Naging mainit ang pagtanggap ng mga empleyado ng Department of Tourism sa papasok na hepe nito na si Christina Garcia-Frasco noong Hunyo 27, 2022. Sa pagtungo ni Garcia-Frasco sa DOT Central Office sa Makati, nakaharap din ng kalihim sa unang pagkakataon dito ang regional directors ng kagawaran. Nagkaroon din ng maiksing press conference kung saan naging direkta rin siya sa kanyang mga plano kabilang dito ang pagpapatuloy ng mga nasimulan at maiiwan na magagandang proyekto ng kasalukuyang kalihim. Gayundin, dahil sa matalas at epektibong karanasan sa lokal na pamahalaan nais…
Read MoreCategory: METRO
‘SPICE BOYS’ NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI ANDAYA
SA napaulat na pagpapatiwakal ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. labis na kalungkutan ang nadama ng isa sa apat na miyembro ng isang grupo ng kongresistang higit na kilala sa tawag na Spice Boys ng Kamara. Paniwala ni dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, labis na kalungkutang dulot ng pagpanaw noong taong 2020 ng asawa ni Andaya ang nakikita niyang dahilan sa likod ng pagpapakamatay ng kabigang mambabatas na aniya’y kasangga niya sa Kamara sa ilalim ng 11th, 12th at 13th Congress – mga panahong sumikat ang grupong…
Read MoreOCTA NAALARMA SA MULING PAGLOBO NG POSITIBO SA NCR
SAPAT na ang dahilan para maalarma ang publiko sa mabilis at panibagong paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa Octa Research Group. Para kay Octa fellow Dr. Guido David, bukod sa NCR, tinutukan rin nila ang pagsirit ng arawang bilang ng mga positibo sa siyam pang lugar – kabilang ang lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo at Pampanga. Sa kanyang datos, lumalabas na pinakamataas ang antas ng pagdami ng kaso sa Cavite kung saan pumalo na sa…
Read MoreMAGAGANDANG PROGRAMA TULOY-TULOY SA MUNTINLUPA
NANGAKO si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na ipagpapatuloy ang magagandang programa para sa pagsulong ng kaunlaran sa kanilang lungsod. Nitong Huwebes ay nanumpa na bilang bagong alkalde ng lungsod si Biazon sa harap ni Muntinlupa City Executive Judge Myra Quiambao kasama ang ilang lokal na opisyal sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa City. Namayagpag sa nakaraang local elections ang partido ni Biazon na tanging COMELEC-registered local party sa lungsod. Kasama sa mga nanumpa sa bagong tungkulin sina Congressman Jaime Fresnedi, Vice Mayor Artemio Simundac, District 1 councilors Rachel Arciaga, Ivee Arciaga-Tadefa, Paty…
Read MoreKasunod ng panunumpa MAYOR CAYETANO AGAD SUMABAK SA TRABAHO
ILANG minuto lamang matapos ang opisyal na panunumpa bilang alkalde nitong Huwebes, Hunyo 30, agad nagtrabaho si Taguig City Mayor Lani Cayetano at binisita ang mga programa na pangunahing isinusulong ng kanyang administrasyon: ang kalusugan, pagpapaunlad ng ekonomiya at ang katiwasayan at kaayusan sa nasasakupan. Binisita ni Mayor Lani ang Taguig Love Caravan sa Barangay Balagtas Covered Court, Lower Bicutan kung saan maraming mga Taguigeño ang nakinabang at nabiyayaan ng libreng serbisyong medikal at dental, kasama na rito ang konsulta, wellness checkup, laboratory test, libreng bunot at palinis ng ngipin na…
Read MoreHAHALILI KAY LORENZANA NAGPOSITIBO SA COVID-19
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 si incoming Undersecretary Jose C. Faustino Jr., officer-in-charge ng Department of National Defense. Si Faustino ang hahalili kay outgoing DND Sec. Delfin Lorenzana. Pisikal na mag-uulat si Undersecretary Faustino sa trabaho pagkatapos makasunod sa itinakdang panahon ng quarantine. Siya ay fully vaccinated with booster shots at asymptomatic. Pansamantala niyang gagawin ang kanyang mga tungkulin habang naka-isolate. Nabatid na may nakasalamuha si Gen. Faustino na isang indibidwal na positibo sa COVID sa panahon ng isa sa kanyang maraming pakikipag-ugnayan at konsultasyon bago siya pormal na manungkulan…
Read MoreP15-B FERTILIZER SUBSIDY HIRIT SA RICE FARMERS
UPANG matiyak ang suplay ng palay, inihayag ng Department of Agriculture na maaaring kailanganin ng gobyerno na dagdagan ang badyet para sa mga subsidyo ng pataba sa taong ito o maaaring mauwi ang Pilipinas sa pagbawas sa output ng palay (unhusked rice). Sa press briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni outgoing Agriculture Secretary William Dar na ang papasok na administrasyon ay kailangang maglaan ng P15 bilyon para mapanatili ang mataas na record ng produksyon ng mga magsasaka ng palay. Sinabi pa ng papalabas na Agriculture chief na ang produksyon ng bigas…
Read MoreNOGRALES NANUMPA KAY VP SARA DUTERTE
(BERNARD TAGUINOD) NANUMPA bilang kinatawan ng ika-4 distrito ng lalawigan ng Rizal si Rep. Fidel Nograles kay Vice President Sara Duterte sa Davao City. Si Nograles ay lumamang ng mahigit 60,000 boto sa kanyang dalawang kalaban noong nakaraang eleksyon sa bagong congressional district ng Rizal o ang mismong bayan ng Montalban. “It is an honor to be sworn in by VP Sara, who has a strong and clear mandate to serve from the people,” ani Nograles. Miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang mambabatas habang tumatayong co-chairman ng partido ang…
Read MoreDAYUHAN NA SASAWSAW SA RALLY, PALALAYASIN
AGARANG deportasyon ang ipapataw ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang sasali sa mga rally o sa iba pang political demonstration sa bansa, ayon sa pahayag ng pamunuan ng ahensiyang ito. Ang babalang ito ay may kaugnayan sa presidential inauguration ni Ferdinand “Bongbong” Marcos kahapon sa harap ng National Museum sa Intramuros, Manila. Sa ilalim ng Immigration Laws, ipinagbabawal sa mga dayuhan na makisawsaw sa mga rally, sapagkat anila isa itong pagpapakita ng kawalang galang sa immigration laws. Bukod sa mga rally, “foreigners are also prohibited from supporting, contributing or…
Read More