VENDOR PATAY, ANAK SUGATAN SA AMBUSH

patay

QUEZON – Patay ng isang 38-anyos na vendor habang sugan ang 4-anyos nitong anak makaraang tambangan habang pauwi ng kanilang bahay lulan ng tricycle sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito. Agarang namatay ang biktimang si Edmar Samarita dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa ospital sa Lucena City at nilalapatan ng lunas ang anak nito na si Nicko na tinamaan din ng bala sa walang habas na pagpapaputok ng hindi kilalang suspek. Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-7:40 noong Huwebes…

Read More

PDU30 IMBITADO SA PDP-LABAN AT UNITEAM RALLY

KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam. Ito ang inihayag ni Acting Presidential spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag-uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally. Sa katunayan ani Andanar ay mayroon nang imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo. Ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapaunlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo. (CHRISTIAN…

Read More

NCR may pinakamaraming tambay 1 SA 4 NA PILIPINO WALANG TRABAHO

ISA sa bawat apat na Pilipinong nasa hustong gulang ang walang trabaho sa huling bahagi ng nakalipas na taon, batay sa survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) na isinapubliko nito lamang nakaraang Huwebes. Sa datos ng SWS, lumalabas na 11 milyong Pinoy edad 18 pataas – katumbas ng 24.7% — ang walang hanapbuhay sa huling sangkapat ng 2021. Pinakamataas ang antas ng “unemployed” sa Metro Manila kung saan naitala ang 34% “unemployment rate.” Nasa ikalawang pwesto naman ang Balance Luzon na may 29%, Mindanao na mayroong 18% at…

Read More

Hanggang Mayo 15 NCR MANANATILI SA ALERT LEVEL 1

MANANATILI sa Alert Level 1 classification ang buong National Capital Region (NCR) epektibo Mayo 1 hanggang Mayo 15, 2022. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, bukod sa NCR, inilagay rin sa ilalim ng Alert Level 1 sa kahalintulad na panahon ang mga sumusunod na lugar: Para sa Luzon- Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City; Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, at City of Santiago; Region III: Aurora, Bataan, Bulacan,…

Read More

ALMARINEZ: ‘WAG MAGING BIKTIMA NG FAKE NEWS

PINAALALAHANAN ng isang local bet ang mga taga Laguna na huwag basta maniwala sa mga nababasa o naririnig upang hindi mabiktima ng fake news. Ayon kay Dave Almarinez, tuloy-na-tuloy ang kanyang laban bilang kinatawan ng unang distrito sa Laguna sa kabila ng mga naglabasang animo’y black propaganda laban sa kanya. “Wala nang makakapigil sa pagbabagong dala ng inyong lingkod. Huwag tayong maniwala sa mga isyu na walang basehan na pilit nilang pinupukol sa atin. Tuloy ang aking laban para sa bawat isang mamamayan ng San Pedro,” ani Almarinez. Hinimok din…

Read More

NIGERIAN HACKER HULI SA BI

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na umano’y sangkot sa cyber-hacking incident noong Disyembre ng nakaraang taon. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Nigerian na si Henry Chidi Obioma, 27-anyos, naaresto ng BI Intelligence agents noong Abril 21. Si Obioma ay naaresto sa residential area sa Las Piñas City matapos makatanggap ang BI ng impormasyon na nagtatrabaho ito nang walang kaukulang visa at permit. Ang suspek ay sangkot umano sa online banking fraud na nakapambiktima ng 700 clients ng isang pangunahing banking…

Read More

Kung ‘di palalawigin termino ng PNP chief DANAO O SERMONIA PAPALIT KAY CARLOS

PWEDE ang walk-in sa pagpapabakuna ng 2nd booster dose sa Valenzuela City na sisimulan ngayong Biyernes, Abril 29, 2022, para sa immunocompromised na indibidwal, edad 18 pataas na tumanggap ng kanilang 1st booster dose tatlong buwan o higit pa ang nakalilipas. Ang mga kwalipikado ay hinihikayat na magtungo sa Valenzuela City Astrodome upang magpabakuna. Bukas ang nasabing vaccination site mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Kailangang dalhin ang VCVax Passport/vaccination card, booster card, medical certificate na inisyu sa loob ng nakaraang anim na buwan, at…

Read More

Kung ‘di palalawigin termino ng PNP chief DANAO O SERMONIA PAPALIT KAY CARLOS

TALIWAS sa nakagawian, dalawang heneral na lang ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na hepe ng Philippine National Police – yan ay kung hindi na palawigin pa ang termino ni PNP chief General Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8, 2022. Usap-usapan sa Kampo Crame ang diumano’y isinumiteng talaan sa Palasyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para sa babakantehing pwesto ni Carlos na magdiriwang ng kanyang ika-56 kaarawang hudyat ng mandatory age retirement sa PNP. Ayon sa Kalihim, dalawang…

Read More

Inireklamo ni Col. Silvio sa erratic behavior PNP GENERAL INIIMBESTIGAHAN

ISANG police major general ang ipinagharap ng reklamo ng isang police officer dahil umano sa erratic behavior at kagaspangan ng pagtrato sa mga pulis sa loob mismo ng Camp Crame. Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Dionardo Carlos na haharap sa imbestigasyon si P/MGen. Arthur Bisnar ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development o DHRD. Ito ay makaraang matanggap ni Gen. Carlos ang report ni P/Col. Randy Glenn Silvio, ang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG NCR). Sinabi ni Gen. Carlos, may…

Read More