DILG sa mga alkalde PAGSALUBONG SA BAGONG TAON TIYAKING LIGTAS

INATASAN ng Department of Interior Local Government (DILG) ang mga alkalde na tiyaking ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa isang kalatas, hiniling ni DILG Sec. Eduardo Año sa mga alkalde ng 144 lungsod at 1,498 munisipalidad ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan kaugnay ng pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa merkado, gayundin ang pagpapaputok ng baril na posibleng ikamatay o ikasugat ng sino mang tatamaan ng ligaw ng bala. Bukod sa mga alkalde, mahigpit din ang tagubilin ng Kalihim sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire…

Read More

19M PASOK SA COVID BOOSTER DOSES

TINATAYANG nasa 19 milyong indibidwal ang eligible para sa booster shots o karagdagang doses ng COVID-19 vaccines matapos ibaba sa 3 buwan ang booster dose interval. Nauna nang sinabi ng Department of Health (DoH) na ang booster shots ay maaaring ibigay tatlong buwan matapos ang primary dose series para sa ilang vaccine brands at “at least two months” matapos ang primary vaccination ng Janssen vaccine. “With the shortened time period or the interval, we expect a lot will be due already for booster doses,” ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario…

Read More

PNP, Army sanib-pwersa PARUSA SA 3 NAMARIL NA SUNDALO TINIYAK

HINDI kukunsintihin ni Philippine Army Commanding General, Maj. Gen. Romeo Brawner ang tatlong sundalo na inaresto ng mga tauhan ng PNP-National Capital Regional Police Office matapos na mamaril gamit ang isa sa kanilang service firearms na ikinasugat ng anim na katao, kabilang ang tatlong menor de edad sa Barangay Pinagsama, Taguig City noong araw ng Pasko. Ito ang pagtiyak kahapon ni Army Public Affairs Office chief, Col. Xerxes Trinidad kasabay ng pahayag na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP-NCRPO para sa ano mang legal action bukod sa kanilang pansariling imbestigasyon kaugnay…

Read More

PINOY, KANO TOP ARRIVALS NGAYONG HOLIDAY SEASON

MGA Pilipino ang nanguna at pumangalawa lamang ang mga Amerikano sa pinakamaraming dumating sa bansa ngayong Disyembre 2021. Ayon sa data ng Bureau of Immigration (BI), umabot sa 141,216 Filipinos ang dumating sa holiday season, marami sa kanila ay pawang overseas Filipino workers (OFWs). Sinundan naman ito ng Americans sa bilang na 12,455 arrivals, Canadians, 2,805, at Japanese, 1,645. Ibinahagi pa ni BI Commissioner Jaime Morente, ang karamihan sa mga dumating ay balikbayans na papunta sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas para ipagdiwang ang Christmas at New Year. “This is…

Read More

Malaking tagumpay para sa kabataan – Gatchalian TAAS-EDAD SA STATUTORY RAPE, MAISASABATAS NA

MALAKING tagumpay para sa mga kabataang Pilipino. Ganito maituturing ni Senador Win Gatchalian ang pagratipika ng Bicameral Conference Committee sa panukalang itaas ang statutory rape age sa edad na labing-anim (16). Niresolba ng Bicameral Conference Committee report ang mga pagkakaiba sa House Bill No. 7836 st Senate Bill No. 2332. Isa si Gatchalian sa mga senador na may akda ng panukalang batas. Ang kasalukuyang edad ng sexual consent sa Pilipinas ay labindalawa (12), ang pinakamababa sa Asya at isa sa mga pinakamababa sa buong mundo. Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang hakbang…

Read More

Giit ng solon sa gobyerno EVACUATION CENTERS ISABAY SA REHAB PROGRAM

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara sa gobyerno na isabay ang pagpapatayo ng matatag at permanenteng evacuation centers sa rehabilitation program na ikinasa ng gobyerno sa mga probinsyang sinalanta ng bagyong Odette. Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nasabing panawagan sa gobyerno habang hinihintay ang aksyon ng Senado sa panukalang batas para magtayo ng evacuation centers sa bawat bayan. “Rehabilitation should not only cover the reconstruction of typhoon-damaged infrastructure but should also consider adaptation measures to help safeguard people from future calamities,” ayon sa mambabatas. Unang sinabi ni Cabinet…

Read More

BI sa paalis na travelers: PUMUNTA SA AIRPORT NANG MAS MAAGA

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa travelers na papaalis papuntang ibang bansa sa panahon ng holidays, na maging maaga sa pagpunta sa airport para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing. Ayon sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, pinaalalahanan niya ang travelers na maging mas maaga na magtungo sa airport sa kanilang scheduled departure flights para matiyak na hindi sila mabitin sa kanilang oras sa pag-check sa kanilang airlines at para matiyak na rin ang social distancing sa immigration area. Suhestiyon din ng local airlines na ang travelers ay magsimulang pumasok…

Read More

P8-M FOOD PACKAGES AYUDA NG CHINA SA ODETTE VICTIMS

KUMILOS na rin ang China matapos na matunghayan ang lawak ng pinsalang idinulot ng Typhoon Odette na nanalasa sa maraming lalawigan sa Visaya at Mindano na tinatayang kumitil ng mahigit 300 katao. Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 milyon, sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo. Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental. Pahayag pa ni Ambassador Huang, gagawin…

Read More

Sa Negros Occidental MASSIVE VAX DRIVE HANGGANG DEC. 28

TULOY ang “Bayanihan, Bakunahan” massive vaccination rollout laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Negros Oriental matapos manalasa ang bagyong Odette. Sa katunayan, sinabi ni Assistant Provincial Health Officer, Dr. Liland Estacion, limang araw gagawin ang second round ng inoculation drive, mula Disyembre 21 hanggang 23 at 27 at 28 sa Macias Sports Complex mega vaccination center. Hiniling naman ni Estacion sa kanyang mga kalalawigan na samantalahin ang libreng bakuna kabilang na ang booster o karagdagang bakuna upang hindi makompromiso ang safety protocols habang isinasagawa ang relief and rehabilitation efforts…

Read More