TATLONG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 54-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi kilalang gunman sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila noong Huwebes ng tanghali. Kinilala ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, ang biktimang si Solayman Malges, tubong Sarangani City at naninirahan sa Isla Puting Bato sa Tondo. Batay sa ulat nina Det. John Teody Siguen at Det. Sir Joseph Christian Pineda, bandang alas-11:50 ng tanghali nang mangyari ang pamamaril sa biktima. Salaysay ng 38-anyos na lalaking anak ng…
Read MoreCategory: METRO
P9-M PEKENG YOSI NAKUMPISKA SA VALENZUELA
TINATAYANG P9 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang kinumpiska sa isang bodega sa Valenzuela City, iniulat ng Bureau of Customs noong Huwebes. Nabatid sa BOC, sa pagsusuri ay natuklasan sa nasabing bodega ang master cases, malalaking kahon na naglalaman ng 50 karton o 10,000 inangkat na pekeng sigarilyo gaya ng Marlboro Reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba pa. Ang mga pakete ng sigarilyo ay nagtataglay ng magkakaparehong Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps serial numbers. Bukod dito, ilang master cases din ng sigarilyo ang natagpuan sa…
Read More8 SUSPEK SA MISSING SABUNGERO KAKASUHAN NA NG CIDG — DILG
NAKATAKDANG magsampa ng kasong kriminal ngayong araw ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa walong indibiduwal na pinaniniwalaang sangkot sa magkakahiwalay na pagdukot ng 34 sabungerong sangkot diumano sa game-fixing sa usong-usong e-sabong. Pagtatapat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nakumpleto na ng CIDG ang mga ebidensyang magdidiin sa mga suspek na hindi na pinangalanan ng Kalihim hanggat wala sa kanilang kustodiya ang mga naturang suspek. Aniya, kailangan muna nilang hintayin ang paglalabas ng mandamyento de aresto mula sa husgado. Agad namang…
Read MoreP6.8-M SHABU NASABAT SA LADY CLAIMANT
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilo ng umano’y shabu na tinatayang P6,800,000 ang halaga sa ikinasang controlled delivery operation sa Villa Crystal, Barangay Bagumbong, Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi, Marso 16, 2022. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang babaeng claimant ang inaresto ng kanyang mga tauhan nang tangkain nitong kunin ang imported parcel na pinaglagyan ng isang kilo ng shabu. Sa ulat na isinumite ni PDEA Region 3, Director Bryan Babang, kinilala ang suspek na si Charlene Nworisa y Zabala, naninirahan…
Read MoreSa Malabon at Valenzuela WATER INTERRUPTION HANGGANG ABRIL 1
HANGGANG Abril 1 magpapatupad ng water interruption ang Maynilad sa 24 barangays ng Valenzuela City tuwing gabi. Mula Marso 17 hanggang Abril 1 ay walang tutulong tubig sa mga gripo sa sumusunod na mga barangay sa Valenzuela City mula 10 pm hanggang 4 am: Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Ugong Viente Reales at Wawang Polo. Ito ay dahil pupunuin umano ng Maynilad ang mga reservoir nito na mabilis na bumaba…
Read MoreTagubilin sa PDEA, NBI at PNP NARCO-POLITICIANS LAGING BANTAYAN
ISANG maugong na panawagan laban sa mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga sa bansa ang ipinaabot kahapon ng isang kongresista sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). Giit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tutukan ang mga narco-politicians na aniya’y gumagamit sa kampanya ng pondong mula sa mga sindikatong sangkot sa pagbebenta ng droga. “Don’t let your guard down during the anti-drug campaign during the election campaign period.” Paniwala ni Barbers, mayroon pa rin nalalabing mga narco-politicians sa…
Read MoreSa Taytay, Rizal at Valenzuela City P565-M SMUGGLED GOODS NASAMSAM NG BOC
UMABOT sa P65 milyong halaga ng mga imported na sibuyas, beans, frozen chicken at karneng baboy ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa bodega sa lalawigan ng Rizal at Valenzuela City kahapon. Sa Taytay, Rizal, natuklasan ang mga imported frozen chicken, beef, pork, sausages, butter at iba pang foodstuffs na may kantidad na P50,000,000, habang bodega sa Sitio Punturin sa Valenzuela City, nasamsam ng mga operatiba ang mga pula at dilaw na sibuyas, at beans na umabot sa P15,000,000 ang halaga. Ayon sa kagawaran, sa bisa ng Letters of Authority…
Read MoreWanted sa large-scale fraud 2 PUGANTENG KOREANO, HULI SA PAMPANGA
INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakadakip sa dalawang South Koreans na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa large-scale fraud. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s Fugitive Search Unit, kinilala ang mga arestado na sina Son Hyungjun, 36-anyos, at Choi Jong Bok, 40, naaresto noong Martes sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Pampanga. Sinabi ni BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, si Son na naaresto sa Angeles City, ay naka-tag bilang miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nakapambiktima ng mahigit sa 22…
Read MoreNETIZENS ‘LSS’ SA CHEL KA LANG CAMPAIGN SONG
PATOK sa netizens ang bagong campaign song ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno. Inilabas noong Lunes ni Diokno ang bago niyang campaign jingle na may pamagat na “Chel Ka Lang”, na ang tono’y hango sa kantang “Cool Ka Lang.” Umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kanta na nakaka-LSS o Last Song Syndrome, ayon sa maraming nagkomento sa Facebook page ng human rights lawyer. “LSS na this,” post ni Ciara Liezette sa Facebook page ni Diokno. “Super saya ng jingle! Maraming salamat po! Ipanalo na ito!”…
Read More