RUMESBAK si ex-Congressman Carlo Lopez kay Secretary Bernie Ang kaugnay ng alegasyon ng huli na natalo ang mga Lopez sa Maynila dahil umano sa “expose” ni Atty. Alex Lopez sa malawakang korapsyon sa Manila City Hall. Hindi na nakapagpigil ang dating kinatawan ng distrito 2 na kilalang tahimik at hindi mahilig sa publicity kaya nagsalita na ito hinggil sa usapin. Napikon ito at hindi na pinalampas ang mga satsat ni Ang na natalo ang magpinsan na Manny at Carlo Lopez sa nakalipas na May elections dahil sa pag-‘Marites’ ni atorni…
Read MoreCategory: METRO
PAGTATAYO NG DEPARTMENT OF TECHNICAL EDUCATION AND TRAINING ISINUSULONG
SA gitna ng rightsizing na ipinatutupad ng administrasyon, isinusulong ni Senador Loren Legarda ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Technical Education and Training. Sa kanyang Senate Bill No. 6, iginiit ni Legarda na ang ipinapanukalang departamento ay magiging pangunahing government agency na nakatutok sa promotion and development ng technical education, training, at certification. Sinabi ni Legarda na layun din ng panukala na palakasin ang papel ng Technical Education and Skills Development Authority sa pagkakaloob ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga Pilipino lalo na ngayong nasa new…
Read MoreBAGONG DOLE SECRETARY GINAGAMIT NG SCAMMERS
NABUKING ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umano’y ginagamit ng mga scammer ang pangalan ni bagong Secretary Bienvenido Laguesma sa kanilang panloloko. Sa inilabas na advisory, sinabi ng DOLE na nagso-solicit at namumuwersa na manghingi ng pera ang mga suspek sa mga negosyante at mga kumpanya gamit ang pangalan ni Laguesma kapalit ng pabor o pagpapabilis sa kanilang mga aplikasyon sa ahensya. “The labor department strongly condemns such nefarious acts that tend to put to bad light the DOLE and destroy the good name of the Labor Secretary,” ayon…
Read MoreSangkot sa baril palit droga MAG-INANG GUN RUNNER NABITAG NG CIDG
INIULAT ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina ang pagkakaaresto sa umano’y mag-inang gun runners at isa pang kasabwat sa isinagawang buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon City Field Unit (QCFU). Batay sa ulat ng CIDG-QCFU sa pamumuno ni P/Lt. Col. Manolo Salvatiera, kinilala ang mga suspek na sina Paulo Acera, 22, Cherry Acera, 37, mag-ina, at si Rex Rodavia, 34, mga residente ng Sitio Belmonte, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City. Batay sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng CIDG-QCFU dakong ika-10:00…
Read MorePUWERSA NG LAKAS-CMD SA KAMARA LUMALAKAS
PATULOY na lumalakas ang puwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) sa Makababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa patuloy na paglipat ng mga congressman sa nasabing partido. Idineklara ng nasabing partido na pinamumunuan ni presumptive Speaker Martin Romualdez, na ang kanilang grupo na ang pinakamalaking partido ngayon sa 19thCongress. Noong 18th Congress, ang Lakas-CMD ay ikaapat lamang sa mga political party na may pinakamaraming miyembro habang nangunguna naman ang PDP-Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.. Makaraang mawala sa kapangyarihan si Duterte, naglipatan na ang karamihan sa mga miyembro nito sa Lakas-CMD at ang…
Read MoreKAWANI NG MALAKANYANG BUMULUSOK, PATAY
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ni Ginoong Mario Castro, empleyado ng Information Communications Technology Office (ICTO) na namatay matapos mahulog sa 4th floor ng Mabini Hall sa loob ng Malacañang Compound. “The Presidential Security Group and the PNP Security Force Unit are jointly investigating the unfortunate incident. We in the Office of the Press Secretary are sending our deepest condolences to Mr. Castro’s family and loved ones,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Kapwa tinitingnan ng PSG at PNP-SF ang posibilidad na sinadya ni Castro na tumalon mula…
Read MoreDRRMIS PARA SA KALIGTASAN NG MGA MAG-AARAL – DEPED
PORMAL na inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Disaster Risk Reduction and Management Information System (DRRMIS) noong Hulyo 6, 2022, ang epektibong information management and communication system na magpapalakas sa safety precautions ng lahat ng mga paaralan sa bansa. Ang DRRMIS ay produkto ng Education Safe from Disasters (Comprehensive School Safety Ecosystems) Program sa pakikipagtulungan sa Save the Children Philippines and Prudence Foundation. Ito ay naglalayong itransporma ang national systems, palakasin ang kapasidad at e-empower ang mga kabataan na mapababa ang bilang ng school days na masasayang dahil sa…
Read MoreHIGIT P100K PRODUKTO NG FARMERS NAIBENTA SA TRADE FAIR NG DAR
TINATAYANG aabot sa mahigit isandaang libong piso ang benta ng mga produkto ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas sa ginanap na dalawang araw na Agraryo Trade Fair noong nakaraang linggo sa compound ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Tacloban City. Ayon kay Chief of the Program Beneficiaries Development Division, Melecia Ong, ang trade fair, na may temang “Produktong Benepisyaryo tungo sa malawak na Merkado,” ay nakabuo ng pinagsamang benta na P116,332 para sa mga produkto ng agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) lamang. Sinabi nito…
Read MorePinagsanglaan damay sa parusa KULONG SA MAGSASANGLA NG 4Ps CASH CARD
MARIIN ang utos ng bagong talagang kalihim ng Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na hindi na puwedeng isanla ang kanilang cash card. Ito ang naging babala ni Secretary Erwin Tulfo sa mga miyembro ng government’s conditional cash transfer (CCT) program. Kung sino man umano ang lalabag sa kautusan ay mananagot at maaari itong tanggalin bilang benepisyaryo. Maging ang sino mang tumanggap ng sangla kapalit ng cash ay mananagot din, ayon pa kay Tulfo Sa isang panayam, sinabi ni Tulfo na maraming…
Read More