LTO KINASTIGO SA ‘DI PAGPAPATUPAD NG MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT

MULING binanatan ni Senador Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) sa kabiguang maipatupad ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act simula nang maisabatas tatlong taon na ang nakalilipas. Iginiit ni Gordon na dahil dito, bigo ang LTO na protektahan ang publiko kasama na ang motorcycle riders. “Its implementation was so far delayed that the (Senate) Blue Ribbon Committee was forced to call hearings to determine how delayed, what the causes for delay were, and what consequences of the delays were,” saad ni Gordon. “Non- implementation can…

Read More

LOLA, 32 PANG TULAK BINITBIT SA BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 33 katao na hinihinalang drug pushers, kabilang ang isang lola, ang binitbit ng Cavite police sa isinagawang buy-bust operation sa nakalipas na dalawang araw sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:45 noong Biyernes ng umaga hanggang alas-2:20 ng madaling araw noong Sabado sa limang lungsod at anim na bayan sa lalawigan ng Cavite. Nanguna ang bayan ng Tanza sa may pinakamaraming nadakip na mga tulak ng ilegal na droga…

Read More

P2-B RELIEF ASSISTANCE SA ‘ODETTE’ VICTIMS

TINIYAK ng pamahalaan na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Ito’y sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic. “Si Pangulong Duterte has already committed P2 billion na funding. Ang i-allocate to help ito rin. Sinabi niya sa governors na kinausap niya kahapon,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Nauna rito, nagsagawa si Pangulong Duterte ng aerial inspection nitong…

Read More

Babala ni Defensor LIFE IMPRISONMENT SA BANK HACKERS

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang kahaharapin ng cybercriminals na sangkot sa pagha-hack sa deposit accounts ng mga kliyente ng Banco de Oro Unibank, Inc. Babala ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga cybercriminal, mahaharap sila sa kasong economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkakulong bukod sa P5 million multa. “The act of breaking into a bank’s computer system and stealing money from more than 50 deposit accounts constitutes economic sabotage. Under the law, the offense is punishable with life in prison plus a fine of up to P5 million,”…

Read More

NEA KINALAMPAG SA ELECTRIC COOPS NA HINAGUPIT NI ‘ODETTE’

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang National Electrification Administration (NEA) na gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) upang mapabilis ang pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente at iba pang power infrastructure na sinalanta ng bagyong “Odette”. Ayon kay Gatchalian, may P200 milyon pondo ang ECERF para sa taong ito. “Sa lakas ng pinsala ng bagyong Odette, huwag naman sanang umabot pa ng pasko ang brownout sa ilang lugar sa bansa. Nananawagan ako sa NEA na gawan ng paraan ang pinangangambahan ng mga kababayan natin upang makapagdiwang sila…

Read More

Ipinagkanulo ng aroma ng marijuana SINITA SA TRAFFIC VIOLATION BUKING SA PARTY DRUGS

ARESTADO ang isang 23-anyos na binata makaraang malanghap na amoy marijuana ng sumitang miyembro ng Manila Traffic Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan din ng party drugs na ecstasy sa Ermita, Manila. Ayon sa ulat, nang sitahin ng traffic enforcer si Juan Miguel Tan y Villanueva, residente ng #437 Pacheco Ext., Tondo, dahil sa traffic violation, naamoy nito ang halimuyak ng marijuana ngunit pinasibad ng suspek ang minamanehong asul na Honda Jazz na may plakang (AAW-4321) bandang alas-8:30 ng umaga sa Roxas Boulevard at Katigbak St.,…

Read More

TILAPIA FINGERLINGS IPINAMAHAGI SA VALENZUELA

NAMAHAGI ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng lagpas sa 280,000 tilapia fingerlings sa Valenzuela City. Tatlumpung fishpond owners sa Barangay Tagalag, ng lungsod ang nabiyayaan ng nasabing fingerlings. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng fingerling enhancement program ng BFAR. Layon nitong madagdagan ang huling isda sa bansa at bigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga mangingisda. (ALAIN AJERO) 774

Read More

2 FAKE PDEA AGENTS LAGLAG

DALAWANG nagpanggap na mga ahente ng PDEA matapos manghingi ng pera mula sa nakakulong na drug suspect, ang inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng PDEA Intelligence and Investigation Service, Philippine Navy’s Naval Intelligence & Security Force (NISF) at Anti-Organized Crime Unit of the PNP Criminal Investigation and Detection Group (AOCU-CIDG) Kinilala ang dalawang suspek na sina Carla Saylon Alumno, 37-anyos, na gumagamit ng mga alyas na “Janet Flores” at Jermay Plarisan,” at 27-anyos na si Jessica Daming Salapar, kapwa inaresto ng composite team sa Cavite. Ang mga suspek ay nagpakilalang mga…

Read More

Sa pakikipagtulungan ng China customs PAGPUSLIT NG DRUG PACKAGES SA PINAS, SILAT

PINURI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang China Customs dahil sa pagkakasabat ng packages na naglalaman ng kontrabandong droga na ibibiyahe sana papasok sa Pilipinas. Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, ang Shenzhen Customs ay nagbigay ng impormasyon kaugnay sa drug trafficking sa PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service-Foreign Investigation and Intelligence Division (ICFAS-FIID) na nagresulta ng matagumpay na pagkakasabat ng ilegal na droga sa ikinasang controlled delivery operations. “PDEA promptly organised a controlled delivery team to thwart the smuggling attempt of the packages carrying illegal…

Read More