NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 133,000 foreign nationals na naghain ngayong taon ng kanilang annual report na isinagawa noong Enero hanggang Marso 1. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Alien Registration chief, Atty. Jose Carlitos Licas, inihayag niya na may kabuuang 133,557 foreigners ang nakiisa sa 2022 annual report. Ang annual reporting of aliens ay isinagawa sa unang 60 calendar days ng bawat taon na alinsunod sa mga probisyon ng Alien Registration Act of 1950. Ang aliens na may hawak na valid immigrant…
Read MoreCategory: METRO
2 PANG COCAINE BRICKS NATAGPUAN SA DAGAT
TAMA ang naging kautusan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva sa mga tauhan nito at maging sa local PNP units at mga elemento ng Philippine Marines at Navy, na maging alerto dahil posibleng may mga madidiskubre pang cocaine bricks sa area ng Cagayan matapos na makakuha ng tatlong bricks ang mga mangingisda sa lugar. Noong Martes, dalawa pang bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang natagpuang inaanod sa tubig-dagat sa Aparri, Cagayan Matapos makuha ang tatlong bricks ng cocaine na natagpuang lumulutang sa tubig-dagat sa pagitan ng Abulug at…
Read MorePATULOY NA KOOPERASYON LABAN SA COVID-19 HIRIT NG SOLON
NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa patuloy na kooperasyon laban sa COVID-19 habang ang kanyang koponan ay nagbibigay ng suporta sa mahigit isang libong residente sa Borbon at Catmon, Cebu. Patuloy na nakikipagtulungan ang tanggapan ng senador sa iba’t ibang programa ng gobyerno upang labanan ang pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga indibidwal at sektor na lubhang naapektuhan ng patuloy na pandemya. Sa relief operations na isinagawa ng kanyang team sa Borbon at Catmon, Cebu noong Sabado, nakiramay si Go sa mga residente at…
Read More251 KAWATAN, P2-M SHABU NALAMBAT NG NPD *P 3.4-M shabu silat sa Caloocan
UMABOT sa 251 pasaway ang dinampot, kabilang ang siyam na children in conflict with the law, at halos P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa pinaigting na kampanya laban sa droga at kriminalidad ng Northern Police District (NPD) mula Marso 14 hanggang 21. Nangunguna sa mga dinampot sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) ang 68 durugista; 96 sugarol; 10 magnanakaw; at 53 wanted sa iba’t ibang kaso. Kasama ring hinuli ang isang may kasong frustrated murder; isang kinasuhan ng grave threat; isang kinasuhan ng child…
Read MoreSEKYU, BUGBOG-SARADO SA ANAK NG KONGRESISTA
BUGBOG-SARADO ang security guard ng isang exclusive subdivision makaraang gulpihin umano ng isang grupo ng kalalakihan kabilang ang anak ng isang nakaupong kongresista sa Kamara. Kwento ng biktimang nakilala sa pangalang Jomar Pajares, isang grupo ng kalalakihang lulan ng isang mamahaling sasakyan ang nagtangkang pumasok sa BF Homes sa Parañaque City, sa kabila ng kawalan ng subdivision sticker. Paliwanag na Pajares, pinakiusapan din umano niya ang lalaking nagpakilalang anak ng isang Congressman Arnie Teves ng Negros Oriental na sa kabilang gate ng subdivision dumaan dahil doon aniya pinahihintulutan ang mga…
Read MoreLOLA NAMATAY SA BIGAYAN NG ‘AYUDA’ SA QC
NASAWI ang 60-anyos na lola habang naghihintay na matawag sa ayuda na ipinamamahagi umano sa headquarters ng isang kandidato sa Quezon City. Ayon sa mga kaanak ng biktimang kinilalang si Ginang Emelita Deguangco, 60, ng Pink Flamingo Rainbow Homes sa Barangay San Bartolome, Quezon City, nagtungo ang matanda sa San Bartolome headquarters ni QC 5th District Congressional candidate Rose Lin nang mabalitaan na mamumudmod ito ng pera. Wala umanong kasama ang matanda at pagdating sa headquarters ay pumila ito at naghintay na matawag sa kabila ng matinding sikat ng araw.…
Read MoreSECURITY PLAN PARA SA LOCAL CAMPAIGN KASADO NA – PNP
SA hudyat ng pagsisimula ng kampanya sa hanay ng mga kandidatong puntirya ang iba’t ibang local elective post, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan kasabay ng anunsyo sa inilatag na planong hangad ay masiguro ang isang maayos ay mapayapang halalan sa Mayo. “It’s all systems go,” ani PNP chief General Dionardo Carlos. Aniya, kasado na ang kanilang security plan laban sa magtatangkang manggulo sa panahon ng kampanya sa antas ng lokal na posisyon. Nakatutok na rin aniya ang PNP sa bantang posibleng idulot ng mga private armies.…
Read MoreGOV’T EMPLOYEE KRITIKAL SA BUNDOL NG BISIKLETA
NAGKAROON ng brain injury ang isang 34-anyos na kawani ng gobyerno makaraang mabundol ng bisikleta habang nakatayo at nag-aabang ng masasakyan sa Quiapo, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang biktimang si Ramon Kristofer Carrasco, binata, ng Zapote, Las Piñas City. Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Jhamie Aizceth Castro, 18, estudyante, ng N. Zamora St., Pandacan. Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Northbound Lane ng Quezon Boulevard, malapit sa Globo De Oro St.…
Read More4 TIMBOG SA DRUG OPERATION SA TONDO
APAT na indibidwal ang binitbit ng mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Tomas Mapua St. sa Tondo, Manila noong Linggo ng umaga. Kinilala ang target ng operasyon na si John Paul Varona y Pagudar, binata, jobless, ng Brgy. 11, Tondo. Arestado rin ang tatlong umano’y kasabwat nito na sina Regina Garino, 50; Shirly Nicolas, 45, at Angela Quirimit, 18-anyos. Base sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Mark Anthony Navarro kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-7:00 ng umaga nang…
Read More