UMABOT sa 20 driver ng mga UV Express ang natiketan ng Law Enforcement Group ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa T.M. Kalaw St., Ermita, Manila nitong Martes ng umaga. Nabatid na ang mga UV Express driver na naisyuhan ng tiket ay may biyaheng Southmall Las Piñas-Lawton, Manila dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng overpricing. Nalaman na sumisingil ang mga driver ng P70 hanggang P80 kada pasahero para sa 11 kilometrong layo na dapat ay P2 lamang kada kilometrong layo. Habang ang ilan naman ay walang naka-display na QR…
Read MoreCategory: METRO
P2-M NAABO SA NASUNOG NA BODEGA
UMABOT sa P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa bodega ng toothpaste at sabon na nasunog sa ikalawang pagkakataon nitong Martes ng madaling araw sa Malabon City. Bandang alas-12:56 ng madaling araw nang magliyab ang bodega ng Prime One Packing Design Corp. sa #11 Mango Road, Brgy. Potrero. Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente at wala ring nadamay na mga kabahayan sa sunog na inaalam pa ang ugat. Umabot sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire-out dakong ala-1:51 ng madaling araw. Noong 2020 ay…
Read More30,061 PNP PERSONNEL LALAHOK SA ABSENTEE VOTING
TINATAYANG aabot sa mahigit 30,000 tauhan ng Philippine National Police ang lalahok sa absentee voting para sa May 2022 national election partikular ang mga naitalaga sa mga lalawigan na malayo sa kanilang lugar. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Police BGen. Roderick Augustus Alba, gaganapin ang absentee voting sa PNP sa April 27, 28 at 29. Base sa rekord ng PNP, mayroong 3,248 PNP personnel na nakabase sa National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City ang lalahok sa absentee voting. Umabot naman sa 26,813 PNP personnel ang lalahok sa…
Read MoreSa tagumpay vs ilegal na droga ANTI-ILLEGAL DRUG AGENCIES PINARANGALAN SA KAMARA
KINILALA at pinarangalan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang law enforcement agencies sa kanilang tagumpay laban sa ilegal na droga sa bansa sa nakaraang halos 6 na taon. Sa seremonya sa Kamara, ginawaran ng plake ng pagkilala ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Nagsanib puwersa ang House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Masbate Rep. Narciso Bravo Jr., at si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng House…
Read MoreMAINIT NA SALPUKAN SA QC DISTRICT 5 IKINABABAHALA
NANGANGAMBA ang Koalisyong Novalenyo sa umiinit na labanan ng mga kandidato sa District 5 ng Quezon City. Kamakailan ay naghain ng 290 counts ng vote buying sa Comelec ang isang grupo laban sa congressional bet na si Rose Lin. Bilang tugon, tinawag ng kampo ni Lin na fake news ang mga reklamo laban sa kanya at ito umano ay pakana ng kanyang mga kalaban. Kabilang sa pinangangambahan ng Koalisyong Novalenyo ay ang sumbong na pag-iikot umano sa Novaliches ng nasa walong kalalakihan na ayon sa mga nakakita ay may dalang…
Read MorePEKENG INSECTICIDES NASABAT
MAHIGIT 2,000 piraso ng pekeng insecticide canisters mula sa China ang nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsalakay sa mga tindahan sa Batangas at Laguna kamakailan. Ayon kay NBI-Intellectual Property Rights Division chief Glenn Ricarte, ang pagsalakay sa siyam na tindahan ay bunsod ng sumbong na lantarang pagbebenta rito ng pekeng insecticides. Bitbit ang search warrants buhat sa mga korte, pinasok at ininspeksyon ng mga ahente ang mga tindahan. Dito ay natuklasan at nasamsam ng NBI ang tinatayang P350,000 halaga ng insecticides na ibinibenta sa…
Read MoreBOC, NBI NANGUNA SA RAID NG P250M PEKENG LUXURY GOODS
PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), at National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang joint operation noong Biyernes sa #6 Peter Street, Perpetual Village, Las Piñas City kung saan nadiskubre nila ang humigit-kumulang sa P250 milyong halaga ng mga puslit na pekeng luxury items. Ayon kay CIIS Director Jeoffrey C. Tacio, ang mga naturang items ay labag sa intellectual property rights (IPR). “This operation was not going to be possible without the cooperation from all of our partner agencies.…
Read MoreKOREANONG WANTED SA MURDER, TELCO FRAUD TIMBOG SA BI
NAKATAKDANG ipatapon ng Bureau of Immigration (BI) sa sarili niyang bansa ang isang South Korean fugitive na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa kasong murder at telecommunications fraud. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang suspek na si Jang Youngjin, 38, naaresto noong Biyernes sa kanyang bahay sa Cubao, Quezon City. Si Jang ay nakakulong na sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang kanyang deportasyon pabalik sa kanilang bansa. Ayon kay BI-FSU chief, Rendel Ryan…
Read MorePuwede kahit mga tatay na MGA TOTOY HINIKAYAT SA LIBRENG TULI
HINIKAYAT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga kabataang 11 taong gulang pataas sa lungsod na fully vaccinated at nakatira sa Brgy. Bangkulasi at Brgy. Tanza 1 na maghanda sa pagbisita ang Tuli Yours (Libreng Tuli) team. Nitong Abril 25, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ginanap ang tulian sa Mahal na Señor Compound sa Barangay Bangkulasi, habang ngayong Abril 26, dakong alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-12:00 ng tanghali naman gagawin ang tulian sa Tanza 1, Barangay Hall. ‘First come, first served’ ang gagawing pagtutuli, at 100 slots…
Read More