SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles na may isinasagawa nang “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident. Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente. Aniya, may mga rekomendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.” Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes. Tumalon umano ang mga pugante mula sa pathwalk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4. Pawang armado…
Read MoreCategory: METRO
Hamon sa LGUs GASOLINAHANG MADAYA PARUSAHAN
BUNSOD ng panibagong oil price increase na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis noong Martes, hiniling ng isang mambabatas sa Kamara sa local government units (LGUs) na inspeksyunin ang mga gasolinahan sa kanilang nasasakupang lugar upang masugpo ang mga nandadaya sa mga motorista. “Gasoline stations that use tampered pumps to defraud motorists should be shut down and their business permits and mayor’s license swiftly revoked,” ayon kay Minority congressman Jose Singson Jr. Hindi sinabi ng mambabatas kung nakaranas na ito na madaya ng tampered pumps sa mga gasolinahan o nakatanggap ng reklamo…
Read MoreTSISMOSA PAGMUMULTAHIN SA VALENZUELA
SIMULA ng pagpasok ng 2022 ay kapuna-punang halos doble ang bilang ng active cases sa Valenzuela City kumpara sa mga karatig lungsod nitong Caloocan, Malabon at Navotas, at isa sa mga nasisilip na dahilan ng mismong mga Valenzuelano ay ang nagkalat na nagtsitsismisan sa lungsod. Bunsod nito, hindi iilan ang nanawagan na magpatupad ang Sangguniang Panlungsod ng ordinansang magpapataw ng mas mabigat na parusa gaya ng malaking multa o pagkakakulong o pareho sa mga mahuhuling nagtsitsismisan “Dapat talaga magkaroon na ng ordinansa laban sa mga Maritess at Tolits. Obvious naman kasama…
Read MoreUnang generic Anti-Covid drug sa mundo MAYNILA MAGKAKAROON NA NG BEXOVID
NOONG Martes, inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na malapit nang magkaroon ng sariling supply ang pamahalaang lungsod ng pinakahihintay na antiviral na gamot na tinatawag na Bexovid, ang unang generic version ng Pfizer’s Paxlovid sa buong mundo, matapos maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). “Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga kaibigan sa FDA at kanilang inaksyunan nang mabilis ang ating application. Hindi natin basta-basta magagamit ang mga gamot na ito sa Covid kung wala tayong CSP. With the agency’s approval, pwede na natin maibigay sa mga pasyente…
Read MoreTaas-sahod iginiit MGA GURO DISMAYADO SA 15/30 NA SWELDO
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang kinatawan ng mga guro sa Kongreso dahil imbes na dagdag sahod ang ibigay sa mga ito ng Department of Education (DepEd) ay sinagot ito ng ahensya ng 15/30 salary scheme. Nangangahulugan na tuwing kinsenas at katapusan na ire-release ang sahod ng public school teachers mula sa kasalukuyang sistema na isang bigayan lang kada buwan. “Our public school teachers need a substantial salary increase, not another scheme that would simply cut the release of their salaries in half,” ani ACT Party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas,…
Read MoreGAGAMIT NG PEKENG VAX CARD HUHULIHIN – PNP
NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na maaaring arestuhin o makasuhan ang sino mang magpapakita o gagamit ng pekeng vaccination card. Ito ay kaugnay sa ipinatutupad ngayong “no vaccine, no ride” na patakaran sa National Capital Region. “You can be charged [with] falsification of public documents kasi po itong vaccination card is a government-issued public document,” ani PNP spokesperson P/Col. Roderick Alba. “Pangalawa, if you’re hiding ‘yung health condition mo at pineke mo ‘yung vaccination card, you will be violating Republic Act 11332. So, that is…
Read MoreP2.8-B FASTEST, LONGEST RAILWAY PROJECT SA PH, SISIMULAN NA
INAASAHANG mapasisimulan na ang itinuturing ngayong fastest and longest railway segment project sa Pilipinas na magbibigay ng maraming trabaho para sa libo-libong Pilipino bukod sa magpapabilis ng daloy ng kalakalan at transportasyon. Ito ay matapos na lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at ang isa sa mga dambuhalang railway contractors sa buong mundo na mula sa China para sa construction ng PNR South Long Haul Project DB (Package 1). Nabatid na ang PNR South Long Haul Project DB ay binubuo ng apat na package na magdudugtong sa Luzon at Visayan…
Read MoreBilyong inutang sa Maynila IBINUHOS SA SABLAY NA PROGRAMA
PINALAGAN ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pagka-alkalde sa Maynila ang bilyones na inutang ng pamahalaang lungsod. Ayon kay Atty. Alex Lopez, sa buong kasaysayan, ngayon lang nagkautang ang siyudad ng Maynila ng bilyong piso para sa maling prayoridad at mga sablay na programa ni Manila Mayor Isko Moreno. Sagot din ito ni Lopez sa banat ni Vice Mayor Honey Lacuna na walang basehan at katotohanan ang ibinulgar ng una na nagkaroon ng utang na P25 bilyon ang City of Manila para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura…
Read MorePLANONG PAGPUGA NI ESPINOSA, BULILYASO
BULILYASO ang tangkang pagpuga ng aminadong drug lord na si Kerwin Espinosa makaraang inguso ng kapwa detenido sa National Bureau of Investigation custodial facility sa lungsod ng Maynila. Pag-amin ni NBI Director Eric Distor, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y planong pagtakas ni Espinosa at dalawang pang iba. Ayon pa aniya sa impormante, pupuslit palabas ng NBI custodial facility ang tatlo sa pamamagitan ng pagdaan sa butas kung saan nakakabit ang exhaust fan patungo sa kisame hanggang sa kabilang dulo ng air duct sa labas ng gusali. Bunsod nito,…
Read More