MAHIGIT 300 doktor mula sa General Santos at mga kalapit na bayan ang nagpahayag ng suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate niya na si Inday Sara Duterte. Nakadaupang palad ni Marcos ang 20 doktor sa General Santos City, at tinawag nila na “UniteaMD” ang kanilang samahan para ipakita na buo ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam. Sa pangunguna ng kanilang tagapagsalita at presidente ng medical society na si Dr. Jun Demontaño sinabi nito na marami sa kanilang hanay ang suportado ang UniTeam at naniniwalang…
Read MoreCategory: METRO
Sa unang araw ng local campaign KAGAWAD NILIKIDA SA MINDORO
INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung dahil sa love triangle o may kinalaman sa pulitika ang paglikida sa isang barangay kagawad sa Socorro, Oriental Mindoro, sa unang araw ng local campaign period. Kinilala ang pinaslang na barangay official na si Aldrin Magtibay ng Barangay Calucmoy sa bayan ng Socorro. Ayon sa imbestigasyon, habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang kubo ay pinasok ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril. Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Grace Mission Hospital, subalit idineklarang dead on…
Read More300 bisita lang kada araw VISITING HOURS SA PMA MAIKSI PA RIN
BUNSOD nang bahagyang pagluluwag sa ipinatutupad na health protocols dahil sa bumababang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, pinapayagan nang makabisita ang mga turista maging ang pamilya ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar sa Baguio City. Ito ang pahayag ng pamunuan ng PMA matapos ang deklarasyon ng Local Government Unit (LGU) ng Baguio City na ibinababa na sa Alert Level 1 ang COVID-19 restrictions. Batay sa advisory ng PMA na ibinahagi ni 1Lt. Chin Calima, tagapagsalita ng PMA, papayagang makapasok ang mga turista at pamilya…
Read MoreBARIL, P 27-M SMUGGLED CIGARETTES HULI NG PNP
BUKOD sa baril, nahulihan din ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang lalaki ng bulto-bultong smuggled cigarettes sa Davao City. Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nasakote sa ikinasang police operation ang suspek na kinilalang si Tapsaren Alibasa, 47-anyos, residente ng Hagonoy, Davao del Sur. Una rito, nagsagawa muna ng intelligence operation ang mga tauhan ng Davao City Police matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa modus operandi ni Alibasa na sinasabing armado. Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo na…
Read More5 BLOKE NG MARIJUANA TIKLO SA CALL CENTER AGENT
LAGUNA – Dinakip ang isang call center agent makaraang makumpiskahan ng limang bloke ang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation ng mga awtoridad noong Martes sa San Pablo City. Arestado ang suspek na si Donn Anthony Amante Delgado,26, residente ng Brgy. San Lucas 2 ng bayang ito. Nahuli ang suspek bandang alas-10:07 ng gabi makaraang makipag-transaksyon ang mga awtoridad na umaktong poseur buyer kapalit ang halagang P2,000. Kumpiskado ang limang bloke na marijuana at mga buto nito na nakabalot sa plastic na tinatayang may halagang P482,000, digital weighing scale at P1,000 drug money.…
Read MoreSa pagsisimula ng local campaign PNP MAY COLOR CODING SA ELECTION HOTSPOTS
KASADO na ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) para tiyaking magiging maayos, mapayapa at ligtas ang pagsisimula ng campaign period para sa iba’t ibang local position sa May 9 national elections. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, handa na ang ipatutupad nilang seguridad at partikular na tutukan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tukoy na hot spot areas o areas of immediate concerns. Bukod sa makakatuwang ang AFP at PNP ay magdadagdag umano sila ng pwersa sa mga lugar na natukoy…
Read MoreCHINESE ARESTADO SA ‘WIFE/GIRLFRIEND FOR RENT’
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti-Fraud Division (NBI-AFD) ang isang Chinese national na sangkot umano sa “wife or girlfriend for rent ” modus, sa entrapment operation sa Parañaque City. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang suspek na si Zhang Yang Ming, alyas “Mike”. Ang operasyon ay ikinasa ng NBI matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y human trafficking na isinasagawa ng local recruitment company na Interpreta Communication Services sa Parañaque City. Ayon sa nagreklamo ng tatlong Filipina, nag-apply sila ng trabaho bilang receptionist sa…
Read MorePRRD, NCR INCUMBENTS MATAAS SCORE SA RPMD SURVEY
NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na overall approval na 63 percent at mataas ang trust rating na 56 percent sa pinakahuling RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) survey sa National Capital Region. Ibinunyag din ng independent pollster na sa darating na halalan sa Mayo 2022, ang labing isang nanunungkulan na alkalde sa National Capital Region (NCR) na naghahangad na muling mahalal o tumakbo para sa iba pang posisyon ay may “commanding lead”. Sila ay sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City,…
Read MoreRAPE SUSPECT SA ANTIQUE, DAKIP SA QC
ARESTADO ang isang most wanted person sa Antique dahil sa kasong rape, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Miyerkoles sa Quezon City. Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina ang pagkakadakip ng top 10 most wanted person ng Antique Police Provincial Office na kinilalang si Joenard Mendoza, 45-anyos. Batay sa ulat ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante S. Sarmiento, ang suspek ay nadakip noong Marso 23 sa tirahan nito sa Brgy. Payatas, Quezon City, ng pinagsanib na…
Read More