA SONA NI PBBM
MAGPAPATUPAD ng 6-day gun ban sa National Capital Region bilang paghahanda sa isasagawang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Violators will face consequences that includes suspension or even disqualification from owning a firearm, aside from criminal charges that would be filed against them,” babala ni P/Major General Valeriano de Leon, PNP Director for Operations, sa mga lalabag sa gun ban. Bunsod nito, inatasan ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, Director ng Manila Police District, ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang nasabing kautusan.…
Read MoreMETRO MANILA, IBA PANG LUGAR MANANATILI SA ALERT LEVEL 1
MANANATILI ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng Alert Level 1. Ito’y habang nakabinbin ang pagre-review ng alert level classifications. Ibig sabihin lamang nito ay mananatili ang umiiral na coronavirus disease 2019 (COVID19) alert levels hanggang sa makagawa na ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ipatutupad sa bagong alert level system. Sa kabilang dako, nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng IATF-EID, ngayong Lunes, Hulyo 18, para pag-usapan ang pagpapatupad ng alert level sa bansa. “The status quo holds for our alert levels,…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN ARESTADO SA PEKENG DOKUMENTO
INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 63-anyos na punong barangay sa bisa ng warrant of arrest dahil sa umano’y kasong falsification of public Documents sa Malate, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Jessie Agaton, may asawa, residente ng Alejo Aquino Street, Singalong, Malate, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, bandang alas-9:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa Espiritu Street malapit sa panulukan ng Augusto Francisco Street sa Malate Si Agaton ay inaresto sa…
Read MoreGUN RUNNER NABITAG NG CIDG SA DRUGS, BARIL
HINDI nakapalag ang suspek sa gunrunning activities sa Guadalupe Viejo, Makati City nang dambahin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa tinutuluyang entreswelo sa Laperal Compound dakong alas-9:40 gabi noong Biyernes. Ayon sa ulat, ilang minutong naghintay ang mga operatiba, may 100 metro ang layo mula sa entreswelo ng suspek, sa senyas ng police poseur buyer. Nang mag-miss call ang police poseur buyer sa mga kasamang operatiba ng CIDG RGU NCR bilang hudyat na positibo ang suspek na si Dominic Malate y Gaut alyas “Idong”, sa gunrunning, sinalakay ng mga…
Read MoreMAGDYOWA TIMBOG SA P1.4-M DROGA
IBINALIBAG sa magkahiwalay na selda ang sinasabing magdyowang nasakote sa anti-drug operation sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Myka Ofalsa y Espedido, 28, at Joel Mang y Velasquez, 32. Nasakote ang dalawa dakong alas-11:50 ng gabi noong Hulyo 14 sa Blk. 4, Lot 15, Neo Vista Homes, Barangay 171, Caloocan City. Nasamsam sa mga suspek ang 200 gramo ng umano’y shabu na may presyong P1,360,000. (ALAIN AJERO) 233
Read MoreWANTED SA KIDNAPPING KALABOSO SA MARIKINA
ARESTADO sa kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery ang wanted person na 46-anyos na call center agent sa Marikina City. Kinilala P/Col. Gerson Bisayas ang nadakip na si Rafael Cristobal y Santiago, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat, dakong 1:10 ng hapon noong Hulyo 13 nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay. Nabatid mula sa magkasanib na puwersa nina P/Maj. Monico Aliado, chief ng SIDMS, at P/Maj. Federico Halog, Jr. ng 2nd MFC RMFB, dinakip nila ang suspek na top 5 most wanted…
Read MoreP1.5-B KONTRABANDO NASABAT SA VALENZUELA
UMABOT sa P1.5 bilyong halaga ng puslit na pekeng luxury items at mga sangkap sa paggawa ng sigarilyo ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City. Ayon sa pahayag ng BOC noong Biyernes, ginawa ang operasyon noong Miyerkoles sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga kinatawan ng CTeknik Development Corporation sa #143 C.P. Gregorio St., Lingunan, Valenzuela City. Sa nasabing pagsusuri ay nadiskubre ang tinatayang P1.5 bilyong halaga ng mga kontrabando na…
Read More3 MANGINGISDA NIRATRAT SA LAOT
CAMARINES SUR – Ipinasisiyasat ng PNP-Regional Police Office 5 ang pagkakakilanlan ng armadong kalalakihan na namaril sa tatlong mangingisda sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Francis Gamura, Eduardo Dulay at Jessie Marinay, pawang mga residente ng Calabanga ng nasabing lalawigan. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP, habang tinutunton ng mga biktima ang kinaroroonan ng iniladlad nilang lambat habang sakay ng fishing boat na MB Marylyn 1, biglang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay naman ng maliit na bangka,…
Read More