PRESYO NG LANGIS KAYANG TAPYASIN NG KONGRESO

KUMBINSIDO ang isang militanteng mambabatas na nasa kamay ng Kongreso ang solusyon sa dinaranas na dusang dala ng lingguhang pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo. “For the immediate relief to our people, we call  on the next Congress and the next administration to immediately pass a law that will suspend the collection of the excise taxes on oil now,” kay outgoing Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, kasabay ng giit para sa regulatory measures sa industriya ng langis. Aniya, higit na angkop pangunahan ng 19th Congress na rebisahin at…

Read More

Sa panunumpa nina PBBM at VP-elect Sara SECURITY PLAN NG PNP PLANTSADO NA

HANDA na ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Bumuo na rin ng task force ang PNP para sa paghahanda sa seguridad at tinatayang nasa pito hanggang walong libong pulis ang ipakakalat sa National Museum kung saan gaganapin ang panunumpa ni Marcos Jr. sa Hunyo 30. Sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng PNP, binuo na ang Security Task Group Manila at Security Task Group Davao para sa inagurasyon ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.…

Read More

Alert Level 1 nananatili MT. BULUSAN TULOY SA PAG-AALBUROTO

NANANATILING nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Ito ay makaraang makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nang patuloy na seismic activity ng nasabing bulkan. Bukod pa ito sa nangyaring phrea­tic eruption ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, noong Linggo ng umaga, Hunyo 5, dahilan upang itaas ng Phivolcs ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal. “Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which means that it is currently in an…

Read More

SAKOP NG ALERT LEVEL 1 DINAGDAGAN

NAGPALABAS ang Malakanyang nitong Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15. Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon. Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon na makapagbibigay linaw hinggil sa alert level status sa iba’t ibang lugar sa buong bansa. Sa bagong listahan, marami ang nananatili gaya ng nakasaad sa bersyon na ipinalabas noong Mayo 27, bagama’t mas maraming “component…

Read More

TARGET NG OPERASYON, 7 PA HULI SA BENTAHAN NG DROGA

TAGUMPAY ang naging operasyon laban sa bentahan ng ilegal droga ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (DET) ng Manila Police District makaraang madakip ang target sa operasyon, at pito pang umano’y kasabwat nito sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila nitong Sabado ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2  ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang target ng operasyon na kinilalang si Romeo Morales y Castro, 35, kaanib ng Commando gang, at residente ng  Tondo,…

Read More

KAMPANYA KONTRA DROGA, KRIMEN, KORAPSYON NAIS IPAGPATULOY NI SEN. GO

HANDA si Senator Christopher “Bong” Go na muling ihain ang panukalang batas na nagsusulong na buhayin ang death penalty para sa ilang heinous crimes o karumal-dumal na krimen, sa susunod na Kongreso. Bahagi ito ng layunin ng mambabatas na ipagpatuloy ang kampanya laban sa droga, kriminalidad at korapsyon. Matatandaang noong Hulyo 2019, isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207 na naglalayong muling buhayin ang capital punishment para sa illegal drugs at kasong plunder ngunit bigo itong maipasa sa 18th Congress. “Anyway, we can file it again if we want.…

Read More

COMELEC SPOX, NAGPAALAM NA RIN

HINDI na nagawang palawigin ng higit pa sa isang buwan ang panunungkulan ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesman John Rex Laudiangco bilang tagapagsalita ng poll body makaraang ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) ang mga opisyal na nagtalaga sa kanya sa pwesto. Ani Laudiangco, yaman din lamang hindi nakumpirma si Chairman Saidamen Pangarungan na nagtalaga sa kanya at si Commissioner George Garcia kung saan siya nag-uulat at nakikipag-ugnayan bilang bahagi ng kanyang trabaho, angkop lamang aniyang bumaba na rin siya sa pwesto. Bukod kina Pangarungan at Garcia, kabilang din…

Read More

POSPORO, LIGHTER BAWAL NA SA MRT-3

SA hangaring tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero, mahigpit na ipatutupad ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 ang pagbabawal na magdala ng posporo at lighter sa kanilang mga istasyon at maging sa mga bagon ng tren habang bumibiyahe patungo sa kani-kanilang destinasyon. Sa kalatas ng MRT-3, alinsunod anila ang naturang reglamento sa direktiba ng Office for Transportation Security na siguruhing istriktong ipinatutupad ang security plan ng transport operators sa bansa matapos ang magkakasunod na pambobomba sa Mindanao. Ipinatutupad na rin ang masusing pagsusuri ng bagahe, inspeksyon at pagsamsam ng mga…

Read More

TWEET NG JOURNALIST PINALAGAN NG SOLON

TINULIGSA ni Kusug Tausug Representative Shernee Tan-Tambut ang investigative journalist na si Raissa Robles sa kanyang Twitter post kaugnay sa plano ni Cebu Mayor Christina Garcia-Frasco na nakatakdang maupo bilang Kalihim ng Turismo. Sa kanyang bukas na liham sa Facebook, labis na nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Tan-Tambut sa tinuran ni Robles sa kanyang Twitter account na naisapubliko noong Hunyo 2 kaugnay sa plano ni Mayor Frasco na maging isa ring sentro ng turismo ang Mindanao. Ayon kay Tan-Tambut, nagulat siya sa sarkastikong pahayag ni Robles na dadami lamang ang…

Read More