Laban hindi pa tapos 21 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, 2 SA MALABON

HINDI pa dapat maging kampante ang mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, dahil malinaw na hindi pa tapos ang laban sa coronavirus, ito ay makaraang 23 ang naitalang namatay sa pandemya sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling datos ng health offices ng nasabing mga lungsod. Sumipa sa 1,760 ang total deaths sa lungsod ng Caloocan noong Marso 19 mula 1,739 noong Marso 5, o karagdagang 21 fatalities, habang bumaba naman sa 49 ang active cases mula sa…

Read More

UP-PGH PROGRAM LILIKHA NG LIBO-LIBONG TRABAHO – DEFENSOR

MAHIGIT tatlong libong trabaho ang inaasahang maidaragdag sa work forces sa Quezon City dahil sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Diliman program na pinondohan ng mahigit P21 billion. Bukod dito, sinabi ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, tiyak na lalong sisigla ang ekonomiya ng lungsod sa nasabing programa. “We are wholly endorsing the project. Besides vastly improving public access to world-class charity hospitalization and outpatient services, the project will create 3,400 new permanent jobs,” ayon pa sa kongresista na tumatakbong mayor ng lungsod. “We’ve gone over the project details,…

Read More

CAMANAVA 6-ORAS NA WALANG TUBIG KADA GABI

KABILANG na rin sa mawawalan ng tubig ang malaking bahagi ng Caloocan City at 15 barangay sa Navotas tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw hanggang sa Abril 1. Sa Caloocan City ay mawawalan ng tubig sa nasabing mga oras ang sumusunod na mga barangay: 1-6, 8, 10-23, 25-28, 30-38, 40-44, 46-50, 52-71, 73, 74, 77, 78, 80, 93, 97,98, 101, 103, 105, 106, 107, 109-118, 120, 122-131, 148, 149, 152, 153, 154, 159, 160, 162, 163, 165-180, 182-188, Bagbaguin, Deparo, at Llano. Sa Navotas City naman ay…

Read More

MS ECO-INT’L WINNER KATUWANG NG TURISMO

PINAIGTING ng bagong hirang na Miss Eco-International 2022 na si Kathleen Paton ang kanyang panawagan para sa pagsuporta sa environmental conservation pagkatapos ng pandemya. Si Paton ay masayang binati ng mga lider at miyembro ng Turismo Isulong Mo Partylist (#156TURISMO) na kamakailan ay nag-imbita sa beauty queen sa pagbisita sa ilang ecological park at farm resorts sa Davao City. Ayon kay dating DOT Sec. Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng TURISMO, nagagalak sila sa panalo at tagumpay na natamo ni Kathleen Paton na nasungkit ang Miss Eco-International. Ayon kay Teo, isang…

Read More

17 AMBULANSYA BIGAY NG FOUNDATION SA METRO LGUs

NAGBIGAY ang Pitmaster Foundation, isa sa pinakamalaking charity institutions sa bansa ng mga ambulansya sa lahat ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR). Ang mga naturang ambulansya ay pormal na ipamamahagi ng Foundation sa mga NCR LGUs, katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG), bilang ikatlong bahagi ng kanilang commitment sa mga Metro Manila Mayors. Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, utos sa kanila ng kanilang chairman na si  Charlie “Atong” Ang,…

Read More

PAGREPASO SA K TO 12 ITUTULOY

ISUSULONG ng re-electionist senator na si Win Gatchalian ang pagkakaroon ng oversight review sa Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law. Ayon sa senador, maraming hamong kinakaharap ang pagpapatupad sa programang K to 12. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng congested o masikip na curriculum at kakulangan sa preparasyon para sa mga guro. Pahayag ng mga eksperto, ang congested curriculum, kung saan requirement ang maraming mga competencies, ay nagiging hadlang sa pagkakaroon ng sapat na oras sa pagtuturo, pati na rin…

Read More

EX-PGMA, IBA PANG OPISYAL SA PAMPANGA PINASALAMATAN NI REP. TAN-TAMBUT

NAGPAHATID ng pasasalamat si Congresswoman Shermee Tan-Tambut ng Kusug Tausug party-list kay dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagsasama sa kanya sa paglilibot sa Pampanga at pagpapakilala sa matataas na opisyal ng lalawigan.  Inilahad ng kongresista sa kanyang Facebook page ang pasasalamat sa dating Pangulo na nilisan ang Metro Manila madaling araw pa lamang at buong tapang na sinamahan siya at kanyang team kahit sa gitna ng mainit na panahon sa iba’t ibang lungsod at bayan ng lalawigan sa apat na araw na kampanya sa naturang lalawigan na isa…

Read More

P143K BATO TIKLO SA OBRERO

NAKUMPISKA sa isang obrero ang tinatayang P143,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Albert Rinosa y Diocariza alyas “Abet”, 40-anyos. Natiklo si Rinosa dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Huwebes, Marso 17, sa Rami St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover cop. Aabot sa 21 gramo ng shabu na may presyong P143,000, ang nakumpiska sa suspek kasama ng buy-bust money at…

Read More

Isinarang kalsada sa Malabon DAGDAG KALBARYO SA MGA MOTORISTA

KASABAY ng pagsirit ng presyo ng krudo at gasolina, nadagdagan ang pinapasang krus ng mga motorista sa Malabon City. Ngayong araw ang unang “Biyernes Santo” ng mga motorista sa nasabing lungsod dahil pansamantalang isinara ang Damson Road sa Barangay Muzon at Dampalit dahil sa gagawing pag-upgrade sa mga kalsada at kanal. Ang masaklap at tiyak na magiging dahilan ng pag-usok ng maraming bumbunan, ay maaari umanong tumagal ito ng tatlong buwan, ayon sa pamahalaang lungsod. Kaugnay nito, inabisuhan ng city hall ang lahat ng mga sasakyan na manggagaling sa Dampalit…

Read More