IGINIIT ni House Deputy Minority Leader Rep. Carlos Zarate sa Kongreso na pagtibayin na ang kanilang panukalang batas na pakawalan na o kaya ay payagan nang maglagak ng bail para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang matatanda at sakiting mga preso. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos payagan ng Korte Suprema na makapag-bail si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio dahil sa kanyang sakit. “Convicted old and sickly person should now be made a new additional and humanitarian ground applicable for the release of deserving prisoners,” ayon sa…
Read MoreCategory: METRO
30 KATAO DINAMPOT SA RIOT SA TONDO
UMABOT sa 30 indibidwal, kabilang ang tatlong nasa hustong gulang, ang binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District makaraang sumiklab ang riot sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat, 27 menor de edad ang dinala sa Department of Social Welfare and Development – Recreation Action Center habang ang tatlong nasa hustong gulang ay dinala sa presinto para isailalim sa imbestigasyon. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang sumiklab…
Read MoreSa loob ng 22 araw 16 PATAY SA COVID SA CALOOCAN
UMABOT sa 16 ang namatay sa COVID-19 sa loob ng 22 araw sa Caloocan City, ayon sa ulat ng City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit. Mula sa 1,613 noong Nobyembre 28, pumanhik sa 1,629 ang COVID death toll sa lungsod noong Disyembre 20 at bumaba naman sa 32 ang active COVID cases mula sa dating 83. Pumalo na sa 62,150 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 60,489 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, walang naitalang bagong kaso…
Read MoreGORDON KAY PRRD: TIGILAN PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS
TULAD sa mga nakalipas na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kinukwestyong procurement ng COVID-19 supplies, sinimulan ni Senador Richard Gordon ang hearing nitong Martes sa pagbanat kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tinawag ni Gordon si Pangulong Duterte na author ng fake news. “I PRAY FOR YOU, MR. DUTERTE. I pray for you dahil wala na kayong ginawa kundi magpakalat ng fake news. Kayo po ang author ng fake news,” saad ni Gordon sa kanyang opening speech. “Tigilan nyo na iyan Mr. Duterte. Gawin nyo na lang ho ang…
Read MorePITMASTER KATUWANG ANG PHIL. MARINES SA ODETTE RELIEF DISTRIBUTION
DAHIL pahirapan ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas Region, minabuti ng Pitmaster Foundation na lumapit sa Philippine Foundation na makipag-ugnayan sa Philippine Marines 72nd Marangal Batallion upang mabilisang maihatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga tao doon. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, “personal kong sinilip ang mga dinaanan ni Odette at maraming mga kalsada ang sira o lubog sa tubig kaya naisip namin na humingi na ng tulong ng AFP.” Ani Cruz, “Hindi lang sa pag-transport ng mga relief…
Read More#BrigadangAyalaKaakay: PAG-ASA DALA NG MILLENNIAL LAWYER SA MGA MAGSASAKA
MANILA – Hindi nagdalawang-isip si Michelle Hatol, graduate ng San Beda Law, nang tanungin siya ng ama na pangasiwaan ang kanilang family business na New Isabela Grains Milling, isang supplier at advocate ng lokal na palay simula 1982. Kasalukuyang supplier si Hatol sa 12-week food distribution program ng #BrigadangAyalaKaakay para sa 10,000 pamilya sa Metro Manila. “Malapit talaga sa akin ang pagsasaka dahil lumaki ako sa Isabela. Bata pa lang ako, nagtitimbang na ako ng palay. Tuwing summer, nagtatrabaho ako kasama ng mga magsasaka kapag bakasyon,” saad ng 36-year-old na…
Read More‘Pag ‘di naresolba P5.1-B backwages ng OFWs TOTAL DEPLOYMENT BAN SA SAUDI ARABIA – DOLE
NAGBANTA si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magpapatupad siya ng total ban sa labor deployment sa Saudi Arabia dahil sa patuloy na pagka-delay ng pag-aayos sa mahigit sa P5.1 bilyong bayarin sa sweldo ng mahigit sa 11,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa. “If this problem will not be settled, I’m seriously considering recommending to President [Duterte] a total deployment ban of our overseas workers to the Kingdom of Saudi Arabia,” pahayag ni Bello sa isinagawang balitaan noong nakaraang Biyernes. “I have all…
Read MoreKARNAPER TIMBOG SA GPS NG OTO
BULILYASO ang dapat sana’y magarbong Pasko at Bagong Taon ng dalawang pinaniniwalaang karnaper matapos dakpin ng mga operatibang nakatunton ng kanilang kinaroroonan gamit ang Global Positioning System (GPS) device na nakakabit sa tinangay nilang sasakyan. Arestado sa operasyon ng Manila Police District (MPD) sa San Miguel, Bulacan ang mga suspek na kinilala ni Lt. Col. Cenon Vargas na sina Pipoe Silverio at Alvin Castro, kapwa residente ng Barangay Bagong Barrio sa lungsod ng Caloocan. Ani Vargas, dumulog sa kanilang himpilan ang 39-anyos na si Ryasan Sanchez kaugnay ng pagkawala ng…
Read MorePinoy mula sa Qatar 3RD OMICRON VARIANT CASE SA PINAS
MULING nadagdagan ang bilang ng mga kaso ng mutated coronavirus strain makaraang magpositibo sa Omicron variant ang isang 36-anyos na balikbayang Pinoy na dumating sa bansa mula sa bansang Qatar. Ayon sa Department of Health (DOH), tatlo na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Omicron variant na ayon sa mga eksperto at higit na nakakahawa kumpara sa Delta variant na kumitil ng hindi bababa sa 400,000 katao sa bansang India nitong nakaraang mga buwan ng Hulyo at Agosto. Pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ikatlong pasyenteng nagpositibo…
Read More