DRUG WAR, TULOY — ABALOS

MAGPAPATULOY ang kampanya ng pamahalaan laban sa salot na droga, pagtitiyak ng bagong talagang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Abalos na personal pa siyang sasama sa mga drug raids upang ipakita sa mga mamamayan na seryoso sila sa layuning masugpo ang illegal drug trade sa bansa. Nais rin aniya niyang mabigyan ng motibasyon ang mga pulis upang tiyaking ang lahat ng operasyong gagawin ay alinsunod sa itinatakda ng batas. “The drug war will be pursued relentlessly in accordance with…

Read More

RIDER PATAY SA SALPUKAN NG MOTOR, BUS

patay

HINDI nagawa pang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang isang 37-anyos na rider makaraang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo at isang Carousel bus sa Quezon City, Linggo ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Fernando Bullo Baltazar Jr., ng Binondo, Maynila. Agad namang naaresto ang driver ng Carousel bus na si Ramil Valdez De Guzman, 48 anyos at nakatira sa Pines Village Subdivision, Barangay San Isidro, bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bandang 9:30 ng gabi nang maganap ang…

Read More

2 WANTED PERSONS NALAMBAT SA QC

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkakadakip sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na lugar sa nasabing siyudad. Kabilang sa naaresto ng mga awtoridad ang no.10 most wanted person ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa Quezon City. Batay sa report ng PS-13, sa pamumuno ni PLt. Col. Roldante S. Sarmiento, kinilala ang suspek na si Amy Revaner, 46-anyos. Siya ay inaresto dakong ika-4:10 ng hapon noong Hulyo 2, 2022 sa Upper St., Brgy. Payatas B, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest para sa…

Read More

Operasyon sa 3 metro cities P.6-M DROGA NASABAT SA 10 DRUG SUSPECTS

ARESTADO ang pitong drug suspects dahil sa pagbebenta ng umano’y shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City. Ayon sa pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, nagkasa ng operasyon ang PS-14 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, dakong ika-3:50 ng hapon noong Hulyo 2, 2022, sa kahabaan ng Luzon Ave., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina Johnson Base, 36; Efren Lopez, 44, at Ferdinand Manois, 24-anyos. Nasamsam mula sa mga suspek ang 20 gramo ng…

Read More

MURANG BIGAS, PETROLYO HIRIT NG MILITANTENG GRUPO

MAKARAANG ipaalala kay Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Romualdez Marcos Jr. ng grupong Socialista, ang pangakong nitong pabababain ng hanggang P20.00 ang kilo ng bigas, at ang tumataas na presyo ng langis at kuryente, ay payapang nilisan ng mga raliyista ang Chino Roces Bridge na dating Mendiola, sa Legarda St., Sta. Mesa Manila, Lunes ng umaga. Ayon sa grupo na pinamunuan ni Ding Villasin, secretary general, isa sa naging pangako ng bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas ay mapababa ang presyo ng bigas at ibaba rin ang bayarin sa kuryente at pigilan ang pagsirit…

Read More

2 CHINESE ARESTADO SA P1.768-B SHABU

TINATAYANG umabot sa P1.768 billion na halaga ng droga ang nakumpiska sa dalawang Chinese national sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang AFP Task Force: Noah, Team Navy, PNP 4A at local police, sa magkahiwalay operasyon sa Quezon City at Cavite. Sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Affair Office chief, Director Derrick Carreon, bandang alas-10:30 ng umaga ikinasa ang operasyon sa area ng Maria Clara St., Banawe, Quezon City  Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasa 40 kilos ng hinihinalang shabu…

Read More

7 biktimang kababayan tinutunton pa 4 CHINESE KIDNAPPERS LAGLAG SA CIDG

CAVITE – Naaresto ng pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) at Bacoor City Police, ang apat na Chinese national dahil sa pagdukot sa kanilang mga kababayan sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Huang Yang Hui, 31; Jerry Hong, 32; Yang Hua, babae, 28, pawang POGO operators, at Xiang Long Huang, 29-anyos. Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ni Lloyd Eloriaga, driver ng pitong biktima na pawang mga Chinese national, at nagtatrabaho…

Read More

P500 AYUDA IPADADALA NA SA MAHIHIRAP – SEC. TULFO

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na matanggap ng 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda ngayong linggo. Ayon kay Tulfo, ngayong Lunes ng umaga (July 4) ay sisimulan na ng kanyang ahensya ang pagdeposito ng ayuda sa cash card ng mga benepisyaryo na…

Read More

PBBM, VP SARA AT ATTY. LOPEZ NAGPASALAMAT SA MGA TAGASUPORTA

NAGDAOS ng ‘Pasasalamat Tanghalian ng Maynila’ sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Vice Pres. Sara Duterte at Atty. Alex Lopez sa mga dating Kabataang Barangay na sumuporta sa kanila nitong nadaang May 9 elections, na ginanap sa Saisaki West Ave., QC nitong Sabado ng tanghali (July 2). Masayang nagsalo sa pananghalian ang grupo ni Sen. Imee Marcos kabilang ang Kabataang Barangay Manila, KBMM, KB LuzViMinda, mga samahang nabuo simula pa noong 1975, 1980 at 1985. Kabilang sa mga dumalo sa simpleng pasasalamat ang mga dating opisyal ng Kabataang Barangay na…

Read More