MATAPOS ang isang taon, nagbalik ang pinananabikang kakaibang Kapaskuhan sa isa sa mga pinakatampok na pasyalan sa lungsod ng Maynila – ang Ocean Park sa baybaying bahagi ng Manila Bay. Sa temang Aqua Santa in Water Wonderland, muling bibida si Santa Claus na simbolo ng kapaskuhan sa mata ng mga bata, subalit hindi sa anyong nakagawian kundi bilang isang Scuba Santa Claus sa natatanging ocean park sa pusod ng lungsod. Pagtitiyak ng pamunuan ng Manila Ocean Park, kalakip ng pagbabalik ni Scuba Santa Claus ay ang isang ligtas na pasilidad…
Read MoreCategory: METRO
MAGSASAKA PABORAN HINDI IMPORTERS – SOLON
MULING hinimok ni Magsasaka Party-list (MPL) Rep. Argel Joseph Cabatbat ang mga ahensya ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa mga smuggled na produktong pang-agrikultura. Tanong ng mambabatas: mas pinahahalagahan ba ang mga importer kaysa sa mga magbubukid ng Pilipinas na luging-lugi na? Nitong Martes, ginisa sa Senado ang mga kinatawan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at Bureau of Customs (BoC) dahil sa patuloy na pagpupuslit sa bansa ng gulay, Korean strawberries at iba pang produkto. Duda ni Senador Ping Lacson, may sabwatan ang mga tauhan…
Read MoreUMPUKAN BINATO NG GRANADA
APAT katao ang naitalang sugatan makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang tumpukan ng mga kalalakihan sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato. Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang kinilala ni Matalam chief of police Major Junrel Amotan na sina Elizabeth Wahing, Florencio Wahing, 10-anyos na batang lalaki at isa pang hindi tinukoy sa ulat ng pulisya. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nahagip pa ng CCTV ang malagim na insidenteng naganap sa harap ng tindahan sa Purok Uno, Barangay Kilada…
Read MoreSa mga hindi pa bakunado VIRTUAL SIMBANG GABI MUNA
HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na dumalo na lang sa virtual Simbang Gabi o traditional early morning mass. “Sa mga hindi pa po bakunado, mas mainam po na mag-attend na lang po ng online or virtual Simbang Gabi. Mas mainam po, magpabakuna na po tayo. Ingat po ang lahat,” ayon kay Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Bilang general rule para sa pagdalo sa pre-dawn mass, hinikayat ni Nograles ang church-goers na patuloy na sundin ang minimum public health standards (MPHS). “Mag-mask po, hugas, iwas…
Read MorePROTOCOLS NASUNOD SA DAY 1 NG SIMBANG GABI
WALANG naitalang aberya sa unang araw ng tradisyunal na Misa de Gallo sa National Capital Region, batay sa ulat ng pulisya. Sa isang pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng misang dinaluhan ng hindi bababa sa 60,000 katao sa mahigit 300 simbahan sa 17 lokalidad ng nasabing rehiyon. Ayon kay Lieutenant Colonel Jenny Tecson na tumatayong tagapagsalita ng NCRPO, nasunod ang itinakdang panuntunan ng Inter Agency Task Force kaugnay ng venue capacity sa mga bahay dalanginan, ayon mismo sa ulat ng 3,000…
Read MoreNO. 7 MOST WANTED PERSON, HULI SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa no.7 station level most wanted person sa bisa ng warrant of arrest noong Miyerkoles sa Mexico, Pampanga. Kinilala ni P/Lt. Col. Elizabeth D. Jasmin, commander ng Cubao Police Station (PS-7), ang suspek na si Aerly Calara, 30-anyos, at residente ng Brgy. San Antonio, Sasmuan, Pampanga. 220
Read MoreP15-M PARTY DRUGS NASABAT SA MAIL EXCHANGE CENTER
UMABOT sa P15,572,000 halaga ng party drugs o ecstasy tablets mula sa The Netherlands ang nasabat ng Bureau of Customs Port of NAIA, at NAIA PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa inisyal na report ng NAIA Inter Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), dumating ang tatlong parcel sa bansa na idineklarang mga regalo. Natuklasan din ng Customs Examiner at ng PDEA na ang laman nito na 7 lady handbags na may 16 improvised pouches ay mayroong nakalagay na 9,169 ecstasy tablets,…
Read MoreINFRA PROJECTS PALALAWAKIN SA MGA PROBINSYA
ISUSULONG ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga proyektong pang-imprastraktura sa mga lalawigan. Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde, “A peso spent in Metro Manila will never give us much economically, but the same peso spent in the provinces will give us more in terms of return.” Sa kanyang pagbisita sa Iloilo, sinabi ni Moreno na kung siya’y mahalal bilang pangulo, ang mga Pilipino ay makaaaasa ng higit pang mga proyekto, partikular sa mga probinsya na nahuhuli sa usapin ng pag-unlad. “Makikita mo ang mas maraming development dahil nag-iikot na…
Read MoreSa gitna ng banta ng Omicron variant ALERT LEVEL 2 HANGGANG DEC. 31
MANANATILI sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa simula Disyembre 16 hanggang Disyembre 31. Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na panatilihin sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa. Kasama rin sa pinagtibay ng IATF ang pagpapahintulot ng makapagbukas ang mga sabungan sa gitna ng pagpapatuloy ng Alert Level 2. Pero pagbibigay diin ni Nograles, 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat fully vaccinated.…
Read More